Chapter 33:

10.3K 178 6
                                    

Shantelle Kristina


"What's that?"


"Bracelet." Sagot ko sa tanong ni Ram. Kinuha ko ang braso niyasaka sinuot ang bracelet.


"Para sa akin ito?"


"Oo, pasensya ka na ah, wala kasi akong maisip na maibigay sayo." Sagot ko.


"Bakit?"


"Ikaw kasi, palagi kang may binibigay sa akin, tapos ako walang maibigay sayo. Nagtanong na nga ako kay Mama kung ano ang pwedeng maibigay sayo kaso wala kaming maisip. Parang nasa sayo na lahat eh." Ngumiti lang sa akin si Ram at yumakap sa likuran ko.


"Nagustuhan mo ba?" Muling tanong ko dito. Ipinatong niya ang baba nito sa balikat ko at mas mahigpit akong niyakap.




"Basta galing sayo, walang dahilan para hindi ko magustuhan." Ngumiti ako sa narinig kong sagot. Humarap ako sa kanya kahit nakayakap pa rin sya sa akin.


"Meron din ako ng katulad nyan. Pati si baby Zeyrone meron din." Inangat ko ang braso ko at pinakita rin ang nakasuot sa akin.


"Maganda." Puri nito. Habang nakatingin ako sa bracelet sa braso ko ay bigla na lamang akong hinatak ni Ram pahiga sa kama.


"Tulog na tayo." Isiniksik na niya ang mukha nya sa pagitan ng leeg at balikat ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.




"Pagod ka ba Ram?" Tanong ko sa kanya habang hinahaplos haplos ko ang braso niya na nakayakap sa tiyan ko.




"Medyo. Gusto mo bang may gawin tayo?"


"Ayan ka na naman Ram eh. Kung pagod ka kasi, mamasahiin kita." Sagot ko. Inangat ko ang kamay niya para bumangon pero pinabigat lang niya ang braso niya sa tiyan ko para di ako makatayo.


"Wag na, mas gusto kong kayakap ka." Napasilip na lamang ako sa kanya sa sinabi nya. Kinuha ko na lang ang kamay niya at iyon ang minasahe. Ngayon ko lang napansin, ang laki ng kamay ni Ram.


Bawat masahe at pagdiin ko sa kamay niya ay umuungol sya sa leeg ko.


"Masarap ba?" Tanong ko.


"Mas masarap ka." Agad na sagot niya.


"Ram!" Bahagya kong kinurot ang daliri niya dahil sa sinagot niya. Pakiramdam ko, biglang may kung ano akong naramdaman sa sikmura ko.



Tumawa lang sya at mas lalong isiniksik ang katawan niya sa akin. Hindi pa nakuntento, idinantay pa niya ang isang binti niyasa binti ko. Halos hindi na ako makagalaw dahil halos lamugin na ni Ram ang katawan ko sa higpit ng yakap nya.


Ilang sandali lang ay nanahimik na rin si Ram. Tulog na sya pero nakapulupot pa rin sa katawan ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasadan kong matulog si Ram. Para syang bata kung matulog, hinahayaan ko na lang kung paano nya ko yakapin sa gabi, dahil para sa akin, sobrang sarap sa pakiramdam kapag yakap yakap ako ng mahigpit ni Ram.


***


"Ram okey na yung baon mo sa baba ah. Nilagay ko na sa kotse mo. Kainin mo yun sa lunch mo ah."


Inayos ko na rin yung suit case na laging dala niya. Tuwing umaga ay ganito na ang routine ko, kahit medyo napupuyat ako sa gabi ay maaga pa rin akong gumising para pagsilbihan si Ram, masaya akong pagsilbihan sya.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon