Interview with a killer

377 11 2
                                    

Chapter 1: Psycho

“Bakit mo naman pinatay? Kala ko ba syota mo?” malumanay kong tanong sa mental patient na’to. Nasa loob kami ng puting kwarto na may isang mesang metal at dalawang upuan; magkaharap kami ngayon. Oras na ng pagpapainom ng gamot sa kanya. Buong ingat  ako sa galaw ko sakaling sumpungin ito sa utak sa mga maselang kong itatanong. Alam kong ipinagbabawal saming mga assistant na tulad ko ang makialam sa ganitong bagay. Pero dahil sa usap-usapan tungkol sa pasyenteng ito, gusto kong marinig sa kanya ng personal ang kahayupang nagawa nyang pagkitil ng buhay. Sobra daw brutal at yun ang  gustong-gusto kong malaman. Hindi naman na  bago sakin ang makipag-usap sa mga baliw. Chineck ko yung record nya kanina.

Vaughn Leoncio, 23, suffering from a Dissociative Identity Disorder, a psychological illness that involves having 2 or more personalities that can control or dominate the behavior of a person.

Kung ganun, kaka-23 palang nya mula ng ipasok siya last week dito sa mental.

“Ulol ka ba? Sinabi ng si Toto ang pumatay! Ilang beses ko bang uulitin? Kahapon ka pa ah!” inihampas nya ang dalawa nyang kamay sa mesa at nanlaki ang mga mata nito. Napadiin ako sa hawak kong syringe sa bulsa ko, muntik ko na itong ilabas. Sakali kasing magwala siya, ituturok ko ang tranquilizer sa kanya.Magaspang ang kilos nya kaya dito sya nilagay sa isolated room. Ngayon ko palang talaga sya nakaharap pero ang sabi nya ‘kahapon pa ah’. Baliw nga.Malamang ang ‘Toto’ na tinutukoy nya ay ang isa pa nyang personality na pumatay sa biktima.

“Easy. Pare, kaibigan mo’ko. Ako ang doktor mo, nakalimutan mo na ba?” pagpapanggap ko.Tumayo ako at tinapik siya sa magkabilang balikat para paupuin. Alam kong kumakalma lang ang katulad nya pag sinabi namin ang salitang ‘doktor’since sila ang unang nakakaharap nito.

“Ulul mo gago! Hindi ka doktor! Dami mong alam, pasyente ka dito! Baliw!” pinipigil ko ang tawa ko sa mga sagot nya. Aakalain mo lang nakikipag-usap ako sa mga tropa ko. Nawala tuloy ako sa konsentrasyon sa pagtatanong tungkol sa pagpatay nyang nagawa. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok at nagbukas.

“Stryde! Gago ka pare, bawal yan! Dalian mo na dyan!” paalala ni Zach, kasamahan ko ring assistant. Pareho kaming mag-iisang taon pa lamang.

“Sandali lang ‘to pre! Look out ka lang! Sige na labas na!” tulak ko sa kanya.

“Sesante ka na talaga bukas!” natatawang sabi ni Zach.

“Ulol.” sabi ko. Sinara ko na yung pinto at bumalik sa upuan.

“Nagkalat na talaga mga pasyenteng baliw. Ano bang kailangan nun?” singhal ni Vaughn. Parang tanong lang ng normal na tao.

“Ah wala yun, bumibili lang ng yelo. Matanong nga pala kita pre, magkaibigan naman tayo di ba? Sino kamo yung pinatay nung Toto?” tanong ko.

“Si Sydney. Yung taksil kong syota.” pagdidiin ni Vaughn.

“Kung hindi lang sya nag-gago, hindi magagalit si Toto ng ganun sa kanya. Kumpare ko yun eh! Solid sakin yun tol. Yun lang naman nagtatanggol sakin simula pa elementary.” Elementary? Kung ganun, matagal na pala niyang dinaranas ang sakit.

“Naging totoo ako kay Sydney pero hindi ko akalaing magagawa niya yun. May kalampungang iba sa sarili pa naming apartment!  Anak talaga ng puta!” ibinalibag niyang muli ang mga palad niya sa mesa. Galit na galit siya. Malamang nagdilim ang paningin nya at nag-anyong si ‘Toto’ kaya niya ito napatay. Pero may iba pa kong narinig, may dinukot daw siyang 2-month old fetus sa matris mismo ng biktima at paulit-ulit daw na pinagsisigawan niya na ‘Sukang-suka na’ko maging anak sa labas ngayon malalaman kong buntis ka at may kalampungan iba?’

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost Stories (One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon