Episode 2 (chapter 2)

27 0 0
                                    

October 28

Nakita ko yung babaeng nasa panaginip ko KANINA sa school.

-Rae

Naisip kong isulat sa journal ko kung anong nangyari kanina. Hindi naman talaga ako nagsusulat sa journal ko at hindi ko hilig ang pagsusulat. Pero simula nung magpapaulit ang panaginip ko tungkol dun sa babae at nahalungkat ko tong lumang notebook ko sa likod ng aparador, naisip kong isulat ang pangyayari tungkol dun. Binuklat ko ung journal simula sa unang pahina nito. Nabasa ko yung pangalan ko sa unang pahina na may magandang lettering. Sulat to ng kaibigan ko nung highschool. Pinasulatan ko sa kanya dahil pangit ang handwriting ko. Nabasa ko ang pangalan ng crush ko dati na nakapaloob pa sa heart. Tapos meron ding "iloveyou" sa gilid.

May 23, 3 years ago. yan ang unang araw na nagsulat ako sa journal na to. Sinabi ko yung date namin ng crush ko.

Binuklat ko hanggang sa huling pahina kung saan may boarder na nakatuping papel na humahati sa kasunod nitong pahina.

Bakit nga ba ako tumigil magsulat?

Binasa ko ung nangyari sa araw na un.

May 23.

Nakita ko kanina si papa nakahiga sa damuhan sa gilid ng basketball court. Dumating ang ambulansya at may lumapit na medic para tingnan ang kalagayan niya. Maraming tao sa paligid, ung iba kilala ni papa, ung iba nakikiusyoso lang. Nandun ako. Nakatingin lang habang naglalagay ng oxygen ang medic sa kanya. Maya maya, sumenyas ang medic na dalhin na daw siya sa ospital. Madali namang kumuha ng stretcher ang kasama niya at isinakay doon si papa. Maraming tumulong na magbuhat sa kanya papasok ng sasakyan. Ung iba mga kaibigan pa niya. Pero ang masaklap dun. Hindi nila nakilala sa papa. Ang alam nila ibang tao ang binubuhat nila.

At ang mas masaklap, hindi ko rin siya nakilala. Hinyaan kong umalis ung ambulansya na parang wala sakin. Naawa ako dun sa pasyente. Pero mas naawa ako sa sarili ko nung makita ko siya sa morgue.

- Rae

Tumigil na ako magsulat sa journal pagkatapos ng araw, na yun, dahil alam kong hindi na maganda ang maisusulat ko. Sunod sunod na problema hinarap namin pagkatapos mawala ni papa. Kaya kinalimutan ko na ang journal na to at ibinaon sa likod ng aparador ko.

Binuklat ko ang kasunod na pahina ng boarder. May 23 din. Eksaktong tatlong taon mula nung huli akong sumulat.

Ito yung unang araw na napaniginipan ko ang babaeng iyon.

May 23.

May napanaginipan akong babae kagabi. Weird. Kasi kamukha ko siya. Mahuhulog na siya sa bangin at nung tinulungan ko siya nagkabaliktad kami ng sitwasyon. Ako na ang mahuhulog at siya naman ang nasa itaas. At binitawan niya ang kamay ko, hinyaan niya akong mahulog.

-Rae

Nung una, wala lang sa akin ang bangungitna iyon. Sinulat ko lang sa journal kasi weird. Tapos nagpaulit ulit na siya, minsan isang beses sa isang linggo, o kaya naman dalawa. Pero may mga panahon din na halos araw araw ay napapanaaginipan ko na siya. Natakot na ako pero wala pa akong pinagsasabihan tungkol dito kahit ang mama ko. Pero yung nangyari kanina, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

Nagsimula nang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.

Nasa kwarto na ako pero feeling ko may naktingin saa akin. Nagmamasid sa mga ikinikilos ko.

Tinanggal ko na sa isip ko ang babaeng iyon. Napaparanoid lang ako, at nagdesisyon na akong matulog.

"Raven!" Tawag skin ni Bea pagpasok ko ng room namin. Late na ako sa klase pero wala pa naman prof. Sinenyasan niya ako na maupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon