Chapter Eight

122K 2.8K 306
                                    

CHAPTER EIGHT

"TAKE a rest for a while, Lavender. Okay na siguro ang one month? Aayusin ko lang lahat ng mga projects na ni-reconsider natin," payo sa kanya ni Glaiza pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa. Halos limang oras din silang nagdiskusyon sa mga projects na ni-review nila.

"Alright. Ikaw din, Glaiza. You should take a break, too. You have done a lot for me." Bahagya siyang napahikab. Umagang-umaga kasi silang nag-usap nito kaya inaantok pa siya. "Bakit hindi ka rin magbakasyon muna bago natin umpisahan ang new commitments natin? What do you think? You need to relax."

Napahilot ito sa sentido at bahagyang ngumiti. "Siguro nga. Sige, babalitaan na lang kita. Take care, Lavender." Niyakap siya nito at bumeso bago umalis ng bahay nila. Doon na lang kasi sila nagkita dahil tamad na tamad siyang lumabas ng bahay.

Pagbalik niya sa loob ng kuwarto niya ay nakita niyang alas-onse y medya na. Naghihikab pa rin siya kaya itinulog niya na muna. Nagiging antukin na siya mula nang mawalan siya ng mga projects two days ago. Sa tingin niya ay may depression siyang nararamdaman dahil nagste-stress eating na rin siya. Kagabi nga ay tumabi pa siyang matulog kasama ang Mommy at Daddy niya. Talaga naman kasing nalulungkot siya sa sunud-sunod na pagkawala ng trabaho niya.

Hindi pa rin tumatawag si Reynald mula kahapon. Ang alam niya, ngayong araw na ito makikipaghiwalay kay Alia. She just wished na wala nang dugong dumanak o ano pa man. Pagod na rin naman siyang maging secret girlfriend. At hindi siya ipokrita para hindi sabihing masaya siya dahil siya ang pinipili ni Reynald kahit ano mang maging kapalit.

Nagising si Lavender bandang alas-kuwatro na ng hapon. Kumakalam na ang sikmura niya kaya naman agad siyang bumaba sa kusina at nakita ang Mommy niyang naghahanda ng meryenda. Nasamyo niya ang hinahanda nitong pagkain. Caramel French toast, her favorite!

"Mommy..." Niyakap niya ang ina mula sa likuran at nakitang nilalagyan na lang nito ng whipped cream ang French toast.

"You're awake! Mabuti naman." Hinaplos siya nito sa braso. "Hindi na kita pinagising kaninang lunch dahil tulog na tulog ka daw sabi ng isang maid natin."

Pinatong niya ang baba sa balikat nito. "Ang sarap nga po ng tulog ko. Wala naman kasi akong gagawin. I want to sleep all day na lang! Kaso, my tummy wants to eat!"

"Tamang-tama at naghanda talaga ako nitong French toast para sa'yo," malambing na sabi ng ina at saka sila dumulog sa lamesa.

"Ano pong oras uuwi si Daddy?" tanong niya sa ina habang enjoy na enjoy siyang kumakain. Mmm! Kuhang kuha talaga ng ina ang gusto niyang timpla ng caramel French toast.

"Mga alas-sais siguro. Wala daw siyang meeting ngayon. So, he will be able to come home early." Maingat na sumubo ang Mommy niya ng pagkain. Gustung-gusto ni Lavender pinapanood ang Mommy niya na kumain dahil poised na poised talaga ito hanggang sa pagnguya. "Huwag ka munang matulog, ha? Sabay-sabay tayong magdi-dinner tonight."

"Yes, Mommy. At saka tatabi ulit ako sa inyo mamaya ni Daddy, if hindi ako nakaka-bother sa 'alone' time niyong dalawa," nakangising sabi niya.

Natawa ang Mommy niya habang natatakpan ng kamay ang bibig nito. "Gusto nga namin ng Daddy mo na nilalambing mo kami. You're all grown up, sweetheart. Kaya nga akala namin hindi ka na namin malalambing dahil lagi kang busy at wala dahil sa trabaho mo. Parang blessing in disguise pala sa'min ni Nikolas na nawalan ka ng projects."

She giggled. "Sorry about that, Mommy. Promise, I'll always make time na para sa inyo ni Daddy. Kahit may trabaho na 'ko." Sa loob-loob ay masyado siyang na-guilty. Alam niyang pabiro mang sinabi ng Mommy niya ay nagtatampo talaga ito. She bit her lower lip. Paano kasi ay kung hindi siya busy sa photoshoots or modeling rehearsals ay si Reynald ang lihim niyang kasama.

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon