Chapter 52 - Her Past

21 4 0
                                    

A/N: Para hindi tayo magkalituan sa chapter na ito.

Topher - Papa ni Krystel
Maria - Mama ni Krystel
John - Papa ni Yiru

11/05/15

-------

[ Third Person's POV ]
 
A YEARS AGO

"Math Quiz B first runner-up.Congratulation to Krystel Jane Villa Luiz"

Masaya si Jane habang sinasabit nila ang medalya sa leeg niya.Masaya siya sapagkat may bagong achievement na naman siyang iuuwi at siguradong ikakaproud na naman ito ng Daddy niya.

Hinalikan niya yong medal tsaka bumaba na ng stage.

"Ang galing mo talaga sa math Jane" Puri ng isa sa mga kaklase niya

"Syempre ako ang tutor niyan eh"  mayabang na sambit naman ni Yiru

"Asus ang yabang ! Kamusta naman ang nakuha mo sa last exam natin?Bagsak na bagsak haha" kantyaw ng isa pang kaklase nila

"Kaya pala 75 yong grade" hirit pa ng isa

"Sayang nga,kung andito pa sana si Gab.Mas magaling pa yon kaysa sayo Yiru"

Tiningnan nalang sila ni Yiru ng masama at nong akmang papatulan yong mga nangangantyaw sa kanya pinigilan siya ni Jane.

Masakit para sa kanilang lahat,lalong lalo na kay Jane yong pangiiwan sa kanila ni Gab ng walang paalam.

"Ang yabang mo kasi bleehh"

Nasabi nalang ni Jane kay Yiru upang pagaanin ang sitwasyon.

"Isa ka pa"

Dinilaan niya si Yiru.Tiningnan lang ng batang lalake ng masama ang batang babae at hindi na siya nagdalawang isip pa na lumayo sa kanya.Patawatawa sila habang naghahabulan.

Patapos na iyong awarding nong matapos silang maghabulan.

"Uwi na tayo?" Excited na tanong ni Jane kay Yiru

"Mauna ka na,hihintayin ko nalang yong sundo ko"

"Ah okay,si Nikka?"

Napalingalinga pa siya sa paligid na animo ay hinahanap si Nikka.

"Maagang umuwi eh"

"Ah ganon ba? Sige una na ako"

Kumaway kaway pa ito sa kaibigan bago tuluyang tinungo ang gate ng school nila

Naupo muna siya sa waiting shed sa tapat ng school nila upang hintayin ang sundo niya.Ilang saglit pa ay dumating na ang sundo niya.

"Manong si Ate po?" Tanong ng bata sa Driver.Nagtataka ang bata kong bakit wala ang ate niya sapagkat dadaan muna ang kotse nila sa school ng ate niya bago sa school niya.

"Naku Jane mag isleep over daw si Namae sa bahay ng classmate niya"

[A/N: Hindi ako sure kong Namae yong naibigay kong pangalan ng ate ni Krystel noon.]

Malungkot na napatango si Jane.Hindi niya kasi maipagyayabang ang natanggap na medal sa ate niya.

Pagdating niya sa bahay nila,masayang pumasok si Jane.Napapatalon pa nga siya sa sobrang excitement.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon