Chapter 20: Princess and the Frog
Sobrang kinakabahan na ako, mamayang gabi na ang palabas at ngayong umaga todo ang ensayo namin. Sana-sana magawa ko ng tama.
“Ui Mc, magpahinga ka muna. Kanina kapang nagpa-praktis jan ah?”
“Kasi naman Christel baka kasi mapahiya ako mamaya.”
“Ay naku hindi mangyayari yon, kayang-kayang mo yan” sagot ni Christel.
“E ikaw? Hindi ka ba kinakabahan?”
“Asus, hindi na... konti lang naman role ko tsaka simple lang naman sasabihin ko e” sabi ni Christel.
“Asan si Marj.?”
“Ayun nandun kay billy, iniinbitahan manuod”
“Ah ganun ba?”
“Christel, tulungan mo nga ako dito” sigaw ni Efmar habang buhat-buhat ang isang malaking kahon.
“Aba si Efmar pala e nandito.”
“Oo sya yung incharge sa props, jan ka muna Mc huh tutulungan ko lang to si Efmar.” Sagot ni Christel.
“Ayeee... baka madevelop ka jan.”
Iniwan na akong mag-isa ni Christel at isang malakas na buntong-hininga ang aking ginawa.
“Kinakabahan ka ba?”
“Huh?....Ikaw pala Seth.”
Lumapit sa akin si Seth at umupo sa tabi ko, iniabot nya sa akin ang isang bote ng tubig.
“Kinakabahan ka?”
“Oo e baka magkamali ako mamaya”
Ngumiti lang sa akin si Seth at biglang umakbay sa akin.
“Don’t worry everything will be fine as long as you’re with me”
Isang mabilis na tibok sa aking puso ang aking naramdaman. Bakit sya ganito dahil sa ginagawa nya..................................... gusto ko na ba sya????
“0.0 Ah.. eh....manunuod ba ang parents mo?”
“Oo manunuod sila, actually andito na sila sa Pilipinas. Tumuloy sila ngayon sa isang hotel”
“Napuntahan mo na ba sila?”
“Hindi pa, mamayang gabi ko pa sila makikita.”
“Ah ganun ba.... e si Jane kasama ba?”
Omg! Bakit ko ba yun natanong?! Ang boba ko talaga. Napatingin tuloy sa akin si Seth. Ahhhh....baka akalain nya curious ako...pero curious naman talaga ehheehe....
“Kilala mo pala sya.”
“Ah..eh... naikwento lang sa akin ni Gee”
“Ah si Gee...... sabi ni Jane sa akin manunuod daw sya e pero nasa byahe palang sya.”
“Ganun ba?”
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Roman pour AdolescentsHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you