Someone’s POV
Atlast, nakapagtapos na rin ako. Ang saya namang magliwaliw, andito ako sa Batangas para sa regalo ni Tito Nik sakin, a vacation. Kasi daw puro pag aaral nalang daw inatupag ko. Hahaha si tito talaga sinabihan pa akong maghanap na nang lalaki.
“Haaay! Ang mga lalaki ngayon mga walang galang at pakialam” tsaka ako bumontong hininga.
“Anong wala?”
“Ay butiki!” Gulat kong sabi
“Tao ako, Hindi Butiki!” may tao palang nakaupo sa likod nang inupuan ko, akala ko ako lang mag-isa dito.
“Pilosopo!” sinungitan ko.
“Wala akong pinag aralan. Kaya di ako pilosopo.” Cool lang nitong sabi.
"Me..meme’mem.e"
“Tama na yan, Pumapangit ka lalo!”
Walang hiya, nakatingin pala siya sakin.
“Paki mo ba? At tsaka di ako pangit!” Sabi ko.
Tumayo na ako sa upuan para umalis. Gumagabi na kasi, kaya kailangan ko nang magmadali pabalik sa Hotel.
Ayan malapit na ako sa highway, ang layo na pala ng naabot ko.
“miss!, ang ganda mo naman, pwedeng pasabay?”
Ay loko to, mga lasing! Binilisan ko na lang yung pag lakad ko. May humawak sa kanang balikat ko. “ay unggoy! Ano ba bitiwan mo ko”
“wag kanang makulit, sumama ka na samin.” Sabi nung mataba, yuck! ##############. Tantiya ko mga lima sila.
“Ano ba!” tatakbo na sana ako kaso, na corner na ako. “Tulong! Tulong!”sigaw ko baka may makarinig. Malasin ka nga naman oh, Lord help me please.
“bobo ka ba miss?” lasing payat.
“Hindi! Bakit?” sigaw ko, Natatakot na ako. Somebody help me.
“wala! Gusto ko lang yung palaban!” hahalikan na niya ako.
“Opz! Opz! Opz!....... mga pre easy lang!”
Teka! Sino yun? Yes! Someone’s here for me. Thank you lord.
“Sino ka? Wag kang makialam dito!” lasing mataba.
”Hindi ako mangingi-alam."mahinahon niyang sabi. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay. "Kukunin ko lang yung kinuha niyo".
"Anong kinuha?"lasing mataba.
"Ito." Turo niya sakin habang naka hawak pa sa risk ko.
"anong ako?" protesta ko.
"Oo ikaw. Kaya takboooooooooooooooooooooo!" sigaw niya sabay hatak sakin. Ayun napatakbo ako ang di oras.
"Araaaay!!! teka lang!" natapilok ako kaya kinarga niya ako sa likod niya.
"Tabachoy! ang bigat mo"
"Hindi ako mataba, Sexy ako."
"E bat ang bigat mo?"
"kung hindi lang masakit tong paa ko baba ako. Kaya bilisan mo diyan"
"Demanding! San ba kita ihahatid?”
Buti nalang di na sila nakahabol satin kaya hindi na kami tumatakbo, I mean siya lang. Ano kayang pangalan ng mokong nato, matanong nga.
"anong pangalan mo?”
" Engot mo din no? tanong ko saan kita ihahatid?” hindi parin nag iba ang emosyon niya. Cool pa rin.
"Sa Hotel.” Sagot ko na lang. Baka magalit pa to sa akin.
"tsk"
Sinabi ko sa kanya kung saang hotel ako tumutuloy. Hinatid niya ako hanggang sa room ko.
"Salamat pala sa pagliligtas mo sa akin. Riza pala pangalan ko."
Ay! tinalikuran ako. "ui teka!"
"Naihatid na kita kaya wag ka nang makulit"
"Sungit!"
"Di ako masungit" Tsaka niya ako iniwan. Hindi ko masyado nakita ng mukha niya, lalo na’t medyo nakatakip dito ang buhok niya. Ang gwapo niyang tingnan pero hindi ko pa nga klaro ang mukha niya. “bahala na nga, susundan ko siya.”