My Idol Lover [ONE-SHOT]

663 24 26
                                    

ONE-SHOT

"Uy Bree bakit ang tagal mo?" bungad sa akin ni Shai pagkadating na pagkadating ko sa meeting place namin sa mall. Si Shai ang bestfriend ko.

"Sorry naman. Bawal na ngayon magbihis at maligo?" ako

"Ehh. Tara na nga." at naglakad lakad na kami sa loob ng mall.

Ako nga pala si Aubrey Araneta. Bree ang tawag nila sa akin. 16 years old na ako at 4th year high school na.

"Shai, ano yung nagkukumpulan duon?" tanong ko. May nagtitilian at nagsisigawan kasi duon eh.

"Huh?! Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin sayo." sabi ni Shai sa akin.

"Bakit, ano ba yun?" tanong ko. nacucurious ako, nakakamatay pa rin naman ang curiousity.

"Nandito ang sikat na KPOP boy band group." sabi ni Shai.

Kpop boy band group? Anong group kayo yun? Sa 'di malamang dahilan ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Anong pangalan ng grupo?" -ako.

"EXO."-Shai. 

EXO?!

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" sabi ko sa kanya.

"Ehh...Alam ko kasing magiging ganyan ka."

"Sorry naman."

"Oh, ano tutunganga ka lang ba jan?" sabi ni Shai.

"Eeeh? Tara na nga... baka kung ano pa ang mangyari.." sabi ko.May naalala kasi ako eh. Kasi kahit ganun ko ka fav ang kpop. May memories pa rin ako na naiisip.

*FLASHBACK*

"Bree~ dali laro tayo duon oh!" sabi sa akin ni Bacon (Baekhyun)

"Sige sige tara! Isama rin natin si Shai." sabi ko.

Siya si Baekhyun, pero tawag ko sa kanya ay Bacon. Korean siya pero dito lumaki sa Pilipinas. 6 years old pa ang kami, siya ang bestfriend ko, pati rin si Shai. Pero sobrang close ko si Bacon. 

Ang alam ko lang ay siya ang first love ko. Oo na, ang bata bata ko pa kumakarengkeng na.

"Bree tara na sa park." sabi ni Shai.

"Tara." at duon kami palaging tumatambay.

"Bree, gusto mo ng ice cream?" tanong sa akin ni Bacon.

My Idol LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon