MNGO-14.2

10.5K 287 11
                                    

MNGO-14.2

Bumuntong-hininga ako at isinara ang libro sa aking harap. Tumingin ako sa wall clock na nagsasabing pasado alas tres na pala ng umaga. Halos pitong oras rin pala akong nagsusunog ng kilay. Bumuntong-hininga ulit ako at kinuha sa aking bulsa ang cellphone. Nakunot ang aking noon g makitang may text doon si Nanay.

"May maganda akong balita sa iyo, Andrea. Natanggap ang ate mo sa kumpanyang in-apply-an niya."

Napalunok ako sa aking nabasa. I know I should be happy about the news pero di ko magawang maging masaya. I really hate it when I heard something about my sister. My oh-so-perfect-sister. Kaya inis kong ibinagsak ang luma kong cellphone sa mesa at tumayo sa aking kinauupuan. Umupo ako sa gilid ng kama at hinubad ang salamin sa mata bago humiga. I stared at the ceiling and I found myself crying. Just one message ruined my mood. Alam kong hindi ako dapat makadama ng ganito. Dapat nga maging masaya ako dahil may trabaho na ang ate ko pero di ko magawa. Dahil kung ano ang tingin ko kay Trivy ay siya ring tingin ko sa ate ko.

Karibal. Kakumpetensya.

Tumagilid ako at niyakap ang unan sa aking tabi. Kung lumaki lang sana ako sa isang normal na pamilya alam kong hindi ako magiging ganito. Sakim sa pagiging una. I grew up being the second best. I grew up being the second priority.

I was never the first.

Siguro dahil ampon lang ako ng kinikilala kong pamilya. At dahil sa isa lang akong ampon kaya hindi buo ang pansin na binibigay nila sa akin. I wanted to be the first priority. Gusto kong ako ang unang pinupuri. Gusto kong ako ang unang nakikita sa isang kwarto. So I did my very best to become the top one in the class when I was in high school. I became the valedictorian. But it wasn't enough. Dahil kung matalino ako, mas matalino ang ate ko. Ang totoong anak nina nanay. Masama na kung masama pero naiinggit ako sa kanya. Kasi hindi lang siya matalino. May totoong pamilya rin siya. That made me envy her more. Alam kong masama ang maiinggit at magselos—sa tuwing pinupuri siya—pero di ko mapigilan ang sarili ko na makadama ng ganon. And I hate myself for that.

Kaya nong tumuntong ako ng college ay nagdesisyon akong mag-aral sa malayo kahit may malapit namang university sa lugar namin. I wanted to get away from them, sa ate ko. Ayokong nag-aaral ng college na nakikita ko siya. She's a distraction. At ayaw ko ng ganon. So I went away and studied here. At first, I was the top one in the Dean's List pero biglang may dumating na Trivy Fuentes at sinira lahat ng pangarap ko. And the rest is history.

Sa lalim ng iniisip ko ay di ko namalayan na nilamon na pala akong antok. Buti na lang kinabukasan ay maaga akong nagising. Ramdam ko parin ang bigat sa aking loob pero di ko na lang iyon pinansin. Pumasok akong tulala kahit alam kong ngayong araw ang long quiz sa isa kong major subject. Umupo ako ako sa aking upuan at bumuntong-hininga. I roamed my eyes around the classroom. Konti pa lang ang mga studyante sa loob at lahat sila ay abala sa pag-aaral para sa long quiz. Tumingin ako sa harap. Buti na lang tapos ko nang inaral lahat noong isang linggo pa at kagabi kaya di na ako naka-cramming.

Napatingin ako sa pinto ng biglang umingay. Pumasok sina Tia at ang mga barkada niya at huling pumasok si Trivy. Our eyes met but I'm the one who averted my eyes first. Wala sa plano ko ngayong araw ang tumingin sa kanya at makipag-usap. Baka kasi mabunton ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Dumaan siya sa tabi ko pero di ko siya tiningnan. I just stared at the white board and think nothing until our instructor came and started the long quiz. Nabigay siya ng sampung equation para sagutan namin sa loob ng dalawang oras. Pero isang oras pa lang ay nag-pass na ako at lumabas ng classroom. I went straight to the canteen and ordered food. Di naman ako gutom pero kailangan kong may gawin. I don't want to spend my vacant time thinking about my sister, Trivy and anything that bothers me.

Ilang oras akong nanatili sa canteen hanggang sa mag-ring ang bell para sa lunch break. Unti-unting napupuno ang canteen at umiingay. Napatingin ako sa aking harapan ng biglang umingay ang upuan. I saw Trivy sitting in front of me with a worried expression.

"M-May problema ba?", nag-aalala niyang tanong sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin. Napaigtad ako sa aking kinauupuan ng hawakan niya ang aking kamay. Agad ko iyong binawi and I swear I saw his pained expression. Huli na para bawiin ko ang ginawa ko. "Andrea..."

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. I can read his confusion in his eyes. I chewed my lower lip. I sighed. "I-I'm sorry. May nangyari lang kasi. Pero okay lang ako.", I gave him a faint smile to convince him that I'm okay. Iyon naman talaga siguro ang gamit ng ngiti. Ang pagtakpan ang sakit na nararamdaman mo.

Bumuntong-hininga siya bago ulit hinawakan ang kamay ko. He squeezed it gently and gave me a bright smile. Napangiti na rin ako. "Kung may problema ka man you can always tell me, Andrea.", mahinahon nyang sabi at pinisil ulit ang aking kamay. Napatingin ako don. Somehow, his hand eases the heaviness I feel inside. Muli akong tumingin sa mukha ng aking kaharap. "I am your friend, Andrea.", nakangiti niyang sabi. "I can be your boyfriend if you want.", then he laughed.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Marahil napansin niya ang reaksyon ko kaya tumigil siya sa pagtawa at sumeryoso. He cleared his throat and he looked away. Pulang-pula ang kanyang mukha abot hanggang tenga. "I'm just kidding.", aniya na di makatingin sa akin.

It's my turn to laugh.

**

HAPPY HALLOWEEN!!! 

Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon