"Ellie, anong song yung kakantahin natin dito?" tanong ko.
"Ahh.. Siguro yung... ummm... eto!!" sagot niya sa'kin.
"Nice pick! Sige Els, pagtapos nating kumain, mag---"
"LEAH!!"
Ay nakngtinapa naman!! =___=""
"I missed youuu!!" sabi niya habang yakap yakap ako.
"Haay! S-Shin! Ano be! Nag-usap naman tayo kanina ah? Anong kelangan mo? Dun ka na lang muna kela Kuya mo..=_= " taboy ko sa kanya.. Nagiging linta na 'to ah..
"Eto naman.. Di na malambing.. Busy sila Kuya Sean dun sa kantang sinulat ko para sa performance sa vocal class nila, kaya.. DITO MUNA AKO ^___^ Ok lang, bestfriend Leah? Elliebabes? :)) "
"Aba! Okey na okey Shin!!" at nag-OK sign pa ang bruha... =___=
Nga pala, ako si Leah Marie Angeles, 16 years old at nag-aaral sa M.A.H.S. At itong makulit na boylet na 'to, siya si Shinichi dela Cruz, nag-iisang boy bestfriend ko at younger brother siya ni Sean. Tapos ang magandang nilalang na kausap ko kani-kanina lang ay si Ellie Santos, bff ko..
Nasa canteen kami ngayon at pinag-uusapan namin ni Ellie kung anong song ang ipepresent namin para sa audition sa Friday. Okay na sana kaso biglang sumulpot 'tong mushroom na 'to.. Laking abala talaga.. =___=
"No. Hindi pwede Shin. We're busy.. Maybe later okay? " cold as ice kong sagot sa kanya..
Napabitaw naman siya sa'kin at kinuha yung song list na hawak hawak ko. May binilugan siyang kanta.
"Iyan dapat ang kantahin niyo. Hindi ko nga mawari kung bakit kelangan niyo pang mag-audition e.. With the voices you gals have? Nako! Baka mapatumbling pa si Sir Nicco sa sobrang galing niyo." sabay inom ng shake ko..
Nakatingin lang ako kay Ellie.. Pano naman kase.. Kanina pa 'to nguso ng nguso sa katabi ko.. Sumbong ko 'to sa boypren niya e..=___=
Napatingin ako sa kanya.. And SHET!! Ang cute talaga netong mokong na itey.. Ay teka.. umm.. what I mean is... Ahh shoot!!! Nabuko na tuloy ako.=____= Oo. Tama ang mga hinala niyo. May "something" ako kay Shin ever since nung 1st year kami. Eh sakto, katropa namin nila Els yung kuya niya, kaya ding!! Nahulog ang loley niyo ^//^v
"Bunso!"
Nakita kong tumatakbo si Sean at Yano papunta sa table namin.
Tinuuan niya yung ulo ni Shin.. Eto namang si Ellie, kinindatan ni Yano,at todo kilig naman siya XD Kahit akey kinikilig sa kanila... Haaay.. Kalandian.. Bwahaha XD
"K-Kuya. Bakit? Istorbo ka naman ih =3= "
"Aba! Anong istorbo ka jan?! Bakit? Pinopormahan mo na naman ba si Leah ha? *grin*" sabay agaw ni Sean sa shake ko na hawak ni Shin.
"Gusto mong mamatay ng maaga Sean dela Cruz?!" death threat ko sa kanya..
Kinindatan lang ako ng loko.. Alam niya kasi na labs ko kapatid niya.. Tsismoso kasi 'to.. Eto namang kapatid niya.. Todo deny!! Pero the heck?! He's so dang CUTE :")
"O-oy!! Hindi kaya! T-tsaka kuya, bakit ba?!" iritang sagot ni Shin..
"Eh kasi yung sulat mo... Hindi namin maintindihan.. Help naman bunso?"
Tumango at nag-okay sign lang siya..
Nagbabay siya samin.. Pero ang weird lang.. Kasi pagdating sa'kin, yung hand niya nag rock 'n roll sign.. O.O Rocker na ba ang mahal ay este yung bestfriend ko?
Nagbabay din naman si Yano.. Pero kay Ellie iba e... KISS SA CHEEKS.. At ang lokaret, kilig to the nervous system XD Hahaha!!
After lunch, nagpaexcuse kami ni Ellie at pumunta sa practice room para ipractice yung song namin..
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, 'di lang Halata
Teen FictionPagkatapos ng nakakakilig na story ni Ellie Santos sa Coke in Can, ibibigay ko naman ang love story ng bff ni Ellie, si Leah.. No plagiarism. Makakapanot ako. Seryoso. ©All Rights Reserved 2013 DarylLouiseDalisay