Kababalaghan (Poem)

617 4 2
                                    


Ang mundo ay napupuno ng iba't-ibang kababalaghan
Ngunit sino nga ba ang dapat katakutan
Ang mga bangkay na naaagnas na?
O ang mga taong nabubuhay pa?

Takot tayong lahat sa multo
Ngunit hindi natin kilala ang iba nating kapwa tao
Na handang pumatay at manloko
Makuha lamang ang gusto

Takot tayong lahat sa dugo
Ngunit laging hawak ang baril at kutsilyo
Kaya ka bang saktan ng multo?
Kamusta naman ang kapwa mo

Kapre, tiyanak at pugot ulo
Ilan lamang iyan sa pwedeng katakutan mo
Bakit kaya kay ganda ng bilog na buwan na sa gabi ay sumisinag?
Iyan lamang ang hindi ko maipaliwanag

Hindi ka pa ba nagtataka?
Bakit sa tao ako ay may halong kaba
Hindi kaya... isa ako sa kanila?
Ang mga patay at duguang nakikita mo... ako ay kabilang pala

---
Happy Halloween! Creepy! Natakot ako sa sarili ko hahahaha

Ang mga tulang gawa ko ay binubuo ko lamang sa loob ng 15-30 minutes, kaya di ko sure kung tama pa ba ang ginagawa ko lol. Wag maging plagiarist please :)

Hi kay BrixyShads kung binabasa mo man to... salamat sa lahat! (May time na naluha talaga ako dahil comment at message mo) Natutuwa kasi talaga ako sa mga simpleng bagay na sinasabi mo sa mga tula ko :) God bless!

Kababalaghan (Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon