Keegan's POV
After 5 months..
Ate pabili nga po ulit ng katulad lang dati sabi ko dun sa bilihan ng mga bulaklak dito sa Brooke Memorial Cemetery.
Mukhang mahal na mahal mo iho yung dinadalhan mo diyan sa loob ah, eh halos araw araw ka nang nandyan sabi niya sakin, nginitian ko naman siya.
Siyempre naman po Ate, sobrang mahalaga siya sakin eh sagot ko tsaka ako ngumiti ng tipid sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng sementeryo pagkatapos kong bayaran itong bulaklak na binili ko.
5 months na yung nakakalipas simula nang maospital si Diem.
Nakagraduate na kaming lahat, si President yung naging Valedictorian ng batch namin at ako? Himalang pumasok ako sa top 10 ng buong batch kasama ko si Damon hyung, si Diem yung ginawa kong inspirasyon, kahit wala na siya.
Nasaktan kaming lahat nun pero nung naisip namin na magiging maayos na siya tinanggap na lang namin kahit mahirap kasi nasanay na kami na lagi namin siyang kasama, nawala na yung taong nagbibigay samin ng ngiti, dahil lang yun sa sakit niya na sumira saming lahat.
Balita ko ring may boyfriend na daw si Quinn sa Korea at isa rin yung idol from Shinee, kagrupo ni Matt, yung pinsan din ni Diem, masaya na ako para sa bestfriend ko, bumuo na rin sila ng grupo nila mabuti nga at nagdebut agad sila, Apink yung name ng group nila. Stable naman yung grupo namin ngayon mas lalo kaming minamahal nang mga fans namin and siyempre ganun din kami sa kanila.
Pagdating ko sa tombstone ni Babe, nilinis ko agad yun, tinanggal ko yung mga dahon na nalaglag sa tombstone niya at tinanggal ko yung natirang kandila kahapon, nilagay ko naman yung bago kong bili na bulaklak at nagsindi ako ng panibagong kandila, tsaka ako umupo sa tabi mismo ng tombstone niya.
Miss na miss na kita babe, namimiss na kitang yakapin, namimiss ko na kapag hinahalikan mo ko para magising lang ako pag nakakatulog ako kapag nagbobonding tayo, namimiss ko na yung pagiging makulit mo, pagiging matakaw mo, namimiss ko na yung mga panlalambing mo kapag galit ako sayo, bakit kasi ikaw pa? Ang aga mo namang nawala sakin eh, diba sabi ko sayo di ka pwedeng mawala hanggang sa pagtanda ko bakit di mo ko sinunod? Bakit ka ba niya kinuha agad sakin? Dahil ba mabait ka? Di ka namin mabait diba? Lagi ka ngang nang-aaway dati eh, kahit kay Quinn noon ayaw mo kasi pakiramdam mo di kita napapansin kapag magkasama kaming dalawa, so hindi ka mabait, tapos ang hilig mo pang takutin si Rocco hyung. Bakit ikaw pa? Andaya namn eh, sayo na nga lang ako sumasandal eh. I said habang tinitrace yung nakadikit na picture niya sa may gilid.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
RandomHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...