Heto...

27 3 5
                                    

"Hindi ka naman google pero bakit parang feeling ko'y masasagot mo lahat ng katanungan ko? ....O baka sadyang assuming lang talaga ako."

Bulong-bulungan sa library at canteen na nakaka-inspire ng mahigit kumulang 79% ang buhat ng pagkakakilig. Batay naman sa siyensa, halos magkatulad ang substance na nakukuha natin sa tsokolate at kilig. Kaya lang ay kahit anong dami ng kain ko ng tsokolate ay ibang-iba talaga ang feeling pag inlove ka. 

Sabi ng nanay ko, kulang lang daw ako sa porma. Hindi kasi ako ang tipong lumalabas sa bahay. Books, movies at painting lang ang kinaaaadikan ko. Hindi rin ako nagme-make-up. Low maintenance kumbaga.At hindi rin ako girly kung umasta or mag-ayos. Minsa nga natatanong ko sa sarili ko, babae kaya talaga ako? 

Gising sa umaga --> Internet --> Trabaho --> Uwi sa bahay --> Internet --> Tulog. Eto ang cycle ng buhay ng isang tamad.. este, introvert katulad ko. Kaya higit ng tenfolds ang kakilala ko sa facebook kesa personal. Yung tipong close kayo sa chat at likes pero awkward sa personal. Ewan ko ba kung bakit ganun. Nakakalungkot isipin.

"The Study of Pagpapanggap of a Perfect Life". Yan ang research paper ng isipan ko habang bumabasa ng newsfeeds araw-araw sa facebook. Matatawa ba ako o madidisappoint? Pero ano din nga naman ang pakialam ko sa kanila? E-la-like ko ang gusto ko at e-de-deadma ang walang appeal para saken.

Noon, kaunti lang ang may facebook dahil appealing pa yung friendster. Pero di nagtagal, dumami na ang mga epal sa newsfeeds ko. Ang masakit pa nun, magaganda sila samantalang ako.... isang dyosa. Pero joke lang kasi wala pang ipinangalang dyosa ng mga tagiyawat.

Hindi ako perpekto. Hindi lang halata kasi naka-filter ang mga pictures ko and I'd like to thank Camera 360. Kaya pag madami ang likes ng profile pictures ko, napapaisip ako... kasing dami rin kaya ng likes ang makukuha ko in personal pag inirampa ko na ang tunay kong mukha sa harap nila? Medyo malabo. Malabong-malabo.

Kaya nga nung nag-floodlikes itong si Tisoy ay parang napa-overview ako sa history of public pictures ko.

Oo nga pala. Yung kaibigan kong beauty queen ang profile picture ko ngayon. Supportive friend kasi ang lola nyo. At na-realize ko ding naka-Only Me ang mga pictures kong mag-isa at tila Jeje pa ang name ko. At eto pa.. sa sobrang pagkagulat and excited ko sa floodlikes ay hindi ko napansing mga status at group pictures lang ang ni-like niya maliban sa profile picture.

Nga naman o. Minsan nga lang makatanggap ng floodlikes.

Ctrl + Alt + Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon