Hoy! JS Prom. //ONESHOT

3.2K 94 65
                                    

 Hoy! JS Prom. // ONE SHOT.

Written by: Haponessa

© Copyrighted. June 2013. Plagiarism is a crime.

**

Hoy! JS Prom,

Nakailang sulat naba ako sayo? Naka-ilang bote narin ba ang napapaanod ko sa dagat? Sa natatandaan ko, simula first year ako, Sinusulatan na kita hanggang ngayong fourth year ako. Linggo linggo. Nakakaasar lang na sa halos apat na taong pamamanata kong ito, wala man lang nagsayaw sa akin nung nakaraang Prom, nung third year ako. Ang sakit sakit, Yung feeling na lahat na ng mga kaibigan mo sa table niyo ay nagsisitayuan at sinasabihan ng, "Uy. Sayaw tayo." Ang sakit isipin na wala man lang nag-alok sa akin kahit isang beses, Wala man lang kaklaseng naawa para alukin ako sumayaw, Wala man lang...

Minsan napapa-isip nalang ako, "Ganun ba talaga ako kapanget?" Hindi mo na nga napagbigyan yung hiling ko na kahit sana isa lang nung third year ako ay may mag-sayaw sa akin, kaso wala. Sana naman bukas meron na. Hoy Ikaw JS! Tandaan mo, Bukas na ng gabi ang prom namin, Sana naman pagbigyan mo. Ang sakit kasi sa pakiramdam, parang walang nakaka-appreciate ng pag-iinarte ko.

**

Pina-ikot ikot ko yung papel, para magkasya sa bote ng paglalagyan ko. 1500? 2500? Ilang beses ko na nga bang ginawa ito? Ang pagsusulat sa kapirasong papel, ilalagay sa bote saka ipapa-anod sa tubig. Ewan ko kung ilan? Sa halos Apat na taon kong ginawa, wala namang nangyari. Wala ring nagsayaw sa akin. Bakit ganun? Nung una parang, "Meron pang next year, Di ko lang talaga siguro araw 'to." Yan ang palaging sinasabi ko sa sarili ko, pero sa tuwing naalala ko ang mga pangyayari. Yung mga kabatch kong nakangiti, mga kaklase kong nagtatawanan, Yung mga kaibigan kong nagsisitayuan na, mga magsyota na nagsasayawan sa stage noong prom.. Hanggang sa, Ako nalang ang natira. Mag-isa.

Tumayo ako saka nagpagpag ng mga buhangin na dumikit sa damit ko. Saka ipinaanod sa agos ng tubig ang bote. Ewan ko ba kung san ko nakuha itong panata na ito? Yes, Panata. Four years na kasing ginagawa. Wondering where am I? Sa tabing dagat. Ewan? Naging tambayan ko narin. Malapit lang naman ang bahay namin sa dagat e. Libre tanaw ng sunset mag-isa.

** Kinabukasan.

Ngayon ay.. Fourth Year na ako. Papalapit ng papalapit, Pasakit ng pasakit. Papalapit ng papalapit ang buwan Pebrero, Pasakit naman ng pasakit ang nararamdaman ko. Sa takot na baka maiwan na naman akong nag-iisa at walang kasama. Naka-upo sa isang tabi, habang may nakasaksak na headphones sa magkabilang taenga, kunyareng walang paki-alam, pero deep inside nasasaktan na. Hay. Hindi nalang sana ako umattend ng prom last year, kung alam ko lang.

Naalala ko na nanaman ng mga oras na iyon, nung Men's Choice na.Lumakad kasi siya papalapit sa table namin. Nagtagpo ang mga mata namin pero umiwas siya ng tingin. Patuloy parin siya sa paglalakad, sa direksyon ko parin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, Parang.. Napakasaya kasi isasayaw niya ako. Nasa tapat na siya ng table namin, halos lahat ng katabi ko nakangiti maliban sa akin. Nakakahiya kasi kaya yumuko nalang ako. Hindi mo rin maitatanggi kung bakit nakangiti ang mga katabi ko, bukod kasi sa gwapo, matangkad, Atleta, Gitarista, Matalino at SK chairman pa, Kung tutuosin halos perfect boyfriend na, kaya lang tahimik at walang nilalapitang iba kaya nakakapagtaka. Muli, nagtama ang mga mata namin. Isasayaw niya ba ako? Ang saya saya kung ganun, lumapit pa siya ng husto sa tapat namin. Halos kaharap ko na, Nakatingin parin ako, nakatingin rin siya sa akin. Blanko at Walang emosyon. Umiwas ako ng tingin, hindi ko na kasi kaya. Hindi ko na kaya sa kilig. Nagsalita siya na labis na ikinagulat ko.

"Can we dance?" Salita niya. Rinig na rinig ko. Klarong klaro. Nakayuko parin ako, Pero sa puntong iyon, napanganga ako... Oo, sa gulat. Kilig. Pinaghalong emosyon. Tumingala ako para magsalita.

Hoy! JS Prom. //ONESHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon