Babae? Sensitive yang mga yan. Yung tipong, hindi ka lang magtext ng ilang oras magagalit na, yung tipong Late Reply ka lang, magtatampo na.
Nakakairita diba? Wag kang mag-alala, malay mo balang araw, hindi na siya magagalit o magtatampo, yung tipong kahet hndi ka na magtext ng buong linggo, o buong taon, wala ka ng maririnig galing sakanya.
^Ano ba naman kasi yung maglaan ng kahet isang minuto para matext siya di'ba?
Madadaldal din yang mga yan, yung tipong pag kasama mo siya, hindi siya matapos kakadada, yung tipong magkasama na kayo buong araw, hindi pa din siya nauubusan ng kwento pag kausap mo siya sa telepono tuwing gabi. Kahit paulit ulit na, sige pa din! Nakakabobo diba? Hayaan mo, darating din siguro yung oras na, wala ka ng maririnig ni ho o ha na galing sakanya.
^Gusto lang naman niya, na kwentuhan mo din siya, kase gusto niyang marinig yung boses mo na kahet paulit ulit niyang naririnig ay di siya magsasawang pakinggan...
Ang mga babae, magulo kausap yang mga yan. Yung tipong tatanungin mo siya kung may problema ba, ang isasagot niya ay "Wala" pero, halata namang may problema.
Yung tipong tatanungin mo siya ng "Ayos ka lang?" sasagot naman siya ng "Oo naman! Ayos lang ako noh!" with matching ngiti o tawa pa, pero halata naman sa mga mata niya na kagagaling lang niya sa pag iyak. Nakakaasiwa diba?
Hayaan mo, darating din siguro yung araw na, magiging pusong bato na lang siya. Yung tipong di na alam magpeke ng tawa at ngiti, yung tipong hindi na alam kung pano umiyak.
^Ano ba naman kase yung yakapin mo siya at bulungan ng "Sorry na, bati na tayo. Ayokong nakikitang malungkot ang prinsesa ko."
OA din sila magreact minsan, yung tipong nilagnat ka lang panay "Kumain ka na ba?" "Uminom ka na ng gamot mo?" "Baka naman napagod ka ng sobra?" "O baka naman pinawisan yang likod mo?" "Magdala ka kase ng towel!" na ang maririnig mo galing sakanila. Nakakarindi diba? Wag kang magalala, darating din siguro yung araw na "Get well" na lang ang maririnig mong sasabihin nila, kapag nagkasakit ka.
^Ano ba naman kasi yung sagutin lahat ng tanong niya pagkatapos sabihin mo na "Ano Babe? Tapos ka na ba magpanic? Halika nga dito, Ayos lang naman ako e. Lagnat lang to. Tyaka, nandito ka na oh. Malamang sa malamang gagaling na dn ako."
Mapantasya din ang mga babae, Yung tipong naghahanap ng sariling "Prince Charming" yung tipong, gusto nila may isang lalaking magpapatunay sakanila ng "And they live happily ever after" Yung kesyo mala "Cinderella" na susuotan siya ng sapatos. Yung tipong mala "Sleeping Beauty" na hahalikan siya.
Nakakabading ba? Hayaan mo na, darating din siguro yung araw na, ibabaon niya sa isip niya na "Happy ever after don't exist" Yung tipong hanggang libro nalang talaga si "Prince Charming"
^Ano ba naman kase yung alagaan at protektahan mo siya gaya ng ginagawa ng isang prinsipe diba?
Hindi naman demanding ang mga babae eh, simple lang naman ang gusto nila. Ang maalagaan, maprotektahan, at ang maramdaman na mahal mo talaga siya.
Baduy mang sabibihin, pero yun ang totoo.
Prinsesa naman talaga ang mga babae eh, Pano? Tulad ng isang tunay na Prinsesa, Ginagalang at Nirerespeto din sila, Hindi binabastos. Inaalagaan at Iniingatan hindi Pinapabayaan, at higit sa lahat, Minamahal, hindi sinasaktan.
Lahat ng babae ay "Prinsesa" na may sariling "Prinsipe" at may kanya kanyang "Happy Ending."
BINABASA MO ANG
Ang mga babae....
PoetryHINDI PO ITO STORY! :) Facts about girls lang po to. Wala pong Copy paste na naganap dito! XD Nasulat ko po to, dahil hindi ako makatulog. :D Yun lang po! :D Sana makarelate kayo! ;))