Naisipan kong magpunta ng Book Store para bumili ng cook book. Nagkaka-interes na kasi ako sa idea ng pagluluto eh, at para na rin na tantanan na ako ni Ayi sa kakadikit niya. Paano ba naman, bawat kilos ko na lang lagi niyang napapansin. Madalas pa din kasi ako magkamali kaya naman nakabantay pa din siya sa akin. Atleast pag natuto na ako, wala na siyang dahilan para bantayan ako diba?
Busy ako sa paghahanap ng libro ng biglang pumukaw sa aking pansin yung babaeng nakaupo sa may dulong table.
Nakalugay ang kaniyang buhok, nakasuot ng salamin at naka-suot ng simpleng dress. Simple lang naman talaga siyang tignan, pero nagawa pa din niyang maagaw ang pansin ko.
I was about to approach her when suddenly, biglang may lumapit na lalaki sa kaniya. And these stupid foot, biglang ayaw na lang gumalaw! Instead, nagtago ako sa katabing shelf and nakinig sa usapan nila.
"Pagkain pa din ba ang iniisip mo hangang ngayon, Chrys?" tanong nung matabang lalaki na lumapit sa kaniya, aka 'Enormous Ex'.
"Para sa club 'to," maiksing sagot ni Alyssa, aka 'Fluffy'.
"Club? Sumali ka sa Food Chronicles Club?" may disbelief sa boses ni Enormous Ex. "Alam mo namang iniiwasan ng mga tao na salihan yang club na iyan dahil ayaw nilang tumaba diba? Tapos naisipan mo pang sumali sa kanila? Ano na lang mangyayari sa iyo niyan?!"
Eh siraulo pala siya eh! Arte niya! Akala mo naman hindi mataba! Pwe.
"Alam mo naman na passion ko ang pagbebake kaya ako sumali doon..." Medyo humina yung boses ni Fluffy.
"Paano ka na lang magkakaroon ng boyfriend niyan kung hindi ka magbabawas ng timbang? Tapos yung sinalihan mo pang club eh puro pa pagkain ang activity. Bakit hindi mo ko tularan? Nagsisimula na akong mag-Healthy Living." Proud pa nitong sinabi. Sus, akala mo naman din may concern siya kay Al. If I know, concern lang siya masyado sa physical aspects niya and sa opinion ng mga ibang tao eh. At isa pa, mukha namang walang nagbago sa katawan niya mula nung huli ko siyang nakita. Kung makapagyabang naman ito.
Tahimik lang si Al at nakatungo lamang ito sa librong binabasa. Mayamaya ay biglang napansin ko ang pag-curl ng labi niya. Mukha siyang maiiyak... na naman.
"Carlo, wala ba talagang chance na magkabali-"
"Ui Al! Nandito ka pala! Kanina ka pa ba dito?" SHET. BAKIT AKO BIGLANG LUMABAS SA PINAGTATAGUAN KO?!
Nakita ko ang biglang paglaki ng mga mata ni Al. Sobrang gulat siya! Hindi niya siguro aakalaing magkikita kami dito.
"Re-Reo! Bakit ka nandito?" mautal-utal nitong tanong. Medyo teary eyed pa din siya mula doon sa paguusap nila ni Enormous Ex.
"Eh? Diba may usapan tayo kahapon na magkikita tayo ngayon?" grabe, sobrang random ng mga sinasabi ko!
"Eh? Wala ka-"
Bago pa niya ako ilaglag, agad ko siyang inakbayan at ngumiti ako sa lalaking kausap niya. Ah, ah... ito pala ang mukha ng lalaking nagpaiyak kay Fluffy. Hmm. Mas gwapo pa din ako sa kaniya!
Nagpangap akong hindi ko kilala yung lalaking kaharap ko at nagtanong kay Fluffy.
"Sino siya, Al?"
"Uhh.. siya si Carlo."
"Hi Carlo! Nice meeting you! Ako nga pala si Reo. Reo Veracruz," naglahad ako ng kamay para makipag-handshake sa kaniya. Kinuha naman ito ni Enormous Ex at nakipag-handshake din siya sa akin.
"Kilala kita. Reo Patrick Veracruz, first year from College of Engineering, and classmate ka ni Chrys." Wow, akalain mong kilala pala ako ni Enormous Ex. Ganun ba ako kasikat? O_O
"Uhh. Yup. Mukhang seryoso ang paguusap niyo ah. Naka-istorbo ba ako?"
"Actually, I was about to go. Chrys, it was fancy seeing you here. Let's catch up soon okay? Bye!" ayun, umalis na din si Enormous Ex! Nakakatawa dahil habang naglalakad siya, nagbobounce siya. Siya pa talaga ang may lakas ng loob na makipag-break kay Al, no?
Tumingin ako kay Al at nabigla ako ng nakita kong nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin. Naku po, nagalit ko na naman si Fluffy!
"Nakakainis ka! Wrong timing naman dating mo eh!" pasinghal nitong sinabi sa akin.
"Ay, so naistorbo ko pala kayong dalawa? Pero mukhang nagmamadaling umalis yung Ex mo eh."
Biglang natigilan si Al dahil sa sinabi ko. After 15 seconds, saka lang siya ulit naka-recover. Mukhang naalala na niya yung nangyari.
Biglang namutla si Al. "Ack, naalala ko na! Ikaw yung pumasok sa classroom noon para kunin yung notebook. Ibig sabihin.. narinig mo lahat ng pinagusapan namin?!"
"Actually, hindi ko naman sinasadyang marinig ang lahat."
"LAHAT?! LAHAT NARINIG MO?!"
"Yup. Mula simula, hanggang kadulu-duluhan."
"Shit." Bigla siyang napaupo at napasapo sa kaniyang ulo. "Kaya pala.. kaya pala lagi mo ako pinagtitripan dahil doon sa nangyari!"
"Yes and No." sagot ko dito. "'Yes' dahil naiintriga ako kung anong nakita mo doon sa Ex boyfriend mong iniwan ka sa mababaw na dahilan para iyakan mo siya. And 'No' dahil hindi ko trip ang mantrip ng babae. Mang-asar pwede pa." sabay kindat ko sa kaniya. Masama pa din kung makatingin sa akin si Al.
Hanggang ngayon ay tahimik pa din siya. Ayoko naman kulitin kasi baka biglang mag-berserk yung tao. And medyo emotionally unstable pa siya dahil nakita niya ngayon si Enormous Ex.
Nagpangap na lang ako na nagbabsa ng libro, pero sa totoo lang lihim akong sumusulyap kay Al. Mahirap na at mamaya biglang maglabas yun ng cutter at mag-laslas.
*GURUGURURURU~~*
Amp. Ngayon pa ako inatake ng gutom! Tumingin ako sa watch ko and crap, mag-1pm na pala. Nawala sa isip ko kumain ng lunch! Ughh.
"Hey Al, nagugutom na ako." Yaya ko dito kay Emotionless Fluffy girl.
From emotionless, nagkaroon bigla ng expression sa mukha ni Al. "How many times do I have to tell you to stop calling me 'Al'?"
Mas okay na yung galit siya, kesa emotionless. Napansin ko kasi na simula ng mag-break sila ni Enormous Ex, napapadalas ang pagiging emotionless ni Al. Gusto ko siyang tulungan ibalik sa dati. Kaya kung maaari, mas okay na ang nagagalit siya sa akin, atleast nagpapakita siya ng emotions. Kesa naman sa tahimik lang siya, pero emotionless. Parang robot lang!
"Okay, ayaw mo ng Al. Fine." Tumayo ako at nagsimulang mag-ayos ng gamit. Kinuha ko ang bag ko at lumapit kay Al. "'Pillows' na lang ang itatawag ko sayo! Mas cute and bagay sayo. Tara na Pillows!"
"Pil-what?!"
Bago pa makapalag si Al, hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at hinatak palabas ng Book Store.
"Saan tayo pupunta?!"
"Anywhere basta may food!"
"Pero wala akong-"
"No worries sa date na ito, sagot ko lahat! Ihagatid na din kita sa bahay niyo after."
"Da- date?!" halos sumakit ang tenga ko dahil sa pagkakasigaw ni Al. Grabe, hindi ko aakalaing malakas pala boses niya pag nasigaw. Ang tahimik lang kasi sa classroom eh. Parang di makabasag-pingan!
"Yup! First date mo after sa breakup niyo. Let's reset everything. But this time, let's do a 'fresh' restart by dating me."
"Ha?! Wa- wait!"
"Tara na, gutom na ako!!!"
Nilakad namin ang kabuuhan ng mall habang hawak hawak ko ang kaniyang kamay. Ang sarap hawakan ng kamay niya. Maliit, pero malambot.. at ang warm din. Paikot-ikot lang kami sa mall habang magkahawak ang mga kamay namin. At kung saan man kami dalhin ng mga paa namin, who cares. What's important is makakain na kami...
At kasama ko si Al.
BINABASA MO ANG
Finders Keepers
Teen FictionIniwan. Umiyak. Nawasak. Nasaktan. Tinulungan. Sinamahan. Bumangon. Naka-move on. At kung kailan naman nagawa ka na niyang kalimutan, saka ka naman bumabalik sa buhay niya para guluhin ulit ang puso niyang nananahimik. Finders keepers. What's mine...