Prologue

37 1 0
                                    

Makikita ang mga mag-aaral na tila humahangos papunta sa kanilang paaralan. Dali-daling umaakyat ng hagdan, bawat isa ay tila natatarantang inihahanda ang kanilang mga sarili. Isa-isa, sunod sunod at maayos na humanay ang bawat estudyante sa harap ng groto at inilabas ang kanilang sandata para sa araw na iyon. Ang Rosary. Binalot paaralan ng tila mga bubuyog na bumubulong, tila taimtim at taos pusong nagdarasal ang mga estudyante. Sila ang mga mag-aaral ng Abraham Academy. Isang institusyon na kilala sa probinsiya ng Quezon. Bawat tao ay humahanga sa mga bagay na konektado sa paaralan. Mahigpit ang pagdidisiplina sa mga estudyante. Maraming mga batas na ipinapatupad, bawal dito bawal doon, bwal nito bawal niyan, Ang sino mang bumali o sumuway sa mga batas ay may katapat na kaparusahan. Curfew hours starting at 7pm. Sa ganitong oras ay pamihadong nagkalat na ang faculty ng nasabing paaralan, walang student nito ang makikita sa sentro o kahit saang lugar sa bayan maliban na lamang kung may kasamang magulang o guardian.


Ilan lang ito sa mga paraan na ginagawa ng eskwelahan upang disiplinahin ang mga mag-aaral. Kung kaya't maraming mga magulang ang natutuwang papasukin ang kanilang mga anak rito. Ngunit sa kabila ng magagandang intensyon namumuo parin sa isipan ng mga mag-aaral ang mga sinaling kwentong galing sa mga alumni/alumnae ng Abraham Academy. Tungkol sa mga batas, pati narin ang mga prohibited areas ng paaralan. Mga namatay na studyante noon. Nagbigti. Pinatay. Nahulog sa building. Mga mag-aaral na nakatanggap ng kakaibang mga kaparusahan sanhi ng kanilang pagkawala at ang kwento tungkol sa Black Rosary na ikinamatay ng daan daang estudyante noong taong 1951.


Anong kwento ang nakapaloob sa nasabing Black Rosary? Ito ba'y totoo o haka haka lamang?
May posibilidad bang maulit muli ang nangyari sa nakaraan o mananatili na lamang itong nakabaon sa ilalim ng hukay....


Black RosaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon