PS (One Shot)

5.6K 186 42
                                    

‘Yung moment na sobrang pagod ka dala ng enrollment then all of a sudden pag-uwi mo ng bahay ay biglang nag-text si... crush.

From: Kirc

Ano na, Jes?

Biglang nawala ang pagod ko. Ang saya lang.

“Hoy, Panget!”

"Ay, siomai!"

Natigil saglit ang masidhing kilig na nararamdaman ko. Nakakabanas rin talaga ang kapatid ko kahit kelan. Ang hilig umepal. At kung makatawag na pangit aba’y akala mo naman kay gwapo niya. Mukha raw akong aso? Eh siya mukhang unggoy!  At least ang aso… kyot! 'Di ba?

“Mukha kang timang!”

Pisti talaga! Ang pasalubong ko sa kanya marami-rami pa pero ang pasensya ko konting-konti na lang! Binatukan ko nga.

“Araaay! Ate naman. Biro lang. ‘Asan pasalubong ko?”

“’Ayun, ipinalapa ko sa aso sa may kanto. Puntahan mo baka naawa sa’yo,” naiiritang sabi ko sa kanya at dali-daling naglakad na papuntang kwarto. Mamaya ko na lang ibibigay sa kanya kapag humupa na ang inis ko or shall I say...kilig?

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at iniangat ang pagkakahawak sa phone ko. Binasa ko ulit ang message ni Kirc. Hindi ko mapigilang ngumiti. Buti na lang may load ako. I hit the reply button.

To: Kirc

Hey, Kirc! Hellooo...

Buong akala ko kinalimutan na ‘ko ng talentadong gwapo na ‘to. Ano kayang natira neto at bigla na lang akong naisipan i-text. Take note, PM pa! Madalas kasi GM lang. Nakapagtataka. Matagal-tagal na rin kasing hindi kami nagpapalitan ng mensahe. At huli ko siyang nakita 2 weeks ago sa debut party ng isa naming classmate noong high school. Akala ko nun wala na, wala na akong nararamdaman para sa kanya pero ba’t ganun? Nung nakita ko uli siya bumalik lahat. Pakiramdam ko hindi lang paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya. Is it what they called...

♪And the conversation was right

Underneath the shade of moonlight

You were standing there with sun-touched hair

And a dress the color white

Nag-reply siya. Hindi ko napigilan at nagpagulong-gulong ako sa kama.

From: Kirc

Kumain ka na? ‘Asan ka?

Maloloka na ‘ata ako. Pakiusap, Kirc, ipaliwanag mo sa'kin kung ba't biglang ganyan ka. Nakainom ka ba? O sadyang 'assuming' lang ako at binibigyan ko ng malisya ang inaasta mo? Pero ano pa man ay aaminin ko na masaya ako.

From: Kirc

Hindi pa e. Ikaw ba? ‘Eto sa bahay kararating lang.

Buti na lang hindi ko kailangan magsinungaling.

From: Kirc

Hindi pa din. Ha-ha! Pahinga ka na. Bigay mo nga sa’kin no. ni Ms. Yen.

‘Yung moment na ang saya-saya mo na at halos ayaw mo nang matapos ang mga maliligayang sandaling tinatamasa mo ang kaso wala eh, may mga panandalian lang talaga.

Sino nga ba naman ako para mag-'assume'. Ang boplaks ko talaga. Hanggang pangarap ko na nga lang siguro siya. Naaalala ko noong high school; kung paano sumasakit ang mata at puso ko sa tuwing nakikita ko siyang kasama ng mahal niya. Kung paano siya ngumiti sa mga pagkakataong ‘yun, ramdam na ramdam ko ang saya niya. At ramdam na ramdam ko rin ang sakit para sa’kin. Para akong pamintang paulit-ulit na dinudurog. I feel like I’m torn into pieces. Argh! Ang drama ko.

PS (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon