Chapter 29

125 8 0
                                    

Annabelle's POV

Kring... kring... kring.... naalimpungatan ako sa pagtulog nang maramdaman ko ang pag-vibrate at pagtunog ng cellphone ko. Hinanap ko ang aking cellphone sa aking kama habang nakapikit pa rin. Inaantok pa ako huhuhu.... sino ba kasi yang tumatawag na yan? Nang tumigil ito sa pagtunog ay tumigil na rin ako sa paghahanap at nagtakip ng unan sa mukha. Kring... kring... kring.... Maya maya pay tumunog ito ulit kaya naman wala na akong nagawa kung hindi imulat ang mga mata ko at hanapin ang kanina pa nagwawalang telepono.

Umupo muna ako bago ko sinagot ang tawag. Inislide ko ito para masagot habang nagkukusot kusot ng mga mata.

Hmm? Sabi ko ng medyo garalgal pa ang boses dahil kagigising o sabihin na nating nagising. Nang hindi pa rin sumasagot ang nasa kabilang linya ay nagsalita ako ulit.

Hello? Sino to? Pinaglololoko ata ako neto eh! hindi man lang sumasagot. Tinignan ko ang caller ID at nakitang pangalan ni Jhinalyn ang nakasulat doon.

Hello Jhinalyn? Pwede bang bukas mo na lang ako kwentuhan kung ano man yung nararamdaman mo ngayon? Bukas mo na lang ikuwento yang kakiligan mo dahil inaantok pa ako. Maawa ka naman sa akin. Umaga, tanghali at gabi-gabi ka na lang tumatawag para lang ikuwento na kinikilig ka. Kung alam ko lang na magiging ganyan ang reaksyon mo ay di sana hindi ko na lang tinulungan yang si En-jhay. Naku naman! Patulugin mo rin naman ako. My ears need a break! My eyes need to sleep and my body needs energy! Tuloy tuloy kong sabi. Hindi ko na hinayaan pang makapagsalita siya at binabaan ko na siya ng telepono.

Nahiga ulit ako pumikit para makatulog ulit. Nang ilang sandali pa ay tumunog na naman ang cellphone ko. Grrrr.... Jhinalyn, hindi mo ba talaga ako tatantanan?

Kinuha ko ulit ang phone ko at walang pasabing sinigawan siya.

Hello? Ano ba naman Jhinalyn, patulugin mo naman ako kahit saglit lang. Maawa ka naman sa akin. Ano ba kasi yon ha? Nakakainis ka na ha! Medyo inis kong sabi.

Uhmm. Hi? Dinig kong sabi ng isang lalake sa kabilang linya. Tinignan ko ang caller ID at pangalan naman ni Jhinalyn ang nakalagay. At sino naman to? Hindi naman pwedeng si En-jhay dahil kilalang-kilala ko na ang boses nun kahit na nagpapalit pa siya ng boses minsan. Hindi rin naman niya ito kapatid dahil wala naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya. Kung ganoon, sino tong tumatawag sa akin ngayon?

Hello? Sino ka ha? Bakit nasa iyo ang cellphone ng bestfriend ko? Nasaan si Jhinalyn? Nasaan ang kaibigan ko? Nasaan siya? Sabihin mo! Anong ginawa mo sa kanya? hinold-up, kinidnap mo ba siya? Wag na wag mo lang sasaktan yang babaeng abnormal nayan kung hindi malilintikan ka sa akin!! Magsalita ka!!! Anong ginawa mo sa kanya??!!!! Tandaan mo eto, kapag nakita kita kung sino ka mang lalake ka, sinasabi ko sayo, magtago ka na sa palda ng nanay mo! magsalita ka! Saan mo siya dinala?!!!!! Dere-deretso kong pag-aakusa. Totoo pala yung sinasabi nila na biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising. Hindi ko alam kung bakit hina-high blood ako. Ni ang kapal lang ng mukha ko na pagbintangan tong kausap ko. Saan ko ba kasi napulot yung mga pinagsasasabi ko kanina? Sa pagkakaalam

Ahahahahahahahhahahahahahahahhahahahahahahaha....... si Christian 'to. Pagpapakilala niya. Huh? Sinong Christian?

Sorry Mister, pero wala akong kakilala na Christian ang pangalan. Kaya kung pwede ba wag kang FC! Biglang natahimik sa kabilang linya na kahit ang mga naririnig ko kanina na medyo maingay ay natahimik. Awtomatikong nanlaki ang mata ko ng maalala kung sino ang kausap ko. Shit! Shit! Shit!

Ahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha............. joke! Ang galing kong umarte noh? Ahahahahaha...... bigla kong bawi sa sinabi ko kanina. Lintek! Si Christian! Si Christian! Si Christian!!!!!

So this is how it feel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon