Renee's Pov
Day-off ko ngayon! Yehey hahaha. Nakuha ko na yung unang sweldo ko kaya pinagshopping ko yung magiging baby ni Mylene tapos bumili ng pagkain para samin tapos eto nanonood kami ni Blue ng movie. Para kaming couple haha, hinihintay lang namin mag 6pm, yun kasi start ng birthday party ni Ate Janine, syempre as her partner DJ, invited ako. Sabi niya pwede daw ako magsama kaya isasama ko yung tatlo.
"Renee!!" nagulat ako sa sigaw ni Taf.
"Bakit?"
"Si Jiro!!"
"Asan? Anong nangyari?!"
Di nagsalita si Taf at tumakbo na siya palabas ng bahay, kinabahan ako bigla.
"Blue, tara tignan natin kung anong nangyari kay Jiro!" di ko na siya pinagsalita at hinila ko na siya palabas.
Nakita kong nakikipagbugbugan si Jiro, anong nangyari sa kaibigan kong to? Aish! Tumakbo ako tapos inawat ko si Jiro, di na kasi makapalag yung kaaway niya pero binubugbog niya pa din, kawawa na nga kase puro pasa na sa mukha saka braso, ang dami pang sugat sa mukha tapos punit na yung damit.
"Jiro!" hinila ko si Jiro, ewan ko kung saan ko kinuha yung lakas ko pero nahila ko siya tapos humarang na ko sa harap niya, baka sugudin na naman niya yung lalaki eh. Si Blue naman hinawakan na siya sa may braso. Sinenyasan ko si Blue na ipasok na si Jiro sa bahay tapos tinawag ko na din si Taf.
Pagpasok ko, nakita kong pinapainom ni Taf si Jiro ng water, tapos hinahagod yung likod. Siguro para makalma, pero naiinis pa din ako! Naiinis ako kay Jiro! Ano ba kasi nangyayari sa kanya!
"Ano nanaman yun Jiro ha! Anong palabas yun?! Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Arci kapag nakita niyang nagkakaganyan ka?!"
"Ano namang pake niya saken? Di naman niya ko kayang mahalin! Di tulad ng pagmamahal niya don sa gagong Kenneth na yon!"
"Pero di pa rin tama na magpaka-gangster ka dahil sa kanya! Ano ba Jiro! Di kana bata, may sarili kanang pagiisip, gamitin mo naman sana sa tama!"
"Renee! Di mo ko maintindihan eh! Di naman kasi ikaw yung iniwan, di ikaw yung di kayang mahalin ng taong mahal mo! Di kasi ikaw yung nasaktan"
"Oo hindi ako nang lahat nang yan! Pero Jiro, naranasan ko na lahat yan.. Please Jiro, don't do this to yourself." niyakap ko siya tapos napaiyak na ko.
Di ko talaga kasi kayang makita na nahihirapan yung mahal ko, Oo mahal ko si Jiro dahil kaibigan ko siya, napakahalaga niya para sakin, kaya hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan dahil kay Arci.
Naramdaman kong basa na yung likod ko, pawis na pawis na ko at umiiyak na din pala si Jiro, di ako bumibitaw sa yakap namin. Gusto kong gumaan muna yung loob niya bago siya kumalas sa yakap ko. Hinahagod ko yung likod niya kasi naririnig ko yung paghikbi niya, bumubulong pa siya sa tenga ko ng sobrang hina kaya di ko na maintindihan, para siyang bata sa lagay na to.
Maya maya pa ay naramdaman kong bumigat na yung pagkakayakap niya sakin, nakatulog na pala siya. Sinenyasan ko si Blue na itayo si Jiro tapos ihiga sa couch.
Nakita ko namang kumuha nang palangganang maliit saka bimpo si Taf. Pinunas niya kay Jiro, lasing din kasi.
"Paano na yan? Di na tayo tutuloy sa birthday ni Ate Janine, dito na lang tayo para masamahan natin si Jiro"
"Wag na Renee, ako na magbabantay kay Jiro.. Pumunta kana lang dun, sama mo si Blue." -Taf
"Pero nakakahi-"
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Novela JuvenilA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?