Surname Syndrome ? [one - shot ]

1.9K 94 37
                                    

" Sarmiento. "

Tss. Ito na naman tong nakakainis na ulupong na tawag ng tawag sa apelyido ko. Hindi ko alam kung bakit trip na trip niya yung surname ko.

Nilingon ko ang lalaking katabi ko. Nakatingin lang siya sa teacher namin na kasalukuyang nagtuturo. Bakit kaya lagi niyang tinatawag ang apelyido ko. Pero pag nililingon ko naman siya , nakatingin lang din siya sa akin kung hindi naman, nakatingin sa kung saan. Natapos ang klase na wala akong naintindihan kakaisip sa bwisit na lalaking iyon.

" Lyndon! Tara basketball. " sabi nung isang kaklase namin dito sa lalaking katabi ko.

Tumayo na siya at nag ayos ng gamit.

" Graciella, pakisabi sa kuya mo, na sumunod siya sa court huh, maglalaro kami. " sabi ni Lyndon sa  akin.

Ang nakakapagtaka lang, pag may sasabihin siya sa akin, tinatawag niya naman ako sa pangalan ko.

" Oo Santos. Sasabihin ko. " sagot ko.

Lumingon lang siya at ngumiti.

Umuwi ako sa bahay at sinabi kay kuya na pinapasunod siya ni Lyndon sa court. At ako naman pinuntahan ko ang dakila kong bestfriend, para samahan akong magpapansin sa mga naglalaro ng basketball sa court. Tama, kay Santos. Bwisit kasi talaga yung kwatog na yun, kakatawag niya sakin, napansin tuloy siya ng puso ko.

" Great, samahan mo ko sa court." sabi sa inyo dakila tong bestfriend ko eh. Ewan, napagtripan ata to ng mga magulang niya. Great ang ipinangalan eh.

" Sige, andon ba kuya mo? "

" Oo, kaya nga tara na eh." tumpak, malandi kami pareho, ako kay Santos. Siya kay kuya.

Hindi kami nagpapahalata na nanonood kami. Tinawag ko si kuya.

" Kuya!! Pahingi ng pera. " alibi ko.

" Ha?! Umuwi ka sa bahay. Kuya mo lang ako, hindi ako ang tatay mo. "

" Sige na Boljak! Pambili lang ng Ice tubig. " bibigay na yan. Ginamitan ko na ng blackmail technique ko eh.

" Tumigil ka diyan sa kakaBoljak mo, baka maboljak nga kita. Oh ito!! Bakit kasi di ka na lang umuwi at don uminom." kitams.

" Eh naglalaro kami ni Great eh. " sabay nguso sa kasama ko.

" Pantanga lang kayo diyan. Graciella tigilan mo na yan,3rd year high school ka na eh." masama na timpla ni utol.

" Anong masama sa laro namin? " nakasimagot kong tanong.

" Anong masama? Eh mukha kayong urangutan na palambi-lambitin diyan sa baras. Katurn-off. " sagot niya na nakatingin kay Great.

Surname Syndrome ? [one - shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon