34th Chapter

12 0 0
                                    

Ashley

Diploma. Ang bunga ng lahat ng ating pag-hihirap sa pag-aral. Umaga, tanghali, hapon. Ang ginugugol natin sa eskwelahan para maabot ang pangarap na ating inaasam-asam. At ngayon, heto ako hawak hawak ang diploma na pinag-hirapan kong makuha. Ang sarap sa feeling na ngayon ko na sisimulang tuparin lahat ng pangarap na inipon ko.

"Congrats, bes!" Masayang bati ni Gabbie sa akin at saka nya ako niyakap at chaka rin kami nga selfie. "Sa wakas, magiging office girl na rin ako." She said while smiling.

"Congrats, din bes!" Bati ko sa kanya.

"Tsk, I know. Hindi ka pa rin masaya hanggang ngayon. Don't worry bes. Kakausapin ko nalang si Rade. I'm sure isa lang 'to sa mga misunderstanding sa relationship nyo. Remember what you did 3 years ago?" Pag-cheer up sa akin ni Gabbie.

Wala na kami ni Rade. Four months na yung nakakalipas, nag-pasya kami na mag break nalang para hindi na magka-sakitan pa, masyado na kasing toxic ang relasyon namin para ipagpatuloy pa. Kumbaga, nandon na kami sa finish line nito. At first, I never really felt bad about it. Akala ko kasi babalik kami sa dati, masaya kahit magkaibigan lang. Pero mali pala ako, kasi habanag tumatagal mas lalo syang lumalayo sa akin. At para akong pinapatay nito. Ang sakit!

"Bes, break na kami. At official na talaga 'to. Kahit anong pilit wala na talaga e," sabi ko sa kanya at saka ngumiti ng mapakla.

Ang palagi ko nalang iniisip ay hindi naman ako mamamatay kahit wala sya 'diba? Kaya ko namang maka-survive without Rade e. Kaya ko naman 'to, tiwala lang. Kung kay Ethan nga nakaya ko, kay Rade pa ba?

*

Nag celebrate kami sa bahay, at tulad ng dati masaya ay punong puno ng tawanan ang pamilya ko. Alam na rin nilang wala na kami ni Rade. Nung araw na nalaman nila mama yon bigla nalang nag-init ang ulo ni papa at gusto nya pang sugurin si Rade, pinaiyak daw kasi ako. Sweet diba? Haaay. Masakit pa rin hanggang ngayon, pero kinakaya ko naman. Lakas ko e! At saka alam ko namang marami pa ring nagmamahal sa akin, pamilya, kaibigan ko.

Pagtapos naming mag hapunan, umakyat na ko sa kwarto ko para mag-shower. At saka humilata sa kama ko.

"Ash? Si Ate mo 'to." Ani Ate at saka ko naman binuksan yung pintuan.

"O, ate? Bakit," tanong ko habang sya naman ang humiga sa kama ko.

"Na-miss ko lang ang sissy talk natin, Ash," sabi nya at saka ako makahulugang tinignan. "Hindi ka pa okay." Alam na alam nya talaga pag malungkot ako o hindi eh! Galing..

"Alam mo naman pala ate, e." Walang gana kong sagot.

"Yes, because I am your one and only Ate. Alam ko kung may problema ka ba kahit hindi ka nagsasabi sa amin o sa akin. Alam ko kapag naiinis ka kila mama, alam ko din pag may bago kang boylet. At alam na alam ko din pag nangupit ka kay mama ng pera." Ani Ate.

"Hindi na ba talaga ako makakapag-tago sa 'yo?" Sabi ko at saka tumawa.

"Mag-tago ka na ng sikreto mo sa iba, pero sakin? Mukhang malabo ata 'yon, Ash!"

*

Kinabukasan, may lakad kami ni Gabbie, malling ang peg namin ngayon. Naisip ko, okay na din 'to para naman kahit papano makalimot ako.

"Bes! Dito oh! Yohooooo!!" Eksaherada talaga 'tong babaeng 'to e, kahit sya lang mag-isa ang ingay.

"Ano ba, eksena ka! Akala nila naliligaw ako! Kainis na 'to."

"Haha! Sorry na, eto parang 'di ka na nasanay sakin, e no?" Ani Gabbie.

Kumain muna kami sa paborito naming Mcdo, feel na feel naman ni Gabbie yung Ala King meal nya. Sabi nya kasi baka raw makahanap sya ng papa Alden nya, sa tamang panahon.. Nag-shopping din kami, sale kasi dito sa mall na 'to kaya ito yung sinugod namin ni Gabbie, talagang nag-halungkat kami para lang maka-mura. Sabi nya pa, edi sana daw nag divisoria nalang kami mas makaka-mura pa.

"Edi kung nag divi tayo hindi ka makakain ng Ala King meal, mo." Pag kasi nag di-divi kami sa turo turo lang kami kumakain.

Madami talagang nagagawa ang sale sa mga malls, pati sine sale! Bongga diba? Kaya after naming mamili nag sine naman kami, drama ang pinanood namin kami bentang benta ang tissue sa amin ni Gabbie. Lalo na dun sa scene na iniwan na nung lalaki yung babae kasi pupunta na sya sa ibang bansa. Grabe tagos sa pusong eksena yun!

Hapon na nung matapos kaminsa lakad namin. At ang ending? Ayun kumain na naman kami, pero sa food court naman, baka kasi may sale din! At hindi kami nagka-mali, meron nga kaso ang mahal pa rin kaya 'di naman pinatos. Gabi na nung makalabas kami ng mall, rush hour kaya pahirapan sumakay ng jeep. Pag naman tricycle ang sinakyan mo mas mapapa-mahal ka pa. Mabuti nalang at may ninja moves 'tong si Gabbie, kering keri nyang makipag unahan sa jeep. Mabuti nalang, talaga!

"I had so much fun today, Ashley!" Masayang sabi sa akin ni Gabbie at saka nilantakan yung pepero nya.

"Me too, bes. Ngayon nalang ulit ako nakatawa nang ganon." Sabi ko.

"Bakit kaya hindi kayo mag-usap ni Rade na dalawa bes? Para sa closure lang, ganon." Aniya, "Almost 6 months na rin naman 'yon diba?"

Napaisip ako sa sinabi nya, ano nga kaya ano? Kung ayusin kaya namin 'yung saming dalawa kahit na hindi na kami maging katulad ng dati, diba? At least alam kong wala na kaming sama ng loob sa isa't isa..

And then I found myself saying, "Okay."

"Maganda iyan, para sa final wave nyong dalawa."

*

Tulala ako nang makarating sa bahay, napaupo nalang ako bigla sa sofa. Sa pagiisip nung katangahang sinabi ko kanina.

"Huy Ashley!" Tawag ni Mama.

"Bakit po?"

"Anong bakit po? Kanina pa kaya kita kinakausap, sinapian ka na ata ng masamang hangin, e?" Pagbibiro pa nya.

"Ma! Seryoso yung tao babanatan mo ng ka-kornihan mo, eh." Sabi ko.

"Eh bakit ka ba kasi ganyan, ha?"

"Ma, mag-uusap pala kami ni Rade. Sa isang bukas." Wala sa sarili kong sabi kay mama.

"Edi maganda, para san yan? Closure? Ganon?" Aniya, at ang tanging nasagot ko lang ay tango. "At least kahit papano kaya mo nang harapin muli si Rade, diba?"

Totoo, kahit papano pumayag na kong makipag-usap kay Rade, dati kasi ayoko talaga.. As in ayokong naririnig yung pangalan nya, at ayoko rin syang makita. Pero improving, kasi diba, keri ko nang marinig at sa isang araw magkikita at mag-uusap pa kami.

Sabi ni Gabbie, sila na daw ni Gabe ang bahala don. Ako naman medyo kinakabahan sa kung ano bang mangyayari. Kinwento ko na din kay Ate na mag-uusap kami ni Rade, at um-okay naman sya, mabuti daw 'yon para naman daw magka-ayos kami kahit papano.

Yung dating mga paru-paro sa tyan ko, yung mabilis na pag pintig ng puso ko, yung excitement na nararamdaman ko, pag nakikita at naririnig ko 'yung pangalan ni Rade, unti unti nang nawawala..

I think, this is a good sign of moving on. And, "life is too short, to be bitter."

AN:
Last chapter, on the go buddies! >:)

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon