A/N: Chapter 37 is ready to read! Enjoy reading!
Quote of the day:
• Don't just learn how to keep the fight, but also learn how to say enough.
*******
Kean Jayshin's POV:
Nandito ako sa bahay nila Jewel. Nag-iisip kaming lahat sa kung anong ipapangalan namin sa anak nina Ate Tine at kuya John. Lalaki kasi ang anak nila.
"Kier Justin?" Sabi ko.
"Huwag 'yon. Ang pangit." Reklamo ni Jewel.
"Sabi ko nga di na 'ko magsasalita eh." Sagot ko.
"How about this, Kieron Jaxsin?" Sabi ni Kuya John. Nagkatinginan ang lahat at sabay-sabay na sumigaw.
"Oo! Maganda yon!" -___-
"Kasing-gwapo ko 'yung pangalan niya diba? Naks. Galing ko talagang mag-isip. Tangina."
"Ang bibig mo, Kaizer." Banta sa kanya ni Ate Tine.
"Sabi ko nga." Pfftt, under.
"Anong nginingisi-ngisi mo diyan, Kean?" Tanong ni Darren. Haay.
"Wala."
"May iniisip ka noh? Ano 'yon?"
"Wala nga. Ang kulit mo. Bangasan kita eh."
"Ano nga kasi. Tangina naman oh. Atin-atin lang." Bulong pa niya. Aish.
"Wala nga eh. Pepektusan na kita, isa pa."
"Kean naman oh. Parang di tayo magkaibigan eh."
"Anak ng. Wala nga eh." Inis kong bulong sa kanya.
"Anong pinagbubulungan niyo diyan?" Tanong ni Kuya John.
"Wala kuya. Nangungulit 'tong si Darren. Niyayaya akong mambabae mamaya. Di ko 'yun magagawa kay Jewel syempre. Kaya tumanggi ako. Pero siya pilit pa ng pilit---"
"What the hell! Hoy, Kean anong sinasabi mo?! Gago ka ba?! Baby girl, di 'yun totoo." Pfftt, natatawa ako sa itsura niya.
"Kita mo, defensive kuya oh. In denial pa."
"Darren Stanley Meneses, LET'S TALK." Sabi ni Pearl at nauna ng naglakad papunta sa taas.
"Lagot ka mamaya sakin, Kean. Namo!" Bulong niya sakin at sumunod na kay Pearl sa taas.
"Goodluck." I said and chuckled.
"You really are a good friend, Jayshin." Jewel said.
"Of course, honey babes." Sagot ko.
"Tch. Aalis muna kami ng Ate niyo, bibili kami ng gamit para kay baby."
"Sige kuya." Sagot ni Jewel.
"Mag-iingat kayo rito ha? Huwag kayong aalis ng bahay. Babalik din kami agad." Sabi ni Ate.
"Alright. Take care sa pagdadrive kuya. Kasama mo 'yang mag-ina mo." Paalala ni Jewel.
"Yeah. I know. Thanks."
Nagpaalam na sila kaya kami naman ni Jewel ay pumunta sa garden para magpahangin. Hindi masyadong mainit ngayong araw kaya sa labas nalang kami tatambay.
"Ikaw talaga baliw ka. Pinag-aaway mo 'yung dalawa." Nakasimangot na sabi niya sakin.
"Hayaan mo si Darren. Maglalambing lang 'yun, okay na sila ulit. Pfftt." I said and chuckled.

BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...