Riza's POV
"Kasalanan bang mahalin ka?" at tumakbo na ako, kaso.....
boooogsssh! ssahshssshheees shhhShhSs
Nahulog ako sa pool! Epic fail! ahahhahaha Nakakahiya! Nakakahiya! sa harap pa talaga ni Den, juskooo!. Gusto ko nang malunod ngayun.
Splaaaaaaaaassssssh! "Riza! ok ka lang?" Tumalon na rin si Den.
"ha! ha!hahhaa! Ano kaba? ok lang ako!" haha nakakahiya talaga. Hindi ako makatingin sa kanya nahihiya ko sobra, as in S-O-B-R-A! Akalain mo yun, ikaw na nga tong may ari nga bahay ay este si mama hindi mo alam kung saan ang daan.
Parang lumulutang ako ah, hindi naman ako marunong lumangoy. "Ang lamig ng tubig, bakit ka namumula.?"
Tiningnan ko siya. "Anung pula? bitiwan mo ako! sindikato!"
"eh paano ako bibitaw, eh nakayakap ka sakin." Nakayap? tiningnan ko ang mga kamay ko. Ay! ano ka ba Riza, palagi ka nalang epic fail. Bibitiw na ako "Kung iniisip mong bibitaw, wag mong gagawin baka malunod ka." ay manghuhula ba to?.
"I-ahon mo na ako!" na tataranta kong sabi.
" Eh kung ayaw ko?"
"Ano ba?" pinikot ko siya sa tenga.
"Araaayy!" nabitiwan ko siya kaya, medyo nalunod ako.
"Den!" agad din niya akong hinawakan at inilapit sa katawan niya.
"Pangalawa mo na akong piningot ha, alam mo ba yun?" Pangalawa?
"lokohin mo lelang mo!"
Pagkatapos nun, wala nang nagsasalita samin. Lumulutang lang kami sa pool. Yung kamay ko nasa balikat lang niya at ang kamay niya naka yakap sakin. Ewan ko ba parang kinikilig ako, kasi naman nakatitig lang siya sakin. Ang ganda ng mga mata niya, at ang matangos niyang ilong ang gwapo niya. Ang labi niya, sarap kagatin. Uy Riza ano kaba? manyakis mo! Hindi ako manyakis.
"Riza?"
"ahhhm?" tiningnan ko rin siya sa mata pero hindi ko kaya, kaya sa garden nalang ako tumingin.
"Mahal mo ba ako?"
"huh? aaah eeeh ewan? hindi?" ano kaba Riza umamin ka nga.
"eh bakit ka umiyak nung hinalikan ako ni Elaiza sa parking lot?" hala! nakita noya pala ako. tsaka Elaiza pal pangalan nung girl.
"Napuwing lang ako" pag dedeny ko.
"hanggang dito? napuwing ka pa rin?" takang tanong ni Den.
"Oo na! mahal kita” Sinabi ko na rin. Ako kasi yung tao na hindi talaga mapipigilan ang bibig kung may nais na sabihin. “Binalikan kita sa bahay mo sa batangas nang ilang ulit, pero wala ka na. Nagbabasakali ako palagi baka Makita kita sa daan, sa mall pero dalawang taon na lang hindi pa rin kita Makita. Alam mo bang attracted na ako sayo nung iniligtas mo ako sa kapahamakan. Kaya kita sinundan sa bahay. Nagsisisi nga kung bakit ako umalis agad." naiiyak na ako. Kasi naman kahit nasabi ko na sa kanya ang totoo kaso may mahal na siyang iba. "Sabi naman ni mama. Magkikita pa rin daw tayo pagdating ng panahon." "Pero, paano kung sa pagkikita na natin ulit, may mahal ka na pala." hindi ko na mapigilan ang maiyak. Nakatitig lang siya sa akin all the time. Ang lamig na nang pakiramdam ko.
Naramdaman na siguro niya na nilalamig na ako kaya umahon na kami sa pool. Kaya pumasok na ako sa bahay at iniwan si Den sa labas. Ang bigat talaga nang pakiramdam ko. Paano mo maangkin ang bagay na may nakaangkin nang iba? hindi naman ako mang-aagaw para agawin ang bagay na hindi naman para sa akin.
Pagkatapos kong maligo at mag bihis tiningnan ko si Den mula sa terrace nang kwarto ko. Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya kung saan ko siya iniwan kanina.
Binalikan ko siya sa pool dala ang towel."Pumasok ka, may damit doon suotin mo para hindi ka lamigin." Pumasok kami sa bahay.
Pagdating sa sala bigla niya akong hinawakan sa kamay at niyakap nang mahigpit. Kumalas ako kahit gusto ko pa siyang kayakap. Pero nakahawak parin siya sa mga kamay ko, tiningnan lang niya yun. "Riza si Elaiza kasi....."
"Tama na Den."binitiwan ko ang mga kamay niya at aakyat na sana nang bigla niya akong niyakap mula sa likod ko.
"Makinig ka muna sa akin." tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko.
"May kwarto sa kaliwa mo. May damit dun." At umakyat na ako.
Hindi pa ako tuluyang nakaakyat..
"RIZA FAITH CHOI, MAKINIG KA NGA MUNA SA AKIN! Ano ba?"