"Five years na tayo babe...five years na nagmamahalan. May mga tampuhan at mga childish fights tayo noon pero nalagpasan natin, siguro ganito tayo kalakas, tayo nga para sa isa't isa. Hinintay ko 'tong mag 18 ka. At ngayon, legal ka na, gusto na kitang maging akin at magiging saksi ang Diyos sa ating pag iisa. Di man mahaba itong speech ko o di man ito nakapag-iyak sa'yo, buong puso ko naman 'tong sinasabi." Sabi ni Troy, "Femile Kaye Villanueva, would you like to be a Lopez and be my wife?" Lumuhod siya sa harap niya, "Kaye...will you marry me?"
Eto na talaga. Eto na. Ikakasal na siya sa kanya. Wala na akong pag asa. Ang hina mo kasi, James. Ayan tuloy. Useless ang paghihintay mo! Walong taon kang naghintay pero anong napala mo?
WALA!
Ang torpe mo kasi.
Masakit makita ang mahal mong may mahal ng iba. Ang masakit pa don, wala ka ng magagawa. Sila talaga para sa isa't isa.
Kung storya ni Spongebob at ni Patrick 'to, ako si Plankton. Sa love story ni Gerald at ni Kim, ako si Maja. Sa pagmamahalan nina Sasuke at Sakura, ako si Naruto.
Ako lang naman ang dakilang kontrabida sa pagmamahalan ni Kaye at Troy.
Ako lang naman si James Lopez at pinsan ko si Troy, ang dakilang boyfriend ng bestfriend ko. Nagkakilala sila dahil sa'kin. Naging sila dahil sa akin tapos wala akong napala.
Nasa harapan ko na ang babaeng mahal na mahal na mahal ko sa balat ng mundo. Masaya, nakangiti. 18th birthday niya ngayon, legal na siya. Magpapakasal na sila ni Troy. Ang bata pa niya pero five years na din sila ni Troy. Nakapagpaalam na din siya sa mga magulang ni Kaye at pumayag naman sila.
Ang hirap pala pag nahulog ka sa bestfriend mo no? Kailangan talagang nasa tamang lugar ka.
Ang hirap din mag mahal at magselos na patago, kailangan masasaktan ka din ng patago.
Eto ako ngayon, ngumiti kahit nasasaktan na sa loob. Gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng magwala. Hadlangan ang relasyon nila. Masamang pinsan na pero sana namatay na lang si Troy.
Manloloko siya eh.
May secret lover siya.
Niloloko niya si Kaye.
Gusto ko mang sabihin kay Kaye pero alam kong hindi siya maniniwala sa'kin. Ano ba ako sa buhay niya?
Bestfriend lang naman, diba?
At mahal na mahal niya din si Troy kaya wala ako sa lugar para pagbintangan siya, pero kitang kita ng dalawang mga mata ko, mamatay pa man ako, may kasama siyang babae at pumasok pa sila sa isang cheap motel.
"YES TROY! Yes," halos mangiyak-iyak na sigaw ni Kaye. Buti pa sila, masaya, "mahal na mahal kita Troy."
Double kill.
Durog na durog na talaga ang puso ko.
"James! Speech mo na. Bilisan mo." Sabi ni Brian, isa sa mga katropa ko na kaibigan din ni Kaye.
Dahan dahan akong tumayo. Lahat ng tao nakatingin sa akin. Umalis si Troy sa stage at ako naman ang pumalit.
Hinawakan ko ang mikropono, my hands shaking.
Nag dadalawang isip pa ako kung magbibigay ba ako ng speech o ano. Wala na kasi akong maisip. Yung plano kong sabihin sa kanya nabura na sa isip ko.
Ang nasa isip ko lang talaga is ikakasal na si Kaye at di ako yung groom.
Ikakasal na si Kaye at di ako yung groom.
Ikakasal na si Kaye at di ako yung groom.
Ikakasal na si Kaye at di ako yung groom.