Chapter 10-- It's Christmas!

229 10 8
                                    

Chapter 10-- It’s Christmas!

AN: This is dedicated to my partner. Haha! Pakibasa din yung story niya pag may time kayo. Thank you! :)) 

 ---------------------------------------------------------

Kamille’s POV

>>>> Fast Forward (after 3 days)

…………

Nandito kami ngayon sa living room and kanina pa kami nagkukwentuhan ng kung anu-ano para lang mahintay na mag-12 at magbatian ng magkakasama. Syempre isa na sa mga napag-kwentuhan naming ay ang aking new look.

*flashback*

Pagkagising ko, bumaba ako ng para kumain at nakita ko naman na nandun si manang at naghahain sa may dining area.

“Good morning po.” Bati ko kay manang saka umupo.

Tinitigan naman ako ni manang at parang nagtataka. Ano meron?

“Bakit po?” tanong ko kay manang

“Ah teka lang iha. Classmate ka ba ni Kamille? Tatawagin ko lang yung mommy niya para makakain ha.” Napatigil naman ako sa pagkain ko. Hala? Hindi ako mamukaan ni manang?

“Manang wag masyadong OA. Si Kamille  to, hello? Hahaha!” Ang corny eh. Usually nababasa ko lang yun sa wattpad. Yung hindi makilala. Para namang niretoke ako at hindi ako makilala? HAHA!

Hinawakan naman ni manang ang mukha ko. Tinitigan niya ako maigi. Hinarap niya pa yung mukha ko sa kanan at sa kaliwa. Ayaw lang maniwala? OA na ha. Hahaha.

“Kamille anak?” pagtatanong ni manang.

“Oo naman po manang. Ako to, baby niyo. Hehe.”

“Ang ganda mo anak. Akala ko kung sino.” Saka niya hinaplos yung buhok ko. Finally!

“Manang.”

“Bakit?”

“Pangit ba talaga ako dati?” Pagtatanong ko kay manang. Ang OA kasi magulat eh.

“Sino pangit manang?” biglang singit ni mommy na papalabas na sa kwarto niya.

“Good morning mommy! :) Eh si mommy kaya, makilala ako?

Well, kagaya nga ni manang, tinitigan pa ko ni mommy bago ako nakilala. Tsss. -__-

Umupo si mommy sa tapat ko at nagsimula na kumain.

“Mommy..” sabi ko habang nakatitig sa pancakes na nasa plate ko.

“Hm?”

“Pangit ba ko dati?” tanong ko. Mukha akong Nerd dati, alam ko. Pero, pangit ba ko dati?

“Of course not baby! Nagulat lang ako sa changes na nangyari sa’yo. Lalo ka kasi gumanda. =))” sus si mommy nambola pa..

*end of flashback*

“Merry Christmas baby!” Greet sakin ni kuya pagkatingin niya sa relo niya sabay kiss sa’kin sa forehead. Haha 12am na ngayon at, talagang Christmas na! =))

“Merry Christmas kuya! Gift ko? Haha.”

“Bukas na lang! Haha” pagbibiro ni kuya.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon