"Diba? mahal mo pa ako?" tinanung ko ulit siya.
"Oo. per......" bago pa siya tuluyang nkapagsalita. Siniil ko na siya ng halik. Bigla niya akong tinulak. May narinig akong kalapag sa may malapit. May dumaang sasakyan na napaka bilis ang takbo. Nakita ko si Den na mukhang na shock. Tiningnan niya ako na galit na galit, ngayon ko lang siya nakitang galit kaya natatakot na akong makapagsalita.
"Bakit mo ginawa yun!? Mahal kita pero hindi na ngayon!" Sigaw niyang sabi. "Nakalimutan na kita Elaiza. Alam ko kung anong habol mo sakin." Saka siya nag labas nang papel. "Ito!" at may inabot siya sa akin. "Five million ang nakalagay diyan, siguro sapat na yan pampa-opera ni Tita Dhana at sabihin mo kay Franz, hindi ko muna kukunin ang kumpanya niya hanggang makahanap siya nang ibang trabaho." Pagkatapos niyang sabihin yun, sumakay na agad siya sa kanyang kotse.
Naiwan nalang akong nakatulala. Anong bang ginawa ko? hindi ko na alam ang gagawin ko. marami na akong kasalan. Si mama nasa ospital, si Franz naman palugi na rin ang business niya. Hindi ko man aamin sa sarili ko, alam kong ako ang dahilan nang lahat nang to. Den i'm sorry, nasilaw ako sa pera ni Franz noon. hindi ko na Mapigilan ang maiyak.
Faith's POV
Malapit na ako sa Hotel. Nandun na daw ang childhood sweetheart ko, si mama talaga di pa rin makalimutan yung nakaraan namin ni Murphy.
Nagpark ako at bumaba sa sasakyan. Nakarinig ako na parang umiiyak. Then tumingin ako sa paligid, saktong nakita ko si..
"Diba? mahal mo pa ako?" sabi nung babae.
"Oo, " at hinalikan siya nang babae. Bigla ko nalang nabitiwan ang dala-dala kong cake. Hindi ko nakayanan ang nakita ko. kaya dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinatakbo. Ang sakit, parang hindi ko na kaya.
Hindi ko namalayan umiiyak na ako. Tinawagan ko si mama. "Ma-ma,a-ang sa-aki-t! S-a ba-hay na-lang ako." at binaba ko ang phone.
Den's Pov
"Diba? mahal mo pa ako?" tanong ulit ni Elaiza sakin. Mahal ko pa ba talaga siya? pati ako naguguluhan sa sarili ko. I have a feelings in my heart that missing, I felt like this two years ago. May hinahanap ako, hindi ko alam kung ano o sino.
Hindi ko sadyang makita si Riza na nakatingin sa amin. Tiningnan ko si Elaiza, alam ko na ang sagot.
"Oo, pe..." at hinalikan agad ako ni Elaiza, pero itinulak ko agad siya at nakarinig ako nang kalampag. May biglang humarorot na sasakyan. Tinignan ko si Elaiza.
"Bakit mo ginawa yun!? Mahal kita pero hindi na ngayon!" Sigaw kong sabi. "Nakalimutan na kita Elaiza. Alam kong anong habol mo sakin." saka ako naglabas ng blank check. "Ito!" at inabot ko sa kanya. "Five million ang nakalagay diyan, siguro sapat nayan pampa-opera ni Tita Dhana at sabihin mo kay Franz, hindi ko muna kukunin ang kumpanya niya hanggang makahanap siya nang ibang trabaho." pagkasabi ko nun. pumasok agad ako sa kotse ko. May hahabulin lang ako ang aking pag-ibig. Sana mahabol ko pa siya, sinabi ko na rin kay tita na hindi na ko makakabalik at nag sorry na din ako sa kanya. Uuwi na rin daw siya kasi daw si Faith may problema.
"Riza Faith Choi! " sigaw ko sa loob ng sasakyan. "Bakit ngayon lang kita maalala.?" May childhood lover. Tinutukso pa nga ako nina daddy at ina dahil nakita nila sa CCTV camera ang pag kiss ko sa ckeek ni Faith.
Dumiretso agad ako sa bahay ni tita Faye alam kong umuwi na rin si Riza doon. Naabutan kung kakarating lang din ni Riza. Umiiyak ba siya? bumaba agad ako.
Bakit naman siya umiiyak?.
"Riza!" sigaw ko kaya napansin niyang nasa likod lang niya ako.
"Anong ginagawa mo dito? Sindikato ka! Umuwi kana baka ipapulis kita." sabi niya. Kita ko parin ang pag iyak niya. Gusto kong siyang yakapin pero may pumipigil sa akin.
"Anong sindikato?" tanong ko sa kanya. Ako na nga tong namatayan ako pa ang sindikato.
"Kaya hindi mo sinabi sakin ang tunay mong pangalan kasi pinaghahanap ka.!"Sigaw ulit ni Riza.
Andito kami sa garden nila, malapit sa may pool. "Hindi ako sindikato." Sabi ko.
Nakita ko naman siyang humahagulhol, kaya nilapitan ko siya. "Wag kang lumapit!" sigaw niya kaya napahinto ako.
"Bakit ka ba umiiyak.?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw kasi eh. Sinaktan mo ako!" sigaw ulit niya. Anong klaseng babae to, may built-in megaphone siguro to.
"Anong ako? anon bang kasalan ko! kanina mo pa ko pinagbibitangan ah!" Sinigawan ko din siya, Akala niya siya lang may built-in megaphone.
Naging mahinahon siya bago nagsalita pero umiiyak parin. "Oo, bakit nga ba ikaw ang pinagbibintangan ko? eh ako naman tong may kasalan." huminto muna siya at tiningnan ako. " Kasalanan bang mahalin ka?." at tumakbo siya pero...
boooogsssh! ssahshssshheees shhhShhSs
Riza's POV
"Kasalanan bang mahalin ka?" at tumakbo na ako, kaso.....
boooogsssh! ssahshssshheees shhhShhSs
(Anong nangyari? Basaahin angsusunod parte nang storyang ito.)