Chapter 27
[Marjorie's POV]
Ilang linggo na ang nakalipas since nagkaayos kami ni Bryan. Kahit na naging friends na ulit kami, aaminin kong may nag-iba dahil nga alam ko na yung feelings nya. Pero hangga't maaari, pinipilit kong maging normal dahil ayoko din naman mawala ang friendship namin.
Mas naging close nga sya sakin dahil napapadalas ang paghatid nya sakin. Tss, buti nga at hindi sya nakikita ni Papa, at lalo na ni Macey dahil nakuuuu, paniguradong issue =____="
Pero si Bryan, sabi nya eh wag daw akong mahihiyang magsabi ng problema ko sa kanya dahil mas gugustuhin nya daw malaman yung nararamdaman ko para alam nya ang dapat gawin kung sakaling malungkot man ako. At para din samahan nya kong maging masaya kung masaya man ako. Alam kong unfair yun pero pinipilit nya talaga. Alam kong masasaktan na naman sya dahil dun pero yun ang gusto nya. Kaya um-oo na lang ako para naman kahit hindi ko mabalik yung pagmamahal nya, kahit papano eh nagagawa ko yung gusto nya, na pagsabi sa kanya ng mga problema ko.
Si mama lang ang nakakaalam ng lahat, sinabi ko na din sa kanya na okay na ulit kami ni Bryan at super saya naman ni mama. Kaso nalungkot din si Mama nung sinabi ko yung about kay John. Haaay, kalungkot naman kasi talaga.
Ayaw ko nga sanang sumama sa outing kaso pinilit ako ni Jade at Bryan, si Megan kasi ayaw din dahil mabubwisit lang sya kay Bryan pero pinilit sya ni Jade. Eh sayang din naman kasi, kaya sasama na ako, pati si Mama eh pinipilit ako para naman daw mag-enjoy ako. Haay sana nga mag-enjoy ako.
Last day na namin ngayon at bukas eh sembreak na. One week din ang bakasyon dahil nga sa pagsapit ng November 1 and 2. Woooohhh, awooooo, hehe, sige ako na corny =___=
"Oy ano pinayagan ka na??" tanong sakin ni Jade habang nag-iintay kaming lahat dito kay coach para ibigay ang consent letter.
"Tss, oo si mama pa nga ang pumilit sakin. =___="
"Eh ikaw Megan?"
"Oo..." sagot ni Megan habang busy na naman sa paglalaro. Aish ano bang meron sa mga games nya at parang hook na hook sya?
"Yes! Buti naman at kasama tayong tatlo." masiglang sabi ni Jade sabay lingon dun sa fafa Brandon nya.
Naku kung makangiti naman itong bruha na ito, tsk, nakakainggit! T__T
"Tsk, kasama si ninja turtle???" napalingon kami kay Bryan na bigla na lang sumulpot.
"Aish, ako pigil pigilan nyo ko, mananapak na talaga ako!" asar na sabi ni Megan pero hindi pa din tumitigil sa paglalaro pero halatang asar na asar na dahil kulang na lang eh mabasag yung screen ng phone nya sa diin ng pagpindot nya.
"Haaay ang pikon talaga ni ninja turtle. Sino ka ba dun, Leonardo? Raphael? Donate---" napatigil sa pang-aasar si Bryan dahil binato sya ni Megan nung cellphone at sakto sa mukha nya.
Kami naman ni Jade eh hindi namin alam kung paano magrereact dahil ngayon lang namin nakitang naasar ng ganyan si Megan. Nakakatakot pala >_
"Hindi na ko sasama!!! Sa tingin nyo mag-eenjoy ako kung sa buong stay natin doon eh aasarin lang ako nyang Bryan bakulaw na yan?!!!" sigaw ni Megan at nagtinginan na samin yung ibang tao sa TTC. Natahimik na lang kami pati si Bryan.
"Pst uy..." siko ko kay Bryan.
"Tigilan mo na yang pang-aasar dyan, nakakatakot grabe, ngayon lang yan nagalit ng ganyan!" bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Подростковая литератураMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...