Nate's Point of View
"Hails, tingnan mo 'to. Dapat bang isama pa natin 'to sa yearbook? O i-delete ko na lang?"
Kinuha niya sa akin ang camera ko at tiningnan 'yun.
"Ano bang dapat kong tingnan sa litrato na 'to? 'Yung mga member ng Populars na masayang nagkakainan kasi alam nilang kinukuhanan sila ng litrato o si Tamara na nasa gilid nila at kumakain ng sandwich?"
Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko inagaw ang camera. Kung anu-ano sinasabi nitong si Hails.
"Paano mo nalaman na alam ng Populars na kinukuhanan sila ng litrato? Candid kaya 'yan."
"Populars ang pinag-uusapan natin dito, Nate. Nararamdaman nila kahit sampung classroom man ang pagitan kapag may nakatapat na camera sa kanila."
"Except for Pipes."
"Hindi naman na siya member ng Populars. Matagal na. Isa pa, bakit hindi mo pinapansin 'yung isa ko pang tanong? 'Yung kumakain ng sandwich."
Lakas mang-asar nito. Kapag ito inasar ko paniguradong mabwibwisit 'to.
"May naexpel daw kahapon. Narinig ko lang na pinag-uusapan ng ibang member ng Populars." Narinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan namin sa yearbook committee.
"Sino raw?" tanong naman ng isa.
Dahil for school purpose naman 'tong ginagawa namin, pinayagan kaming mga committee na mag-usap-usap pero kapag nasa loob lang ng office. Sa labas, galit galit na ulit kami.
"Si Hunter daw. Hunter Guevarra."
Nabitawan ni Hails 'yung hawak niyang papel nang marinig na naexpel na si Hunter. Buti na lang pala nakuha ko sa kaniya agad kanina ang camera ko. Kung sakaling hindi, baka itong camera ko ang nabitawan niya.
Teka nga... hindi naman 'yung camera ko ang pinag-uusapan dito. Si Hunter. Paanong nangyari 'yun?
Kahit naman inis ako sa kaniya, hindi ko naman gustong paalisin siya sa school. Nagpapakahirap ang tao sa pagtratrabaho at kahit mahirap pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtratrabaho tapos i-eexpel lang siya? Unfair lang.
Tuluyan na talagang nabaliw ang ibang school personnel ng Kingdom High. Maliban siyempre sa kamag-anak ko. Wala naman kaming lahi ng pagiging baliw.
Kinalabit ko 'yung chismosang babae at nagtanong, "Bakit raw siya napatawan ng expulsion?"
"Nahuli raw na nakikipagbugbugan sa likod ng school. Sabi ng iba badtrip daw kasi si Hunter kaya naghanap ng paglalabasan ng galit. Sabi naman ng iba nauna raw 'yung kabilang party. Pero alam mo kung ano ang nakakagulat, inako ni Hunter lahat ng parusa. Hindi niya nilaglag ang mga nakabugbugan niya. Akalain mong gagawin ni Hunter 'yun. Biruin mo... may puso pala siya kahit papaano."
Napakachismosa ng babaeng 'to. Kung anu-ano na sinabi. Nanghusga pa. Mabait naman si Hunter. Paasa lang.
Humarap ulit ako kay Hails na nakikinig din sa usapan ng iba, "Hails, huwag mo muna babanggitin kahit kanino 'to, ha? Sa atin atin lang muna. Kakausapin ko muna si Hunter."
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)