FTP - 1

80 0 0
                                    

Xielly's POV

"Baby, akin ka lang, diba?" Tanong ni Mark ata? O Clark? Basta, nitong lalakeng nakayakap mula sa likod ko.

"Oo naman, Clark."

"Clark? Who's Clark?" Shizz. Ano pa pangalan nito...

"Clark? I said Mark. Ano ba, babe? Nababaliw ka na, ha." Palusot ko.

"Huh? Sino naman si Mark? Niloloko mo ba 'ko?" Sabay punta niya sa harap ko.

"Eh sino ka ba?" Hahahaha.

"Damn it, Xielly. Ako 'to, si Dave, boyfriend mo. Nasisiraan ka na ba ng bait?" Wow. Ayos 'to, ah.

"Huh? You're wrong. Isa ka lang sa mga pinaglalaruan ko. And wait. Bait?? Sorry ha? Wala ako nun, eh." I said then I chuckled a bit.

"What??!" Gulat na gulat niyang tanong.

"May nakakapagtaka ba? Para namang seseryosohin kita. Tsk."

"I can't believe this!!" Sabay walk-out niya.

"Haha. You should!!" Natatawang sigaw ko bago pa siya makalayo. Hahaha.

Benta ng kadramahan niya, e. Haha. Oh. Im Rexiella Mel Gomez. Rex? Mel? Xielly nalang. Haha. Mas kilala kong Xielly eh.

Subukan niyo lang akong tawaging Rexiella, gagawin kong punching bag yang pagmumukha mo.

Attt, 16 years na kong nabubuhay at kasalukuyang naglalakad ako ngayon papunta sa sasakyan ko.

Oo na, wala pa kong lisensya -_-

Hay. Magttwelve na. Hahaha tanghali na ko makakapasok. Ice lang. Kaya ng bangs ko yan.

Kakapasok ko lang ng campus ng biglang magring ang cellphone ko.

I answered the call without looking at the caller's ID.

-Oy, Papao, pwede ka ngayon?-

Si Mamao lang pala.

"Bakit? Date tayo?"

-Pwede rin. Tara sa tree house natin! Nagugutom ako e.-

"Ayos ka, ah. Pinagcucutting mo pa 'ko. B.I. ka talaga!"

-Bat pumasok ka ba?!-

"Kapapasok ko lang! Aish, eto na! Papunta na!!"

-Yon! Ingat!-

"Ge, boy, ingat." Then I ended the call.

Wondering why Papao ang tawag niya saken? Wala lang... joke. Mukha daw akong siopao. -_____- Best friend ko yan since.. grade 3? Kaya siya lang may lakas ng loob na asarin akong siopao, tawagin akong Papao. Okay lang... Mamao naman tawag ko sakanya e. Mukha kasi siyang mamaw. Hahaha. Kaya Mamao at Papao tawagan namin. Cute no?? Hihii. K.

So, yun. Pupunta nanaman akong parking lot -_-

Eh?? Ba't andaming nakaharang na students. Mga nagkukumpulan at nagtitilian pa.

Dahil chismosa ako nakipagsiksikan ako para makita kung anong pinagkakaguluhan nila.

Joke lang. Inantay ko nga silang magalisan eh.

"Si Xielly anjan, oh. Ang ingay niyo..."

"Uy dadaan si Xielly..."

"Uy tara na, alis na tayo dito..."

Rinig na rinig kong BULUNGAN ng mga studyante dito. Nagsi-alisan na rin sila except sa isang...

"Papao, nirape nila 'ko!!" Anak ng??!

"Kelan ka pa natutong pumunta dito??" Tanong ko ng nakataas ang isa kong kilay at nakapamewang pa.

"Wala lang. Tae, miss na kaya kita!"

"Ewan ko sayo!"

"High-blood naman! Dinalaw ko lang sina Tita Mariella sa office niya. Andun sila eh. Lagi kayong wala sa bahay niyo e, kainis. Buti pa parents mo, mabait! Ikaw, ikaw na nga 'tong sinundo kahit alam kong dudumugin ako dito, ikaw pa galit!" Dire-diretsong sagot niya.

"Teka lang, Bi, kalma lang, kalma! E kaya nga ayokong pumunta ka dito, e! Alam ko namang pagaagawan ang poging mamao ko!"

"Sige lang, mambola ka lang."

"O edi hindi na. Ang pangit mo nga e. Ang pangit pangit mo!!"

"Joke lang, haha. Alam ko namang pogi ako. Tara na nga!" Sabay hila niya saken papunta ng kotse niya.

"Teka lang! Teka lang!! Pano yung sasakyan ko???"

"Okay lang yan di naman yan mawawala dito!"

-___________-

Pumayag na ko at pumasok sa sasakyan niya.

Baliw talaga 'tong lalakeng 'to. Halatang tumakas sa bodyguards niya. Hahaha. Ni driver kasi wala siya ngayon e.

Ian's POV

Hello. Ako si Brent Ian Soriano. Bi tawag nila sakin eh. As in Bi, Bi talaga. Hindi B.I. Pero BI kasi Brent Ian pero Bi talaga kasi marami akong baby DATI. Ah basta. 16 years old na 'ko. Mabait, mayaman, matalino, at! syempre, pogi! O, sa'n ka pa?

Teka nga. Sino ba 'ko dito?

Uhm.. ehem.

Ako lang naman ang kapamilya, kapuso, kapatid, kasangga, mamao at bestfriend ng nagiisang Rexiella Mel Gomez.

Papunta kami ngayon sa tree house namin. Puyat ata tong siopao na to at nakatulog na siya. Mayamaya, nakarating na din kami sa lugar namin.

"Papao... Papao, gising na..." mahinhing panggigising ko kay Xielly.

"Akala ko ba... forever.." Biglang sabi niya. Nananaginip nanaman siya.

"Xielly, gising na. Andito na tayo."

"Lintek na forever yan.. hmm.." Medyo naiiyak na yung boses niya. Kelangan na talaga netong gumising.

"HUY XIELLY!!" Sigaw ko.

"Charles!!" Sa wakas, nagising na rin siya. Niyakap ko siya as a sign ng pagcomfort.

"Bi... *sniff* siya nanaman.. kelan *sniff* ko ba siya makakalimutan..."

"Shh, shh. Tahan na, Xielly. Makakalimutan mo rin siya." pag papatahan ko sakanya.

Maya maya, nakatulog nanaman siya. Okay ng natutulog lang. Atleast di na niya napapanaginipan yung Charles na yun.

Parang baby parin talaga siya. Kahit nakakatakot siya tignan, tsk.

Binuhat ko siya sa bahay namin na katabi ng aming tree house. Bata palang kami, binigay na samin ng parents ko 'to. Sa sobrang close kasi namin ni Mel, di na kami umuuwi sa mga bahay namin nung mga bata kami. Andito naman si Tita Luz kaya okay na okay kaming magstay dito noon. Pero simula nung nagka-boyfriend si Xielly na si Charles, umalis na si Tita Luz dito. Wala naman na siyang babantayan dito. Wala na din kasi akong balak tumambay dito noon. Lalo naman si Xielly, kasi mas marami na yung oras niya sa syota niyang ugok noon. Kaya kami nalang ang nandito ngayon. Kaya naman na namin dahil malalaki na kami.

Inakyat ko na siya papunta ng kwarto niya. 2pm palang naman, kaya mamayang dinner nalang kami kakain.

"Jusko, Xielly. Mukhang di ako makakakain ah. Matutulog nalang din ako. Gisingin mo nalang ako pag gising ka na, ah! Para sabay tayong kakain! :))

-mamao"

Nagiwan ako ng letter na side table niya tapos lumabas na nga kwarto niya. Dumiretso na ko ng kwarto ko at natulog na.

~ ★ ~

Sorry ang lame :( Bago lang po ako dito, at nahihiya pa ko (wow) Okay =)))))))

Thank you sa nagbabasa neto, mwa mwa tsup tsup =)))

follow on twitter: twitter.com/_kryzzasvn !!! :)

Fall To PiecesWhere stories live. Discover now