Ephemeris Entry #225

6 0 1
                                    

Nagmamadali akong bumalik sa school.

"Anak ng patis! Nakalimutan ko pa kasi."

Ngayon pala ang huling bayaran ng tuition. Hindi ako college student. Working na ko at Masteral na ang kinukuha ko.

Pag dating ko sa lobby ng school nakita kong ang haba ng pila sa cashier.

"Tinapa talaga.."

Kung naalala ko lang sana ng mas maaga di ko na kailangang pumila at makipagsabayan sa mga estudyante ng university sa pag'eenroll.

Sobrang alinsangan ng panahon. Tagaktak na yung pawis ko. Ang bagal ng usad ng pila.

Nakatingin ako sa harapan ng pila nang maisipan kong lumingon sa dulo ng pila.

Hala ka.

May nakita akong lalaki. Nakatingin ba sya sakin?

Ibinalik ko yung tingin ko sa harap.

Parang may nakatingin sakin eh.

Lumingon ulit ako sa likod.
Pambihira! Nakatingin pa rin.

"Sa akin ba talaga nakatingin o lutang lang sya?" Bulong ko sa sarili ko.

Umusad ang pila.

Lumingon ulit ako. Nakipagtitigan.

Goosebump?!

"Kamote.." pilit ko pinapahinahon ang puso ko, nagulat lang ako...

Nakapag'decide na ko.

Pag lumingon ulit ako, ngingitian ko na sya.

Umusad ang pila.

Inayos ko ang buhok ko.

Niready ko ang million- dollar-megawatt-smile ko.

1.. 2.. 3..

Lingon.

Pero, nalusaw yung million-dollar-megawatt-smile ko. Yung buhok ko nagulo lang.

Pinilit ko syang hanapin sa pwesto nya sa pila.

Pero ...

Wala eh.

Wala na sya.

"Miss, umusad na yung pila."

Napilitan ako humarap sa pila at maglakad.

Natapos na ako sa pagbabayad pero hindi ko na talaga sya nakita.

"Sayang."

Naglakad na ko palabas ng lobby.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid ko. Baka kasi makita ko pa sya.

Bigo nga lang. Wala eh. Hindi ko na makita.

Naglalakad na ko palabas ng gate ng school. Napansin ko lumamig ang simoy ng hangin at dumidilim ang langit.

Pasimple kong binilisan ang lakad ko, ang laki naman kasi ng university na ito kahit lakihan ko yung lakad ko malayo pa rin ako sa gate.

Kasabay ng pagmamadali ko ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan.

"Haaaay ! Bakla talaga ang panahon. Kanina napaka init ngayon naman ang lakas ng ulan."

Dahil basa na rin ako ay hindi na ako nag-effort na tumakbo pa at sumilong agad. Habang nagtatakbuhan na parang daga ang mga tao sa paligid ko ay eto ako, petiks na naglalakad. May mga tumitingin sakin, iniisip siguro nila baliw na ko

hah!

Feeling model ako sa paglalakad. Sarap kumanta Heto ako oooh! Basang basa sa ulaaaan!

Nakisilong na ko sa isang saradong building kasama ang mangilan ngilang nakikisilong din.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan.

Sa kaliwa ko may mga naglalandiang mag syota.

"Ohh.. honey baby I loves you so much so much."
"Awww ang sweet talaga ng honey my loves so sweet ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OVERMORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon