Chapter 63

51 0 0
                                    

Magkita

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Ano ngayon ang balak mo?" tanong ni Hera sakin. Nakahiga ako sa duyan sa may bakuran nila Mildred.

I am with them. Naikwento ko na lahat ng nangyari. I even cried a lot in front of them. And I should thank them for not judging me, and my decisions.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam ang dapat gawin ngayon pero isa lang ang alam ko, at gagawin ko ang nararapat. Ang iwasan siya, kalimutan at............pigilang mahalin.

Naluluha nanaman ako. Sumasakit ang dibdib ko twing naiisip ko iyon.

It's been weeks. Noong araw na iyon ay hindi ako lumabas ng bahay. Maging ng kwarto. Hindi ko alam kung umalis na si Brayden. Kinakatok ako ni Mama sa kwarto ko ngunit pinili ko nalang na wag muna siyang kausapin. Hindi ko pa makaya ang mga nangyayari.

"Alam mo Marionne, you should talk to Brayden.. Malay mo, may paliwanag naman siya." bungad ni Mildred na may hawak na tray ng miryenda.

Ilang araw na akong tinatawagan at gustong makausap ni Brayden. Pumupunta rin sya sa bahay namin pero naririnig kong hindi siya pinapapasok ni Mama o ni Maricon. Ni-hindi ako lumalabas sa bahay para hindi siya makita. Nagkataon lang na pinuntahan ako ni Hera ngayon sa bahay at inaya dito kila Mildred.

"I don't know Dred. I can't trust him anymore.." I whispered. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. God!

"Diba mahal mo naman? Bakit hindi ka magtiwala? You should try and talk to him... Walang masama kung pagbibigyan mo siya ng pagkakataon." sabi pa ni Mildred.

Umiling si Hera. "No! Malay natin kung ginagawa lang 'to ni Brayden para makabawi kay Marionne? Paano kung in the first place eh plano na niyang mapalapit sakanya para mabawasan ang guilt sa nagawa ng Daddy nya?" hysterical na sabi ni Hera.

Hera had that point. Naisip ko na rin iyon. Paano kung una palang ay plinano na niya ito? Ang mapalapit sakin? Para makabawi sa nagawa ng Daddy niya? I don't know what should I think. Lahat ng possibilities ay naisip ko na.

Alam kong matagal na ang aksidenteng nangyari. At hindi na maibabalik pa ang buhay ng Papa ko. Pero hell that' I can't stand the fact na ang lalaking mahal ko? Sila ang dahilan ng pagkamatay ng ama ko.

"I think Hera's right. Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko kapag pinili ko siyang kausapin." Feeling ko mas masasaktan lang ako kapag nakausap ko siya.

Tumaas ang kilay ni Mildred at napamaywang. "So ganon nalang? Hindi mo siya bibigyan ng chance para magpaliwanag? The hell Marionne! Alam natin kung gaano ka kamahal nung tao. Walang masama kung kakausapin mo siya. And besides, years had past. Kahit magkimkim ka ng sama ng loob, hindi na maibabalik pa ang buhay ni Tito. Pero ang pagmamahalan niyo ni Brayden, pwede pa. You try to value relationship habang nandyan pa. Huwag mo nang hintayin pang mawala nanaman siya at maglulupasay ka dyan sa iyak"

San nga ganoon lang iyon kadali. Hindi ako umimik pero tinamaan ako don. Pero hindi ko pa talaga kaya. Ni-hindi ko nga siya kayang makita dahil naiisip ko si Papa. Kaya patawarin sana niya ko, hindi ko parin siya kayang harapin.

***

Bumalik na ako sa bahay matapos ang panenermon ni Mildred. Alam ko namang concern lang siya sakin at sa relasyon namin ni Brayden kaya naiintindihan ko ang point niya. But somehow, nahihirapan pa rin ako. Kasi naman, buo ang isip kong hindi ko na siya harapin. In God's time siguro pero hindi ngayon.

Pagkababa ko sa tricycle ay nakita ko agad ang isang itim na Lincoln Navigator na sasakyan at dalawang itim rin na Corolla Altis ang nakaparada sa bakuran namin.  May tatlong lalaking nakasalamin ang nasa labas ng bahay.

Sino ang bisita namin? Mamahalin ang sasakyang ito kaya alm kong hindi basta-bastang tao ang nasa bahay namin. Kumunot ang noo ko. Sino naman kayang bibisitang mayaman samin?

Napaisip ako. Could it be?

Nagtatakbo at halos liparin ko na ang distansya ng bahay namin mula sa kalsada dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. Wag naman sana. Bakit naman sila pupunta dito?

Nanlaki ang mga mata ko pagkapasok ko sa sala namin. Bumungad sakin ang lumuluhang si Mama habang pinapatahan siya ni Maricon. Kaharap nito si Tita Shamaine na nagpupunas rin ng luha. Nagpalinga-linga ako. Siya lang ang narito?

"Anak.." biglang baling sakin ni Mama. Napatingin tuloy silang lahat saakin.

"Marionne." sambit ni Tita Shamaine.

Nag-iwas ako ng tingin. "Ano hong ginagawa nyo rito?"

"Marionne... I was just explaining what happen many years ago." sabi nito sabay punas nanaman ng luha. I should felt guilt and pity at the same time pero hindi ko magawa. Hindi ako makaramdam ng kahit ano.

"Umalis na po kayo Mrs. Monteverde" sabi ko. Hindi ko kayang harapin ang kahit sino sa pamilya nila.

"Iha, makinig ka naman.. I'm not doing this for the sake of the innocence of what Bradd did to your father. I know, kasalanan namin na hindi kayo natulungan noong panahong naasidente ang Papa mo. Sa maniwala kayo't sa hindi, hinanap namin ang pamilya ng nabangga ng asawa ko.. It's just that, we don't really put so much effort para mahanap kayo...." suminghap siya "We are fixing a lot of problems that time-..."

"Umalis na po kayo. Wala akong oras makinig sa paliwanag nyo" putol ko sa sasabihin niya.

"Marionne!." suway ni Mama sa inasal ko.

Hindi ako pinalaking bastos but I can't help it. Wala talaga akong balak makinig sa mga paliwanag nila.

"Bakit ngayon lang kayo nagpapaliwanag? Matagal na akong kilala ng anak nyo. Bakit hindi man lang niya nagawang sabihin saakin ang lahat ng sinasabi niyo ngayon." malamig kong tugon. Natitimpi lamang ako dahil anumang oras ay bibigay nanaman ako.

Suminghap si Tita Shamaine. "Walang alam si Brayden sa nangyare sa papa mo. It turned out that he only knew it several months ago. Wala siyang alam na ang pamilya mo iyon, Marionne. Nahihirapan rin ang anak ko.." nagpunas siya ng luha sa mata. "Hindi niya magawang sabihin sayo iyon dahil natatakot siyang mawala ka ulit sakanya..."

"At mas pipiliin nalang niyang itago ang nalalaman niya? At kayo? Bakit hindi niyo man lang itinuloy ang paghahanap sa pamilya namin? It's been so many damn years after that accident! Can't you see that Madame? Tumanda nalang ang batang naiwan ng taong napatay ng pamilya nyo." hindi ko na napigilan ang sarili ko at naluha na ako. Its just that, ang hirap lang talaga sa dibdib. Its been years. Ilang taon kaming nangulila sa kalinga ng ama knowing that nasa paligid lang pala ang may kagagawan ng pagkamatay niya. Hindi lang nasa paligid, umikot pa sa mundo ko.

"Hindi ganoon iyon, iha... Patawarin mo kami..." napaiyak si Tita Shamaine.

Hindi ko alam kung maaawa ako sa kaharap ko ngayon. Wala akong maramdaman kundi puot sa ginawa nila sa Papa ko at sa pagbabalewala nila sa nagawa nilang kasalanan.

"Umalis napo kayo Mrs. Monteverde..." sabi ko sabay pahid sa luha ko.

"Iha, mag-usap tayo. Hindi ko pa naipapaliwanag ang panig namin" sabi niya.

Tumayo ako at inilahad ang pinto.

"Umalis na po kayo... Magkita nalang tayo....

........Sa korte"

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon