TATIN'S CURSE. (The title has nothing to do with the story. Bet ko lang yung Titan's curse, maganda yung tunog e. Hahaha)
Ramdam na ang summer heat. Syempre naman. It's April Beybeeee! It's the time of the year kung san inuulan ng kaswertehan ang mga may-ari ng mga resorts at ang mga ordinaryong mamamayan naman na nagbabayad ng tamang buwis walang ginawa kundi mag-GM, magstatus at magtweet na MAINETTTT! As though mag-iiba ang weather kapag sinabi nila yung word na yun.
Vacay na din ng mga estudyante. Yung mga masisipag, they're on for a summer job, yung mej tamad on for summer outing. :)
For Tatin naman, may maganda syang escapade ngayong summer kung saan alam nyang marerelax sya ng bongga without spending much. Kahit mayaman sya practical pa din! :""> San yun? Sa bahay nya.
You read it right! Wala syang kahit anong plano para sa summer. Hanep diba? Wala sa katauhan nya ang magkukulong lang sa bahay kapag summer. Yung ibang girls, busy na sa pagpo-flaunt ng kani-kanilang summer bods pero sya waley, nasa harapan lang ng salamin.
Tatin's room is a combination of red and white. Favorite color nya kasi yung dalawang yun. As I was saying, nasa harapan sya ng salamin at may sinasabing incantion na parang ganto.."Mirror mirror on the wall.." K. Joke lungs. :)
Pero seryoso nakatingin sya sa salamin. Kakagising lang nya dahil may muta pa sya sa kaliwang mata. Kahit naman magaganda nagkakamuta din no! Titig pa din sya sa salamin. Pine-praise ang bawat part ng mukha nya sabay usal ng salitang 'perfect'.
Para makupleto ang narcissistic ritual nya, nilabas nya ang iphone at nagtake ng selfie picture na direcho sa instagram account nya with Valencia filter at hashtag morning face.
*dingdong*
*dingdong*
Gumora sya sa gate na nakapambahay. Oversized shirt, maiksing shorts, buhok na naka-bun. Alas ocho pa lang ng umaga at may nambubulahaw na. She can't help but curse.
Sya lang ang nakatira sa bahay na yun. Nasa Europe ang mama nya with its third husband. Kaya kung sino man ang pakay ng nagdoorbell, malamamang si Tatin yun. Meron pa bang iba.
"Good morning ma'am. Pinadala po kami ng mama nyo para magrepaint ng bahay." sabi nung lalakeng mga nasa mid 30's na. May kasama pa yun na dalawa pang lalake.
"Galing pa kayong Europe?!" Mangha nyang tanong.
"Ano po?"
"Ah wala-wala." palihim syang natawa sa tinanong. Pasensya naman daw at bagong gising. :)
Every year nila pinapa-repaint yung bahay at kada taon iba ang kulay ng bahay nila, kagaya last year kulay Blue yung labas, balak nyang yellow ang ipakulay ngayon. Well, namimiss nya kasi ang yellow house nila Cyrus na lagi syang laman dati.
She ushered the men inside. Saktong dumating na din si Ka Cora, yung labandera nila ng mama nya. Thrice a week kung ipaglaba sya nun. Para kasi syang artistang palit ng palit ng damit. Ganun yata pag maaarte.
From: Fel
Girl, samahan mo naman ako sa Galleria o, bili lang two piece. Mas bet ko yung taste mo sa mga ganun. Daanan kita dyan. I borrowed kuya's car naman.
Dahil di nya bet ang presence nung mga lalakeng magpipintura sa bahay, nireplyan nya ng 'K' si Fel. Ibinilin din nya kay ka Cora yung bahay.
Ligo. Kain. Bihis. Make-up. Ready to go na sya.
*dingdong*
Mabilis syang pumunta ng gate expecting to see Fel, but to her surprise walang Fel sa labas. Ang meron lang..