sticky notes

829 43 15
                                    

Shaira's POV

excited akong pumunta sa school ngayon , ilang araw na kasi akong may natatanggap na notes ewan ko kung kanino pero malakas talaga ang feeling ko na sa crush ko to nanggaling. Ayaw kong umasa pero feeling lang naman ehh ha ha

Pagkapasok ko ng classroom wala pang tao ,ako kasi palagi ang nauuna dumating sa mga kaklase ko , nung pumunta na ako sa upuan ko may naka dikit na sticky note sa armchair ko

It says " if you were a vegetable you'd be a CUTEcumber"

Huh ang cheesy ahh .. buset napatawa nalang ako.

Maya maya pa dumating yung teacher namin. I wonder kung nasaan si darren di ko kasi siya nakita simula kanina nubg dumating ako dito, malamang late ulit yun, sayang nga eh di kami naging magkaklase.

Natapos lang yung isang araw di ko talaga nakita si darren , kainis naman kasi ehh asan na ba yun.

" uy shaira sabay na tayo umuwi?" Tanong sakin ni Sheryll isa sa mga friends ko

" ahh hinatayin mo nalang ako sa gate, pupunta lang akong locker," sabi ko sakanya , nag nod naman siya

Well actually kaya ako pupunta ng locker kasi baka nandoon si darren hihi magkatabi pa naman kami ng locker .. ang swerte iko talaga.. hayys

Pagkabukas ko ng locker ko may nahulog na papel, ayy joke envelope pala..

Pinulot ko ito tsaka inamoy, hays grabe ang bango parang si darren lang hihihi

Binasa ko yung sulat, ayy grabe kinikilig na talaga ako.. sino ba kasi ang nagbibigay nito?

Ang sweet talaga ng letter guys, gusto niyong i share ko? psshh wag na guys kasi wala namang sulat haha,, ay Joke lang syempre meron di ko nalang i she share .. private ehh

(A/n: may naalala ako dito hahaha)

Sa sobrang kilig ko di ko mapigilang di mapasigaw, hayaan na ako lang naman tao dito ehh

" ayy joke!!" Sigaw ko nang biglang nagpakita si darren

Omg!! Si darren

Humarap siya saakin, lumapit, lumapit, at lumapit pa.. ghad eto na ba yun!! Im not ready ..

" ahhm excuse me miss!"Sabi niya

" miss excuse po, "

Ano daw? Kiss?

" ah yung locker ko " sabi pa niya tsaka ngumiti

Ay naharangan ko pala yung locker niya.. PAASA akala ko kung ano na.

" ayy hehe sorry po!" Sabi ko nalang at tumakbo palabas.

Ghadd nakakahiya sobra nagmukha akong ewan sa harap niya.. kung ano ano pa yung naririnig ko kanina.. tapos yung smile niya pamatay.. pero nabuo niya araw ko yiieee im so happy

The next day,

Lumabas ako ng room para kunin yung math book ko sa locker ko. Iniiwan ko kasi yung mga books ko dahil mabigat sila and next class ko kasi is math.

Nang makarating ako sa locker ko may naka dikit na note sa locker ko

" Nakakainis na yung Algebra , puro nalang kasi X and Y, hindi ba pwedeng U and I naman??"

Puteks, ang mais. Grabe, sino ba kasi to?? Omg baka si darren to!! Paano kaya kung siya nga talaga to?? Uwaaaa

Hays imagination ko nanaman, shaira ano ba hindi ka nga kilala ni darren eh tss.

Darren Espanto // one • shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon