Friend requestA one shot story
Copyright ©Evil_rhonez
All right reserved 11/1/15
Fb Notification
Michael Roque sent you a friend request
Sino nanaman to? Bakit niya ako inaadd? Hindi ko kasi ugaling mag accept ng friend request kapag hindi ko kilala.
Mag lo-log out na sana ako pero may nagsasabi sa isip ko na tignan ko ang profile picture niya.
Napanganga nalang ako ng makita ko ang profile niya."Shit! Ang pogi."Napahawak pa nga ako sa bibig ko.
Tapos habang pinagmamasdan ko ang profile picture mo may narealize ako na parang nagkita na tayo dati pero hindi ko lang alam kung saan.
Kaya nagdecide ako na iaccept nalang yong friend request mo since parang nakita naman na kita.Hindi ko nga lang alam talaga kung saan.
Pagkatapos kong iaccept ang friend request mo nag log out na ko.
Kinagabihan hindi ako makatulog kaya naisip ko nalang mag open ng facebook ko.
Pagka open ko may message ako.Nang Tignan ko kung sino..
Michael Roque
Salamat :))Teka! Bakit nagpapasalamat to?
Kahit di ko alam kung magrereply agad siya nag reply parin ako tsaka wala naman masama kung mag rereply ako.
Para saan?-Tanong ko.
Mag lolog out na sana ulit ako dahil inaantok na ako pero biglang nag pop yong message icon ko.
Michael Roque
Dahil tinanggap mo yong friend request ko :)Ahhh..walang anuman.-Yan yong sagot ko.
Simula noon gabing yon araw-araw na kaming magkachat sa facebook.
Tinanung ko rin sakanya kung magkakilala ba kami o nagkita na ba kami at ang sinagot niya ahy..
Hindi tayo magkakilala pero nagkita na tayo..
Napaisip ako kung saan kami nagkita pero wala parin akong idea kung saan kaya tinanung ko ulit siya.
Saan tayo nagkita?
Agad din siyang nagreply.
Sa birthday party ng cousin mo si Nik.Makakalimutan ka pala hah aha..
Nung mabasa ko yong reply niya agad kong inalala yon.
At sa wakas naalala ko na.Ngiti siya ng ngiti sakin noon pero dahil sa snob ako hindi ko siya pinapansin non.
Nagreply ulit ako.
Hahaha sorry naman sa hindi ko maalala eh.
Nagreply ulit siya.
Awww! Sa gwapo kong to nakalimutan mo? Sayang gusto pa naman kita.
Agad uminit ang mukha ko sa nabasa ko..ako gusto niya?
"Baliw!"Yan nalang yong reply ko.
"Seryoso gusto talaga kita."
Napatigil nanaman ako sa sinabi niya.Seryoso ba talaga siya? Kaya ba panay ang ngiti niya sakin noon.
Hindi na lang ako nag reply at agad na nag log out.
Kinagabihan ulit nag open ako ng facebook ko tapos may message na naman si michael sakin.Gusto niyo malaman kung ano?
BINABASA MO ANG
Friend Request (One shot)
Short StoryFriend Request One Shot Evil_rhonez Collection