Chapter 3

2.7K 52 6
                                    



Chapter 3



[ Twinkle ]


Galit na galit na ako.. galit na galit na ako sa kanyang harapan pero mistula siyang aso sa sobrang lapad ng pagkakangisi niya sa akin. Aso.. tuta.. yan ang laging pang inis niya sa akin noon at hanggang ngayon ganoon pa rin ang epekto noon sa akin. Kaunting kaunti na lang sasabog na talaga ako, talagang mamumura ko siya ng malutong at maraming beses. Bwisit na bwisit na ako... isa.. dalawa.. tatlo.. apa--------------- handa na akong sigawan siya ulit pero natigilan at natulala ako ng marinig ko ang napakalakas niyang tawa... na talaga namang nagpatayo ng mga balahibo ko sa aking buong katawan..


ang sexy..

ang sexy sexy ng kanyang tinig..

husky..


Wala na nalulon ko na ang aking sariling dila dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang kanyang mga mata.. he was laughing at my expense kahit pa nga nakakainis at nakakagalit pero nakita ko.. kitang kita ng aking dalawang mga mata na napatawa ko siya ng walang pagkukunwari.. yung parang gaya ng dati.. yung parang hindi siya nasasaktan ng dahil sa babaeng iyon. Lyka.. Lyka Montefalco I cursed that name many times in my head.. lalo na ng una kong malaman iyon kay Fritz.. kahit pa nga hindi ko alam ang talagang nangyari.. nasaktan ako para sa kanya..



" Tumutulo na naman ang laway mo sa akin Kelly. Minsan talaga sumisingit sa isip ko na matagal ka ng may lihim na pagnanasa sa akin. Damn!! parang gusto mo na akong kainin ng b-----------



Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos para akong tanga na hinawakan ang aking baba at gilid ng labi ko na parang may laway nga doon at papahiran ko iyon.. bumuka ang aking labi para magsalita pero naunahan na naman niya ako dahil mas humalakhak siya ng malakas na talaga namang nakakuha ng pansin sa mga empleyado niyang dumadaan sa paligid.. unti unting namula ang aking buong mukha kasabay ng pagtaas ng aking dugo sa ulo.. demonyong lalaking ito!! naisahan ako doon ahhh!!! ang kapal kapal ng mukha!! tumutulo daw ang laway ko sa kanya!! pinagnanasaan ko daw siya!! tang inis!!! oo totoo yun.. matagal na akong aminado doon pero kailangan bang ipagsigawan at ipaglakasan para marinig ng ibang tao!! kahit kailan talaga hindi na siya nagbago!! Wala sa sariling tinanggal ko sa aking balikat ang aking messenger bag at walang sabi sabing lumapit ako sa kanyang kinatatayuan at ipinalo ko sa kanyang ulo iyon.. sapul.. sapul na sapul siya sa noo.. natahimik siya dahil doon.. nanlaki ang kanyang mga mata at ng magtagpo ang aming mga mata hinampas ko siya ulit hindi ko na mabilang.. isa, dalawa, tatlo, apat...hindi ko alam pero ng makabawi siya hinablot niya ang aking kamay na may hawak sa bag at walang sabi sabing inihagis niya iyon kung saan gamit ang isa pa niyang kamay.. tapos.. tapos hindi niya binitawan ang aking palapulsuhan.. hinatak niya ako papalapit sa kanya .. yung halos magtama na ang aming mga ilong..shit!!! shit!!! damang dama ko ang pagdampi ng kanyang mainit ng hininga sa aking kanang pisngi.. halos magkandaduling duling ako sa pagtingin sa kanyang mga mata na nagliliyab sa galit.. nawala na ang pagbibiro doon.. nawala na yung ningning na pang iinis.. nakukuryente ako.. nakukuryente sa paglalapit ng aming katawan.. nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa kanyang pabango na nanunuot sa aking ilong.. holy mary mother of christ , the lord is with you, blessed thy woman an-------------




" You'll gonna pay for that. " huli na ng mapagtanto ko ang kanyang ibig sabihin dahil nasa labi ko na ang kanyang mainit na labi na nagpupumilit na ipasok ang kanyang dila sa aking bibig.. tulala ako.. tulalang tulala.. his wet tongue was knocking on my teeth pero tila ako na engkanto dahil hindi ko alam ang dapat gawin.. umungol siya.. at tila naiinis na inipon niya ang aking mga buhok mula sa likuran at walang ingat na hinatak niya iyon dahilan para mapasinghap ako at nakapasok siya.. nakapasok ang kanyang makulit na dila at naggalugad.. oh.my.god.. he was kissing me passionately na nakapagparalisa aking buong katawan.. nakikiliti ako.. kinikilabutan.. yung lamang loob ko parang ginagiling dahil sa sarap.. init.. kilig ...

SOMEONE to OWN (on-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon