(Jesserie's Point of View)
Hindi parin ako makapaniwalang ganun ko lang kadaling natapos ang aking misyon.,
Sa kabila nang ito ay ang kaunaunahan sa hunters black list.. siniswerte lang siguro talaga kami ni Miden.
Kumusta na kaya si Jemi nagawa na kaya nya ang kanyang misyon?...,
Sana naman may mangyaring milagro at pawang walang nangyaring masama sa kanilang dalawa.
Alin man sa kanila ay malapit sa akin at ayaw kong mawala..,
Subalit dahil isa kaming Hunter kailangan naming gawin ang aming sinumpaang tungkolin.
Umaasa na lamang ako na may ibang mangyari at maging maayos lang ang lahat.
....magiging maayos din ang lahat malakas ang kutob ko.
Kahit papaanoy kilala ko ang aking kapatid, palagi syang nakakalusot sa ano mang manganib.
Nagugulohan nga ako noon kung magaling ba sya o swerte lang talaga .,
Hindi naman kasi sya nagpapamalas ng galing sa kanyang mga laban subalit napagtatagumpayan nya ang mga ito..
..............
Nakikita ko parin ang kanyang mga ngiti na nagbibigay sa akin ng pagasa tuwing kami ay malalagay sa panganib..
......"Wag kang mag-alala Jessy magiging maayos din ang lahat" yan lagi ang sinasabi nya.. at sinasabi nya ito ng nakangiti kahit may masakit syang nararamdaman.
.................
Sumali sya sa Death Guards para matustusan ang aming pangangailangan, sya na ang tumayong pangalawang magulang ko matapos pumanaw ang aming mga magulang..
Lingid sa kaalaman ng aking kapatid sumali ako sa Hunters Guild para ipaghiganti ang aming mga magulang sampu ng mga mamamayan ng Unides sa kamay mala-demonyong mamamaslang...kitangkita ng mga mata ko mula sa butas ng aming pinagtataguan ng paslangin nya ang aming mga magulang.
Kung malalaman ko lang ang tunay nyang kataohan ay agad kong mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng aming mga magulang at ng mga mamamayan ng Unides,..
(Ang magkapatid na Puentes ay ang dalawang nakaligtas sa malagim na trahedyang sinapit ng bario Unides. Pinapasok sila ng kanilang magulang sa loob ng isang tukador bago pa dumating ang mamamaslang. Matapos ang trahedya nakita silang pagalagala sa lansangan ng bario, sila ay kinupkop ng magasawang walang anak na naninirahan sa kabilang bario na sakop din ng dating Fuertevil kingdom, Ang mag-asawang kumopkop sa kanila ay kasapi sa mga rebeldeng kumakalaban sa Emperio at sa kasamaang palad sila ay napaslang sa isang labanan. Dahil sa sila na lamang ang natira si Jess na ang tumayong parang magulang at napilitan syang sumali sa Death Guards para matustusan ang kanilang pangangailangan. Dahil narin sa dugo nyang Ancient madali lang syang nakapasok sa Death Guards. Iniwan nya si Jesserie sa isang kaibigan, subalit lingid sa kaalaman ni Jess si Jesserie ay naglalayong ipaghigante ang sinapit ng kanilang mga magulang, at sya ay umalis upang sumali sa Hunters Guild. Sa kanyang murang edad ay tinanggap sya sa Hunters guild dahil narin sa kanyang natatanging kakayahan. Ang mga pangyayari sa kanilang buhay ay unti-unting malalahad sa pagpapatuloy ng ating kwento)
Hays.., wala naman magagawa ang aking pagaalala ..,
Aantayin ko nalang si Jemi dun sa napagusapan naming lugar bago kami bumalik sa Hinpilan ng Hunters Guild.,
"Tayo na miden..."
..........................
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...