Pumasok ako ng school at nakasabay ko si Gil. Nagkwento nanaman sya about dun sa mga girls at tuwang tuwa daw sya ng mag respond yung crush nya sa twitter. Napaisip ako, "what if try ko ring maging active sa twitter at Facebook? Papansinin kaya ako ni Chloe" bulong ko sa sarili ko. "Wtf? Di pwede!! No girl for me!" Sabi ko sa sarili ko.
Break time namin, at ganun ulit kasama ko sila Gil at Vincent. Kwentuhan dito kwentuhan dun. Sa di inaasahang pangyayari ay nagtanong ako sa kanila "Tol, Meron akong gusto alam kong wala akong pagasa dun kahit na katiting lang pero gusto ko sya" Sabi ko sa kanila. Nagulat ako sa sinabi ko at kahit ma sila ay nagulat. "Holy crap! Tama ba narinig namin?" Sabi nila. At dahil di nako makakalusot eh umamin nako sa kanila. "Oo mga tol. Gusto ko na si Chloe!" Sabi ko sa kanila. "What the... Seryoso pre?" Tanong ng dalawa na gulat na gulat. "Ano bang dapat kong gawin para mapansin nya ko?" Sa tanong na yun nagumpisa ang magulo at malapanaginip kong love life.