Drugstore

11 1 0
                                    

"Pabili nga po ng isang paracetamol, yung pambata."

Nasaan na ba iyon? Ah ito lang pala...

"Singkwenta lang po..."

Ako si Jomar, isa akong pharmacist sa sikat na drugstore dito sa bansa, mabait naman ako... wag lang gagalitin.

Kumakayod ako dito sa siyudad para maibigay ang pangangailangan ng pamilya ko sa probinsya... ilang taon na rin ako dito, halos hindi ko na nga maalala ang mukha nila inay at itay dahil sa sobrang tagal kong pagkakawalay sa kanila

"Hijo, baka pwedeng makahingi ng mga gantong gamot... ang asawa ko... kailangan niya ng gamot... parang awa! Kailangan niya ng gamot, hijo. tulungan mo kami." Habang pinagtutulakan niya sa akin ang resibo, nagulat naman ako ng napahagulgol siya. Siguradong masama din tong tao okaya ay may sayad dahil halata sa madumi nitong postura, walang sapin sa paa, nuknukan ng baho

Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena.

"Pasensya na, hindi po hinihingi ang gamot dito." Akma ko na siyang tatalikuran ng hinatak niya ako sa aking balikat at nagsusumigaw

"Ano ba! Ibigay niyo ang mga gamot na kailangan ko! Mahal ko ang asawa ko! Kailangan namin ng mga gamot na ito... nag-aagaw buhay na siya ngayon... parang awa niyo na..." Kanina ko pa pinagtitiisan ang isang to, nakakainis na!

Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone,

nokia 3310...

Nagulat ako ng magwala na naman siya.

"KASALANAN NIYO ITO! ANO MASAYA NA KAYO?! PATAY NA ANG ASAWA KO! NAHULI AKO... KASALANAN MONG LAHAT NG ITO!!" sabi niya habang dinuduro ako. Kanina pa ito ah, nakakayamot na.

"Guard, paki-labas na naman nito, please." Agad naman ako sinunod ng gwardya

Ngayon ko lang napansin, kanina pa pala umiilaw ang aking cellphone senyales na may nagtext

"Anak, nasaan ka?"

Si inay?

"Anak, kailangan kita... sumagot ka please."

"Anak, ang tatay mo... pumunta siya ng maynila, kailangan ko kasi ng gamot... pero wala kaming pera... anak, ang tatay mo baka kung anong mangyari sa kanya..."

"Anak, pasensya ka na sa abala ah, kailangan ko kasi ng gamot... mahina na kasi si nanay... ang hina ko anak..."

"Kapag nakita mo ang iyong itay sabihin mo na kayo ang huling nasa isip ko habang nag-aagaw buhay ako ngayon anak..."

Hindi ko na napigilan mapahagulgol...

May isa pa palang text... galing kay inay...

"Anak... mamamatay na ako... paalam... mahal na mahal ka ng nanay..."

Inay...

----

Istoryang biglaang sumasagi sa aking kaisipan hahaha

Ang random thoughts ay parang one-shot lang, so kada chapter ay iba-iba ng story

Baka maging compilation ito, palagay na lang sa reading list ng gustong sumuporta. Salamat :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Thoughts (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon