Simula ng nag-high school ako, lalaki na ang tingin sa akin ng pamilya at ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagtigil kong magsuot ng skirt o dahil sa ilang kilos ko.
Yung mga bago ko lang na nakilala, hindi nila gets kung bakit daw ako inaasar na lalaki pero after a few months of hanging out, gets na rin daw nila. Ayaw naman nila i-explain kung bakit 'yun ang tingin nila sa akin. Kahit anong pagmamakaawa ko, wala talaga. Malapit ko nang i-consider ang pagluhod sa harapan nila, maniwala lang sila.
At dahil bully ang pamilya ko, "Patrick"na ang tawag nila sa akin. Hindi na "Patricia". Parang kinalimutan na nga yung tunay kong pangalan. Tinanggap ko na lang din. At dahil ang tatamad ng mga kaibigan ko, "Trick" na lang ang tawag nila sa akin. O diba? Lalaki na talaga pati pangalan ko. Mga bwisit talaga. Mga walang patawad.
Binawasan ko naman ang pagsusuot ko ng baggy shirts pati itim na shirt. Sinubukan ko magsuot ng ibang kulay like gray at red. Tapos sinanay ko sarili ko na mag-ayos kahit paminsan-minsan lang. Simpleng powder at lipgloss. Wala pa ring epekto. Matitibay sila.
TO: Eldrin Manansala
HOY! NASAAN KA NA??? NASA INFINITEA NA AKO. MAGKITA LANG TAYO SA TAPAT. IABOT MO LANG LIBRO KO!!!
Dapat kasi pupuntahan ako ng napakabait kong best friend na si Eldrin para ibalik sa akin 'yung hiniram niyang libro. Hihiram-hiram kasi tapos makakalimutan magbalik.
Feeling ko matatagalan pa ang halimaw kaya naman napagdesisyunan ko na mag-order muna.
BEEP! BEEP!
FROM: Eldrin Manansala
Hoy ka din. Lumabas ka na sa kweba mo at kunin mo na tong libro mo. May date pa ako.
Siya pa ang may ganang magsungit kahit ako na 'yung naghintay. Ang kapal talaga ng mukha. Iniwan ko na lang muna yung bag ko sa ilalim ng lamesa, dinampot ko yung phone ko at lumabas na.
"Oh ayan na ang libro mo, Trick," sabi niya tapos hinampas sa mukha ko 'yung libro.
Niyakap ko kaagad yung libro ko. "Wala kang respeto sa babies ko. Hindi ito pinanghahampas. Minamahal ito!"
"Ang weirdo mo talaga. Sino kasama mo naman diyan sa kweba?"
"Wala nga eh. Mag-isa lang ako. Sabihin ko sana samahan mo ako kaya lang may date ka." Nag-pout pa ako. Naka-cross na rin mga daliri ko sa paa, umaasang samahan ako ng best friend ko.
"Ang pa-cute mo. Bumalik ka na doon. May lakad pa ako, 'di kita masasamahan. Hot chick eh." Ang bait talaga. Uunahin pa ang babae kaysa sa kaibigan. Best friend talagang maituturing, tsk!
"Masunog ka sana." Siyempre I don't mean that pero pwede na rin kahit 5 seconds lang.
Nag-fist bump lang kami tapos umalis na siya.
Napakunot ako ng noo nang mapansin ko na may nakaupo sa pwestong iniwan ko. Table for two lang 'yun eh. Paano na ako? Eh mukhang may hinihintay si ate. Saan na ako uupo nito?
Lumapit ako doon sa pwesto ko. "Hmm. Excuse me po?" Medyo nahihiya rin ako kasi mukhang komportable na siya pagkaka-upo niya.
Tumingin naman si ate sa akin. Alam kong babae siya kahit ang ikli ng buhok niya. 'Yung tipong boy cut na. Ngumiti siya, 'yung labas pa ang ngipin. "You're excused." Tumawa siya ng kaunti, natawa siguro sa sinabi niya. Matatawa na rin sana ako kaya lang nahihiya ako. Ha ha ha, tawa ko sa utak ko. "Ano po 'yun?"
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya na ako ang nauna sa pwesto na 'yun. Nahihiya kasi ako pero gusto ko na ring magbasa. Napakamot ako ng batok. "Dito po kasi ako nakapwesto eh." Tapos tinuro ko 'yung ilalim ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Just Girls
FanfictionGirls. May simple, may maarte. May madaldal, may tahimik. May makulit, may hindi. May mature, may isip-bata. May mahilig mag-dress, may ayaw. Mayroong lalaki ang gusto pero may iba na babae din ang gusto. In the end, we're just girls. [Fan fic...