Chapter 53 - Thanks for coming,my prince

20 3 0
                                    

11/12/15

------

Pagkababa ni Krystel sa motor ko dumiretso agad siya sa loob.Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.

Pagkagising ko kasi kanina nakita ko nalang siya sa tabi ko,nakaupo at parang matamlay.

Tinatanong ko siya kong anong problema niya,pero sabi niya pagod lang daw siya.

Pero iba ang pagod sa matamlay.

Diretso lang ako sa kusina upang uminom.Kinuha ko yong pitsel sa Refrigerator tsaka linagyan ng tubig yong basong hawak ko.

BAAAAGGG

Naibuga ko agad yong iniinom kong tubig dahil sa gulat.Ipinatong ko yong baso sa lamesa at dali daling umakyat papunta sa kwarto ni Krystel.

"Babs!"

Nakaupo siya sa isang sulok habang tinatakpan yong magkabilang tainga niya gamit ang mga kamay habang nanginginig.

Kinakabahan at puno ng pagalala akong lumapit sa kanya.

"Tama na !"

Yayakapin ko na sana siya kaso sumigaw siya

"Sabing tama na ! OO alam ko na kaya wag mo nang ulitin pa.Alam na alam ko"

Kunot noo ko siyang tiningnan.Hindi ko na nakayanan na makita siyang ganon kaya yinakap ko na siya.

"Tahan na.Andito na ako tahan na!"

Hinaplos haplos ko lang yong likod niya.Hindi ko alam kong anong nangyayari sa kanya kaya hindi ko din alam kong anong sasabihin ko.

Siguro ang tanging magagawa ko muna sa ngayon ay ang yakapin siya.

Pagkahiwalay ko sa kanya,nanginginig parin siyang nakayuko habang hawak hawak parin ang tainga niya.

Dahan dahan kong hinawakan yong dalawang kamay niya.Iniangat niya ang tingin niya sa akin.

Takot at lungkot,iyan ang nakikita ko sa mga mata niyang luhaan.Walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya.

Buong pagalala akong tumingin sa mga mata niya.Sana sa paraang ganito,maramdaman niya na andito lang ako para sa kanya.

Kong alam niya lang,nasasaktan din ako na nakikita siyang nagkakaganto.

"Tahan na,andito na ako" kusang bumaba ang mga kaay niya mula sa pagkakahawak sa kanyang tenga.Kahit papaano kumalma na siya.Napatigil na din siya sa pagiyak at napatitig sa akin.
Inalalayan ko siyang tumayo at iniupo sa kama.

Nang tuluyan na siyang kumalma,naglakas loob akong tanungin siya.

"Ngayon,maaari mo na bang sabihin sa akin kong anong nangyayari sayo?"

Tiningnan lang niya ako.Kahit papaano wala na yong takot sa mata niya pero andon parin yong lungkot.

"Naririnig ko naman ang boses na iyon.Yong boses na nagsasabing he killed your father."

May luhang pumatak na naman sa mga mata niya.

Ikwinento niya sa akin ang nangyari noon sa papa niya.Hindi ko mapigilang maging malungkot para sa kanya.

Yinakap ko uli siya.

"Tahan na Krystel,wag mo nang alalahanin pa ang nakaraan.Wag kang magalala tutulungan kitang makalimot."

Gusto ko na ring makalimutan na niya ng tuluyan yong nakaraan niya para hindi na siya nahihirapan ng ganito
Hinawakan ko yong ulo niya tsaka kiniss yong noo niya.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon