George's povi really like you....
I really like you....
I really like you....
Ano bato? bakit hindi maalis sa isip ko ang putchang sinabi ng mokong na yun. Kaya pala ganun siya kasi alam niyang nagpepretend lang ako--na isa talaga akong babae. At bakit ganun? Kinabahan ako, pero wala namang dahilan. Si Bryle, itinuring ko na talaga siyang kaibigan. Minsan mas malapit pa ako sa kanya kesa sa pinsan ko pero di naman niya ipinapahalatang alam na niya katauhan ko.
Ngayon sinabi niyang gusto niya ako. Kaya ba? Kaya ba pinipigilan niya ako sa tuwing gagawa ako ng bagay na ikapapahamak ko? Kaya ba pinigilan niya akong sumali sa frat dahil inaalala niyang mapapahamak ako."hey! George andyan ka lang pala." Isang matangkad at matipunong lalaki ang lumapit sakin.
"Bakit?" Tipid ko bang magsalita. Well ganyan talaga ako.
"Hinanap ka sakin ni Bryle eh. Hindi ka daw pumasok sa 1st subject." Junior palang kami at masasabi kong kakaiba talaga ang ugali ng mga kaklase ko. Yang si Ken matangkad, matipuno at gwapo pero sa loob-loob isang binabae. Opsss secret lang, ako lang me alam nyan kasi nakita ko siyang nagdaydaydream sa magazine then the pic. Is about a man wearing an underwear only. Shocking, but he did'nt refuse. Umamin siya at nakinig lang namam ako, naiintindihan ko kasi tulad din niya ako--may itinatago.
"Bayaan mo siyang maghanap." Ako.
"Owsss." Tumingin tingin muna siya sa paligid bago ulit magsalita. "Ikaw ha, baka naman shoteeyyy ka rin tulad ko , hindi mo lang maamin. Sana hindi kasi ang gwapo mo dhai. Wag ka matulad sakin." Bigla akong nasuka sa inasal niya. Mas lalo naman siya eh ang lalaki ng muscle tapos binabae lang pala. Hala....lagot to sa tatay nya.
"Tumigil ka nga Ken, nasusuka ako sayo." Kunot noo kong sabi.
"Hala dhai juntis ka! May matres ka ba? Akin na lang please...." nagpuppy eyes pa siya sabay close ng two palm niya at lumuhod pa.
"Ano ka ba Ken di ako santo, tumayo ka nga. Baka may makakita sayo." I lead him to stand but he did'nt manage to do so.
"May matres kanga siguro, napansin ko kasi minsan napahawak ka sa tyan mo...ahy hindi, sa puson pala, yung thingy na meron yung mga babae."
"Isa, gusto mo ng flying kick Ken?" Nagagalit na talaga ako sa mokong na to. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig niya.
"Call me Kheny when somebody's not around, lam mo na mas carry the way ko yun."
"Ayaw mo ba talagang tumigil." Nakakabuwiset na.
"Ito na nga po tatayo na mr." Tumayo naman siya habang nakaharang yung dalawang kamay niya sa harap na para bang re wrestlingin ko talaga siya.
Pagkatapos nun nilayasan ko nalang siya bigla. Minsan gusto ko siya pag medyo maraming tao sa paligid pero kung wala asahan mo nalang ang ladlad niyang Ken na yan. Ang jejemon pa. Bahala siya aa buhay niya.
Teka, hinanap pala ako ni Bryle. Pero ano bang paki ko. Makatulog na nga lang. Pumunta na ako sa doorm ko at pasalamat nalang talaga ako kasi wala akong roomate dahil kung sakali man talagang bistado ako. Syempre alam kong secrets were always revealed pero di pa ngayon ang panahon.
Napasalampak ako sa kama. Naramdaman ko nalang na bumigat ang talukap ng mga mata ako......
****
"I guess were friends but why you all did this Zane?" Napayuko ako.
"Because i love you." Narinig kong napatawa siya ng pagak.
"For god's sake Zane babae ka at babae rin ako. I thought were bestfriends, pero iba na pala yung kahulugan nun sayo." Nanlumo ako.
"Mia please give me a chance to court you." Humugot ako ng konting lakas para sabihin tong lahat sa kanya. "Not all the time couples were totally opposites, kung mahal mo talaga ang tao kahit ano pa man kaya mong tanggapin siya kahit ano pa siya." mahina kong sabi.
"Then you are hoping i pay your love to me. Hindi ako tanga para gawin yun! Kasi baliktarin man ang mundo pareho lang tayo at walang kwenta dahil pareho tayong babae."
******
Napabangon ako ng higa. Panaginip na naman. Panaginip nga ba? O ala alang ayaw lang maglaho sa isip at puso ko. Si Mia, siya ang dahilan ng pagbabago ko, dati naman kasi pure woman ako pero namg makilala ko siya naramdaman ko talaga sa ang bilis ng tibok ng puso ko at sa twing kasama ko siya ang saya ko.
Pero nagbago lahat ng tinanggihan niya ako. Bakit pa kasi umamin ako , edi sana bestftiends pa din kami ngayon at masaya.
Lumabas muna ako ng doorm, medyo madilim na rin. Dumeretso ako sa cafeteria, kaunti lang ang mga students na naroon. Umupo ako sa single table, ako lang naman mag isa, busy ngayon si Clinton sa student council samantalang si Bryle naman ka bad vibes ko , siya kasi parati yung kasama ko pero ngayon parang malabo na kasi sa mga inamin niya. Hindi talaga ako magiging komportable sa kanya, bakit kasi siya umamin naglng ganun.
"Are you alone?" Sino ba to? Lumingon ako, andito kasi siya sa likod ko.
"Obvoius ba?" Naparoll eyes ako. Nakatitig lang siya sakin.
"Para ka namang babae." Nakasmirk niyang sabi.
"Paki mo."
"Babae ka nga."
"So?"ako
"May dalaw ka siguro?" Napatigil ako sa pagroll ng carbonara through tinidor.
"Siguro totoo. Ano????" Buwiset to. Bukuhin ba naman ako.
Ano ka ba George wag kang papadala dyan. Wala lang magawa sa buhay yang alimango na yan.
"And???" Nag act akong walang pakealam kahit sa loob naiinis na talaga ako sa taong to. Sino ba siya?
"Humanda ka dahil ngayon na ang simula. Sa akala mong di mabubunyag yang sekreto mo , sorry pero malapit na ding malaman ng lahat ang pinakaiingatan mo." Anong sinasabi niya. May alam siya panigurado at di ko hahayaang gawin lang niyabyun. He try to threaten me, akala niya uurungan ko siya. Sorry nalang pero wala naman talaga akong paki kung malaman niala kasi darating din naman ang araw na malalaman din nila at tiyak kick out ako pag fumating ang araw na yun kaya nga sana hindi pa mangyari para makapag aral pa ako.
BINABASA MO ANG
Nothing...But a Girl
Ficção Adolescentea GIRL, that likes toy guns not barbie doll likes basketball not volleyball likes t-shirts not short skirts and like girls instead of boys... is she a lesbian? wala na bang magbabago dun? Who is she??? a lesbian?