Fact: "Don't you know that Sapphire was our former classmate who died 2 years ago? She is a cute and small person and she died because of her depression of seeing ghosts [as suspected by others but not sure] Seeing ghosts is the reason of her trauma, she doesn't share her secrets nor stories, but she is one of my circle of friends. She died at her room, the case is still unsolved but so far, because of the partial evidences, it was suspected that she commited suicide, but it is still unsure because of the DNA. The DNA of the knife that she used does not match her DNA. Neither her parents, relatives, and even us, her close friends does not match the DNA. So it is suspected that it's either she commited suicide or she is murdered.. ..? Well, it is unknown. We want to add her picture but we are not allowed to show it, so the only memory that we have to show you is the screenshot of her Ipad at the moment she died."
- Nathan (permitted)
NOTICE:
This story is true but the conecept, chracters and places are changed because of privacy terms and used as a backline story of Sapphire as a back-sequel. Thank you.Movie begins in
3...
2...
1...
ACTION 👊
Sapphire's POV
Naglalaro kami ng tagu-taguan nina Ruby at ng dating classmate ko na si Jade. Diba ang astig? Puro mga bato't jamante ang mga pangalan namin? Peace yow. 👸🏻, oo nga pala, nasa Davao kami nun, astig din yung place, safe din daw doon. Well, nag-aaral kami sa may *insert school name* at dahil nasa Cavite yung bahay namin. Nag-rent kami ng isang kuwarto, hindi ko sasabihin kung asan.
Back to the current scene..
Habang naglalaro ka nina Ruby at Jade ng tagu-taguan sa labas ng nirerentahan na kuwarto, nang may isang gustong sumali sa amin. Kasing-tangkad ko lang siya pero mas mahaba ang buhok niya, medyo matamlay at walang emosyon, nagpakilala siya sa pangalang "Deb" kami naman nina Jade at Ruby, dahil na rin nagsasawa kaming maglaro ng tagu-taguan pinasali nalang namin siya. Nag jak-en-poy kami, talo si Ruby kaya siya ang magbibilang. Sa laro namin, hindi ka pipili kung ilan ang bibilangin mo. Agad 50-SLOW ang default. Walang maarte, hehehehhehhe. Feeling professional kase kaming mga baliw.
Then, nung nagstart na si Ruby magbilang, agad kaming tumakbo at humanap ng matataguan namin. Hinanap ko na rin si Deb, pero bigla nalang siya nawala, inisip ko na baka nagtatago na iyon. Kaya naghanap na kami ng matataguan. Nasa ilalim ng silya si Jade, at ako naman ay nasa likod ng pader, medyo nakakatakot lang dahil may parang may mantsa ng parang kamay na SINAWSAW SA DUGO at ipinahid sa pader. Pero, binalewala ko lang rin yun, malay mo? Nag paint-art lang sila para unique. Dibooooooooooo.. ?
Habang naghahanap na si Jade, eh bigla ko lang nakita, as in SHOCK ako, ng bigla lang sumulpot si Deb, nakaupo siya sa pader na may mantsang kamay-na parang ipinahid sa pulang paint. Nilapitan ko siya at sinabing. "Ginulat mo ako Deb, may powers ka ganun?"
Deb: "Wala, kanina lang ako dito"
Mas na shock ako sa sinabi niya, pero nevermind nalang, siguro tanga lang talaga ako nun.Then nung narinig na namin ang boses ni Ruby, alam na alam namin na papalapit siya sa aming hiding place kaya niyaya ako ni Deb na maglipat ng mataguan.
Deb: "Saph! May alam ako na pwede nating mataguan. Follow me"
Pumayag nalang ako, syempre baka makita kami. Ayokong magbilang ng 50-slow! DUH! So i followed her.
.
.
.
.
Then andito na kami sa may ilog, medyo matagal kami nakaabot doon.
Medyo kinikilabutan ako sa ilog, parang malalim. I mean, alam kong malalim. Kaya ko namang lumangoy.
Pero parang creepy yung ilog, kulang nalang may hahawak sa paa mo habang naliligo. Yikes!
"Tara, maligo tayo" sabi ni Deb
"Huh? Ayokong maligo baka makita tayo?" Sagot ko naman.
"Sige na! Wala pa naman sila ehh" Pagyayaya niya.
Parang manyakis siya, ang bata-bata pa niya ganun kaagad? Joke. Nagyayaya lang siya maligo noh?
Pero sobrang creepy niya. Bigla ko tuloy napansin yung sugat niya sa braso.
"Deb? Ano yan? Ba't may sugat ka?" Sabi ko.
"Hiniwa kase ako ng tito ko ehh" sagot niya.
Ha? Ano? Hiniwa daw?
"Deb? Siguro sugat lang yan, medyo mali lang ang choice of words mo?" Pagtatanong ko.
"Hindi, hiniwa ako ni tito, papatayin niya ako." Sagot niya.
"Kaya, isasama kita." Dagdag niya.
Medyo kinabahan na ako nun, lalo na yung pinakita niya yung sugat niya sa may stomach area, pag tingin ko sa mukha niya, bigla siyang naging katakot-takot na babae. Ang mga sugat niya ay nagiging hiwa na ng isang tao, ang mukha niya ay puno ng dugo, parang wala na siyang mukha dahil para inalis yung kanyang balat na parang nilagyan ng acido na ewan. Pero natatakot na ako, nagkaroon ako ng goosebumps all over the body, hi di ko alam kung ano ang gagawin, tumitibok ng mabilis yung puso ko, at unti-unting lumalapit sa akin si Deb na parang gusto niya akong maligo sa ilog, at biglang naging basa ang kanyang damit na puno ng dugo at nakikita sa kanyang mga mukha ang mga kalat ng basura at mga pagkaing dagat na ewan, mukha siyang impakta na nalunod sa ilog.
"Tara maligo tayo" Sabi niya.
"Deb? DEB! AYOKONG MALIGO! DEB HUWAG!" Pagmamakaawa ko.
"Sige na naman noh, maligo na tayo. Magtatago tayo sa ilalim ng ilog para hindi tayo makita" pagyayaya niya.
"Deb...please.. Huwa.." Pagputol ko.
"Huli ka Saph!" Sigaw ni Ruby.
Bigla nang nawala si Deb, at tumakbo ko palapit kay Ruby, takot na takot na ako. Parang, ayoko nang maglaro ng tagu-taguan, ever in my life. Lumapit ako kina Ruby at Jade para i-kwento yung nangyari. Natakot rin naman sila at naalarma. Kaya umuwi na kami sa aming boarding house.
BINABASA MO ANG
Thirteenth Candle
HorrorA horror and suspense story.. STARRING: Ruby Abran and the rest of the group What will be their fate? What is the mystery behind that Thirteenth Candle..? Is it life? Or death? What will be their destiny? NO ONE KNOWS!? "Never turn around, never se...