Hinala

10.3K 195 7
                                    

Celine's POV

I have a boyfriend named Liam, we've been together for almost 7 years now. First year college nung maging kame, Business Administration and kinukuha ko samantalang sya ay Engineering. Si Liam ang first boyfriend ko samantalang si Liam ay nakailang girlfriends na, na ayaw nya pa rin sabihin sa akin kung ilan ba talaga basta ako lang daw ang sineryoso nya at ang iba ay hindi or "fling" lang. Liam's my first in everything and I wanted him to be my last. Nung una sabi ko sa sarili ko I want to be a virgin bride, I want to give myself to my husband only, pero siguro nga pag nagmahal ka hindi maiiwasan na mabago ang mga gusto mo sa buhay, I gave myself to Liam, and it is something that we wanted both, he didn't force me, he even asked me couple of times if I'm sure, and I said yes. Why? Because I'm already seeing myself being his wife, building a family with him and he is the only man that I want to be with for the rest of my life.... Pero bakit ganun parang bigla na lang may nagbago sa kanya, bigla na lang nawalan sya ng oras sa akin, sabi nya busy lang sya at babawi sya pagnakaluwag sa oras. Pagmagkasama naman kame laging hawak ang phone at maya maya may ka-text, pag tinanong ko naman sasabihin about work lang o kaya ka-tropa nya, he's slowly changing, I feel like we're slowly drifting apart. I even saw him once with a girl in a restaurant and it hurts me more that he didn't even bother to tell me that he's meeting a girl. Mahal nya pa kaya ako? Nagsawa na ba sya sa akin? Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko, hindi ko kayang iwan nya ako, paano ko nalang sasabihin sa kanya.....

"Mahal, hindi mo ginagalaw yang pagkain mo." Pansin sa akin ni Liam. Andito kame sa condo ko at nagdi-dinner. Nagluto sya ng paborito naming na sinigang na baboy.

"Wala akong gana e" sagot ko at tininingnan sya, hawak na naman nya ang phone nya.

"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Paborito natin itong niluto ko." Concern na sabi ni Liam.

"Ok lang ako, wala naman akong sakit. Sino yang katext mo? Lagi mo nalang hawak yang phone mo." Sabi ni Celine na may halong tampo.

"Sorry na mahal, may mahalaga kasi kameng project ngayon sa office, kailangan kasi kameng tutok dun. Ano bang gusto mong kainin?" sabay gagap ng kamay ng dalaga sa mesa.

"Hawaiian pizza ang gusto ko, mahal."

"Pizza ulit? Kakakain lang natin ng pizza kahapon ah, hindi pwedeng laging ganun Celine." Seryosong sabi ni Liam sa kasintahan.

"Pero gusto ko ng pizza." Saka nag-pout at binaw ang kamay nya sa binata.

"Okay sige, mag-oorder ako ng pizza, pero konti lang ang kakainin mo ah, kakain ka pa rin ng kanin." At tumayo na ang binata para tumawag at mag-order. Sumaya naman bigla si Celine dahil dito. Ng dumating ang pizza ay wala ng nagawa si Liam ng iyong lang ang kainin ni Celine sa hapunan kaya hindi nalang nya ito pinilit na kumain ng kanin kesa magaway pa sila.

***

Pagkatapos nun ay isang linggo silang hindi nagkita ni Liam dahil busy daw ito sa trabaho at babawi nalang daw ulit sya sa dalaga pero laking gulat ni Celine ng makita na naman nya si Liam na kasama yung babae sa parehas na restaurant sa isang mall. Sobrang inis nya pero di nya kayang sugurin ang mga ito kahit galit na sya nung tawagan naman nya ang binata ay sinabing nasa trabaho ito, nagsisinungaling ang kasintahan nya sa kanya at hindi nya matanggap iyon. Umuwi sya sa condo nya at tinext ang kasintahan na may mahalaga silang paguusapan kaya kailangan syang puntahan nito. Nagtext naman ang binata na after work na ito pupunta.

Kinagabihan ay pumunta nga si Liam sa condo ni Celine at sinalubong nya ito ng sampal.

"Walanghiya! I hate you! I hate you! I hate you! Sinungaling ka!" pinaghahampas nya at sinuntok suntok sa dibdib ang binata, hindi naman lumalaban si Liam kahit gulat sya sa sinasabi ng kasintahan.

Hinala (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon