I Love You Dude!

635 15 19
                                    

Bakit parang ayaw niya sa akin magparamdam? May mali ba akong nagawa sa kanya? Dude humanda ka sa akin.

Im on my way to Khael’s house. Kinakailangan ko na talagang sugurin siya. Malalaman ko na kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaking iyon.

“KHAEL! KHAEL! KHAEL! KHAEL!” ayos din to. Balak niya ata pamulahin ang kamay ko sa kakatok at mapaos sa kasigaw.

“Hija ikaw pala iyan.” Thank you tita at nilabas mo ako.

“Tita si Khael po?”

“Pasensya na wala siya dito. Kakaalis lang kasama ang mga kaklase niya.”

“Ganun po ba? Pakisabi nalang po na pumunta ako. Sige po una na po ako.”

“Ingat ka hija”

AAAHHHHHH!! Yung lalaking iyon bwiset siya. Pahirapan daw ba ako? Saan naman kaya sila pumunta? Iniwasan niya ba ako? Si Khael Rio Villa lang naman siya ang aking dakilang BESTFRIEND na nagpapanggap na boyfriend ko sa oras na naiisasalang ako sa mga blind date ni mommy for me. Isa pangnakakabadtrip ay hindi kami same ng school. He’s the basketball captain ng team nila. Member din siya ng isang banda.

And by the I’m Khrystel Camille Canlas the heiress of Canlas Corporation. Ang tawag sa akin ng karamihan ay Ms. Perfect dahil halos perpekto na ako. Kasalanan ko bang maging maganda, matalino, sexy, talented at masunuring anak.

Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na ako ng pond. Meron pala nito sa park.

“NAKAKAINIS KA! Alam mo pinipikon mo ako ng sobra. Pwede naman aminin na ayaw mo magpakita sa akin kesa pahirapan ako na hagilapin ka. Di mo ba Alam namimiss kita!”

Kumuha ako ng mga maliliit na bato at binato ang lawa.

[Claude POV]

"Huwag ka magalit jan sa lawa hindi makakaganti yan sayo" Hahaha may kaaway siguro ito.

"C-claude? What are you doing here?"

Hey guys the name is Claude Lester Petere. Classmate ni Camille at may-ari ng school na pinag-aaralan niya ngayon. I’m secretly inlove with her.

"May pinuntahan lang at nakita kita dito kaya lumapit na ako." Tinabihan ko siya sa kanyang kinauupuan.

"sino ba ang kaaway mo jan?" dagdag ko pa.

"Ako may kaaway? wala kaya trip ko lang to." liar! walang kaaway tssss.

"Sino ang niloko mo? Kung pwede lang masira ang lawa sa kakabato mo jan nangyari na iyon kanina pa. Tell me sinong kaaway mo camille?"

"Sinabi ngang wala diba"

"Si khael ba nanaman yan?"

"Paano naman na pasok sa usapan natin si khael?"

"Tanging ideyang iyon lang naman ang may posibilidad"

"NAKAKAINIS LANG SIYA!"

"Lumabas din ang totoo na siya nga ang dahilan."

"Feeling ko iniiwasan niya ako. Wala naman akong maalala na may ginawa akong mali sa kanya. Last time na magkasama kami ay walang problema at nag-enjoy pa.wala na siyang oras sa amin ngayon. May halaga pa ba ako sa kanya at mas mahalaga pa ang groupwork nila? Ano na lang ba ako sa kanya?"

"Kung ako si khael papahalagahan kita ng sobra camille."

"Thank you claude."

"Thank you para saan?"

"Thank you for being here. Kahit papaano nabawasan yung bigat na nararamdaman ko."

"Sabihin mo lang pagkailangan mo ako at darating ako ^__^"

I Love You Dude!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon