Story #4 - Picture

81 6 1
                                    

"Ang tagal naman ni Myge..." - bulalas ni Vancleave.

Nagsuot pa kasi ng whitelady na costume si Myge sa CR. Ang banyo ay parte ng kwarto nito. May naisip kasing katuwaan ang dalawa. Plano nilang manloko ng mga tao.

Kunwari nag s-selfie daw si Van tas sa likod niya ay susulpot si Myge na nakacostume na white lady.

Ugali na talaga kasi ni Vancleave ang manakot.

...

Nainip si Vancleave kakahintay kay Myge, kaya naisipan niyang mag-ayos muna ng sarili sa harap nung may malaking salamin na kaharap lang nung kama.

"Ay! ano ba yan!" - naisigaw na lang ni Vancleave nang biglang napatay yung ilaw. 'Brown out ata' - naiiling na sabi ni Vancleave sa kanyang isip.

Hinanap niya sa kanyang maliit na sling bag ang phone niya para magkaroon man lang ng kaunting ilaw.

*BLAG*

"Ay!" napasigaw ulit si Vancleave sa gulat nung biglang nagsarado yung pinto ng CR. Mukhang nakalabas na si Myge sa CR.

"Sa susunod, pwedeng huwag ka na mang manggulat?" - naiinis niyang sabi kay Myge.

*tak tak tak tak*

biglang kinilabutan si Vancleave nang marinig niya ang ingay nung takong ni Myge habang papalakad papalapit sa kanya.

*tak tak tak tak*

"Myge, tanggalin mo nga yang sapatos mo. Ang dilimdilim na nga, nag-iingay ka pa. Kinikilabutan ako sa 'yo eh."

Madilim sa loob ng kwarto kaya nakikiramdam lang siya.

*tak tak tak--*

Nung malapit na kay Vancleave yung ingay ng takong ay bigla namang huminto ito.

"Good... tulungan mo nga akong hanapin yung phone ko. Parang nasa kama mo yun eh" - sinimulan na ni Vancleave ang pagkapa sa paligid niya at nang mapagtanto na niya yung hugis ng kama ay naramdaman naman niyang gumalaw yung foam na parang may pumatong na mabigat.

"At nagawa mo pang umupo =___=. Eh kung maghanap ka kaya ng kandila at sindihan mo nang may ilaw naman tayo" - Vancleave.

Hindi na naman siya sinagot ni Myge at nanatili lang nakaupo sa kama. Nakapa na ni Vancleave ang phone niya at binuksan niya yung flash light nito.

Halos mapatalon si Vancleave sa gulat nang saktong mailawan niya si Myge na nasa harapan niya pala.

"Hmmm, okay na yan. At mas maganda kung magsisimula na tayo . Mas magandang madilim para mas matakot ang makakita. May flash naman tong camera ko sa phone." - nakangising sabi ni Vancleave matapos mamangha sa ayos ng kaibigan. Lumayo siya kay Myge. at sinimulan ang pagkuha ng picture.

*flash*

*flash*

*flash*

Tatlong picture.

Tiningnan niya naman ito at nagulat nung makitang lumapit sa kanya si Myge sa unang picture.

Nakaramdam siya ng takot dahil sa itsura ng kaibigan ngunit parang lumulukso ang diwa niya dahil effective ang pananakot nila.

Nilipat niya ang tingin sa isa pang litrato. Kahit alam niyang kaibigan niya si Myge at hindi naman seryoso ang ginagawa nila ay parang iba na ang nararamdaman niya.Yung pangalawang pic ay may nakatutok nang kutsilyo sa leeg niya .

"M-myge...." - kinabahan si Van dahil wala sa usapan nila ang ganun. Saka, kanina pa siya nakakaramdam ng takot sa inaasta ni Myge.

*BLAG*

Nagbukas yung pinto nung CR at saktong bumalik ang ilaw kaya lumiwanag sa buong kwarto.

Nagulat si Vancleave sa nakita niya.

"Myge?"

"Van, kanina pa ako nagsisigaw sa loob ng CR. Ni-lock mo na nga yung pinto, pinatayan mo pa ako ng ilaw. Hindi nakakatuwa yung ginawa mo.!" - galit na sabi ni Myge.

Hindi makapaniwala si Vancleave sa nangyayari ngayon. Naguluhan siya, dahil nasa harap lang niya si Myge na kanina pa pala na lock sa CR eh ang pagkakaalam niya ay kasama niya itong nagpi-picture kanina.

Nagsitayuan lahat ng mga balahibo niya sa takot.

Tinignan niya ang panghuling picture.

Napaiyak siya nang makita ang nakakatakot na itsura nung babaeng matanda. Hindi pala si Myge ang kasama niya kanina. Naramdaman niyang parang umi-ihip na malamig na hangin sa mukha niya. Bigla siyang binalot ng takot sa buong katawan niya.

"Vancleave...." Napaangat ang ulo ni Vancleave nang may tumawag sa kanya. Madilim na ulit ang lugar. Parang biglang tumigil ang mundo at halos hindi siya makagalaw sa nakikita niya. Nanlamig ang katawan niya sa takot nang makitang nakatayo yung babaeng matanda sa harapan niya habang nakangiti ng masama...

You're Not AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon