One

30 1 0
                                    

Alexander's POV
***

"Pre, hindi ko talaga kayang mahalin ng totoo si caitlyn e.
Sa tingin mo sino ba mag seseryoso sa matabang yan? Diko naman inakala na mabilis yang mafall. Tignan mo lahat ng gusto ko sinusunod." Xander

"Hahahaha! Grabe talaga karisma mo pre, sigurado ka bang hindi mo mahal? O ikinakahiya mo lang sa tropa na isang balyena ang iyong iniirog hahahahahah!" Zach

"Gago! syempre hindi ko mahal yan! Imagine sinabihan ko lang siya na mahal na mahal ko siya tapos bigla ko siyang hinalikan ayun na sinuko na ang bataan, sa isip isip ko nga habang sinabi ko yun diring diri ako sa sarili ko hahaha."

"Pero pre masarap ba? Hahahaha I can't imagine na isang drum yung iibabaw sa akin."

"Gago syempre hindi ko siya pinaibabaw, sarap na sarap siya nung gabing yun no. Alog dito alog doon.

Napuno ng tawanan ang buong kabahayan at tsaka nila inubos ang natitirang alak na iniinom nila.
---

Caitlyn's POV
***

Grabe hindi ko alam na ganon lang pala yung tingin niya sa akin.
Masyado kong nabulag sa pag mamahal ko sa kanya na hindi ko man lang nahalata na niloloko niya lang ako.
Kung hindi pa ako pumunta sa bahay niya, hindi ko malalaman lahat. Napakawalang hiya niya.

Patuloy pa rin ako sa pag iyak dahil hindi ko matanggap lahat ng mga sinabi niya, akala ko kasi napaka swerte ko na dahil may nagka gusto sa akin na isang katulad niya.
Yun pala isa lang din ang habol niya kung lait laitin at insultuhin niya ako sa harap ng kaibigan niya parang hindi ako tao sa paningin niya. Sabagay drum nga yung tingin sa akin ng kaibigan niya, siya pa kaya.

Hindi ko talaga maimagine magagawa niya akong gaguhin. Sabagay hindi ako ang Ideal girl niya. Sexy, Maganda, sopistikada.
Simpleng babae lang kasi ako na ayun na nga nung ng sabog lahat ng pagkain si Lord sinalo ko lahat.
----

Alexander's POV
***

May nakita akong tao na tumakbo palabas ng gate, hindi ko alam kung guni guni ko lang pero sinundan ko at nakita kong bukas yung gate.
Pero alam kong babae yun. Kaya lumapit ako sa gilid ng bintana, nakita ko yung keychain na ibinigay ko kay Caitlyn, hindi siguro nito namalayan na nalaglag ang keycahin neto, pero bakit hindi ito pumasok kung pupunta siya dito? Hindi kaya narinig niya lahat ng mga sinabi ko kaya siya nag mamadaling tumakbo palabas ng gate?

Paano na? Anong idadahilan ko sa kanya? Siguradong nasaktan ng sobra yun. Pero totoo naman kasi
Hindi ko siya kayang mahalin ng totoo na katulad ng pagmamahal niya sa akin. Kakausapin ko na lang siya bukas.
---

Kinabukasan, pinuntahan ko agad siya sa trabaho niya. Pang gabi kasi yung duty niya sa hospital. Susunduin ko na lang din at para makapag usap kami.
Nakita ko na siyang lumabas sa elevator kaya sinalubong ko na.
---

Caitlyn's POV
***

Nakita ko si Xander sa labas ng hospital, papalapit sa akin.
Hindi ko na sana siya papansinin pero lumapit na siya sa akin at hinawakan ako.

"Tara na hatid na kita sa inyo."

Wow ang galing mag panggap ng hayup na to! Parang akala mo kung sinong matino.

"Hindi na, kasi pupunta pa ako sa bahay ng katrabaho ko. Mauna kana."

Letseng to maka tanong akala mo concern hayup. Napaka galing mag panggap ang sarap bigwasan galit pa rin ako sa kanya letse siya.

"Ihahatid na lang kita, papunta doon. Saan ba yun at sinong katrabaho mo yun?"

"Ah. Wag na hindi na malapit lang naman yung hospital sa condo niya e."

My Ex boyfriend's trophyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon