Hindi nauuna ang pagsisisi....

61 0 0
                                    

i dont have my own love story, meron man hindi naman maganda so tipikal na lovestory, ni walang kilig factor... kaya pag may naririnig ako lovestory ng iba at talaga namang breath-taking ang dating nacacarried away ako, kinkikilig ako...

Pero may isa akong lovestory na pinanghihinayangan... hindi nya alam na alam ko ang story nya kaya wag na lang natin imentioned ang name nila.. .

storyang mapapa "hay sayang naman" storyang madame pwede idugtong and maraming "what if's"

Nagumpisa ang love story nila nung highschool sila, higher level itong si guy (eto ang friend ko) at si Ganda naman ay medyo nasa freshmen pa or sophomore years pa, (I'm not sure ha) ng nagpaturo ang mga pinsan ni ganda kay guy ng sayaw...

Si guy ay hindi kagwapuhan, pero may angking karisma, pasaway pero mapagmahal, hindi sya standout pero malakas ang dating.. madami din humahanga sa kanya ngunit hindi nya ito alam..magaling sya magsayaw at may taglay na diskarte

Si Ganda naman ay literal na maganda. mestisa, makinis artistahin ang dating, sikat dahil sya ang tinanghal na mutya ng kanilang campus. matalino. madaming nanliligaw..

Pero sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, Lahat sila nagtataka kung bakit ang kagaya ni guy ay makakapukaw sa pansin ni ganda. knowing ang dami nanliligaw na mas higit kay guy, matalino, mayaman, gwapo mas sikat pero si guy ang tanging kakaiba... sa madaling salita naging sila...

May pangyayari pa nga na sabay sabay  dumating ang manliligaw ni ganda sa kanilang bahay,  dadating si guy na may dalang mga prutas ay dadatnan ang mga manliligaw ng kanyang gf sa kanilang bahay na may dalang "chocolate and flower"..  

Mahirap sa part ng guy yun diba? datnan mo ang mga manliligaw ng gf mo.. pero dahil naiitindhan nya na maganda ang kanyang gf at may tiwala sya na sya ang mahal nito hinahayaan nya lang ito.. 

tumagal ang relasyon ng almost 10 years...kahit on and off sila madami na din umaasa na sila na ang magkakatuluyan,, halos lang ng mga kamaganak ni guy  hindi makapaniwala na gaya ni ganda ang kanyang gf. At pag nagdadate sila hindi mo talaga akalain na maggf at bf sla kape at gatas ang datingan, maton at sosyalera ganyan ang description sa kanila.. Dumating pa sa punto na naglive in sila nung lumuwas ng manila si girl. at dito lalo nasubukan ang relasyon nila...

Nakunan si Ganda, hindi alam ni girl na 2 months preggy sya, kaya tuloy pa din mga activities nya na nakasama sa pagbubuntis nya.. dito nagalit si guy bakit daw hindi nalaman ni ganda kung buntis sya wala daw bang pagbabago nararamdaman si ganda sa katawan. di man lang daw inaalagaan ni ganda ang anak nila. handa naman daw sya panagutan ang lahat. At dahil sa pangyayaring yun unti unting nawalan ng gana si guy sa babae.

Dumating na ang panahon na kelangan ng bumalik ni ganda sa probinsya upang pagpatuloy ni ganda ang kanyang pagaaral sa kolehiyo. at si guy naman ay nasa manila para magtrabaho. Sa layo ng distansya madaming nagaganap sa kanilang dalawa kahit may communication pa ang dalawa, madami na din nababalitaan si guy tungkol kay ganda. Ngunit si guy ang tipo ng tao na hindi naniniwala sa sabi sabi. Si ganda naman masyado naging abala.

tumagal ng taon ang ganitong relasyon nila text text tawag tawag... wala kasigarudahan kung magkikita pa. Si ganda minsan na nagtanong kay guy na umuwi na lang si guy sa probinsya para dun na lang sila masama. pero hindi nakikita ni guy ang sarili nya sa probinsya wala dun ang buhay nya. at ganun din naman si ganda hindi manila ang buhay nya.. walang gusto magrisk. Sinabihan na din ni guy na kung ano na gusto mo gawin malaya ka, kung san ka masaya at makakaginhawa gawin mo. 

2008 kumalat na ang balitang kakasal na si ganda. Halong pagsisi at lungkot ang naramdaman ni guy, ngunit kinalaunan naging ok naman sya. masaya na din sya dahil tahimik na ang buhay ni ganda. Para kay guy tapos na ang lovestory nyang fairy tales ang datingan, ang love story nyang against all odds.. 

Hangang sa isang araw may natanggap syang text mula kay ganda. kinakamusta sya nito.

at sa kamustahang ito. may nalaman ang guy.

Mahal pa sya ni Ganda, at sa tono ng pananalita nito nagsisi itong nagpakasal agad. 

Pinapayuhan pa ni ganda si guy na wag magpakasal kung naprepressured lang. kasi nasa huli ang pagsisi..

...

Sa kasamaang palad wala na talaga nararamdaman si guy kay ganda lalo na ngayong may asawa na sya......

hindi ko na dedetalye ang ibang kwento kasi medyo komplikado.....

Pero iisa lang masasabi ko sa guy, thumbs up ako sa kanya. hindi sya ang tipo ng lalake na take advantage... pag ayaw na nya ayaw na nya, masyado sya nasaktan nung part na nawala ang anak nya na parang pinamuka sa kanya na hindi nya kaya panindigan ang lahat porke hindi pa ganun ka stable work nya?.. 

kay ganda naman yeah nasa huli ang pagsisi, sana tinanong muna nya ang sarili nya kung mahal ba nya papakasalan nya. naging security vs heart ang labanan... 

Sa ngayon si guy ay isa pa ding bachelor, at si ganda is my own family na sa probinsya maganda naman life nya pero sabi nga behind that beauty may kakulangan pa din..

>>>yun lang nanghinayang lang ako kasi kung may nagrisk sa kanila sana  happy ending ang lovestory nila.... minsan talaga kahit ok na ang lahat andun pa din ang lungkot  dahil umaasa ka na sana kasama mo sa kaginhawaan mo ang taong pinakamamahal mo... 

Hindi nauuna ang pagsisisi....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon