I'm the invisible wall around you.
Sino ako? Ako lang naman ang pader na handang saluhin lahat ng bala para sayo.
Ako ang shield mo, parang sa COC hindi ka nila pwedeng atakihin hangga't andito ako.
Ako ang pader na nag papatibay ng kalooban mo.
Ano? Tinatawag ka nilang bato? Doon ko nga nasabing 'invisible' nga ako, dahil di talaga nila ako nakikita, na ako yung bato at hindi ikaw.
Nilalayuan ka nila dahil sa akin? Tinatawag ka nilang 'stone heart' pero, dahil doon, napatunayan kong hindi sila karapat dapat sa iyo, hindi sila marunong matiyaga, hindi sila gumagamit ng utak, bakit? Pwede nila akong sirain, gumamit ng maso, kung hindi pa rin nila ako masira sa kapal at tibay ko, ba't hindi sila gumamit ng hagdanan?
Oo, mataas ako, pero kong gusto talaga nilang makapasok sa buhay mo, umakyat sila! May hagdanan nga diba? Kailangan ka nilang pag sikapan, sa dami nang naranasan mo sa buhay, di ko pa hahayaan na may sumugat at manakit sayo.
Sobrang taas at sobrang tibay ko. Alam ko, alam kong pinag sikapan at paguran mo akong buohin, sa sobrang tibay ko ba naman 'to, di na ako mag tataka.
Minsan nga, tinatanong ko sarili ko, ilang semento kaya ginamit mo sa akin? mag kano kaya nagastos mo? O kaya, napagod ba kita? Pero, kahit ano mang hirap ang naranasan mo sa pag buo mo sa akin, narito lang ako para sayo, di kita iiwan.
Ako ang pader na magtatanggol sayo, at mag iiwas sa sakit.
Ilang beses na ba silang nag tangkang ako'y wasakin? Ilang beses na silang ako'y akyatin? Siguro'y hindi mo na mabilang. Minsan ako'y nahihirapan na, sa sobrang dami ba naman nila.
Naalala mo nang naki usap ka sa akin? Ang sabi mo kailangan ko pang tibayan, na meron na namang taong ako'y gusto akong siraiin. Nagtataka ako kung bakit, napatanong ako sa sarili ko, di pa ba sapat ang lakas at tibay ko para protektahan kita?
Hindi pa ba sapat ang mga taong napa suko ko bilang patunay na malakas ako? Pero, nang panahong sumuko sila sa'yo, alam kong hindi ka masaya. Bakit? Dahil napatunayan mo na walang gustong mag tiyaga sayo, kahit di mo aminin alam kong nasasaktan ka.
Nasagot lahat ang aking tanong nang isang araw ay may lumapit na lalaki sayo, sinusuyo ka.
Masasabi kong, sa lahat ng mga taong gusto ako sirain ay iba siya, hindi siya nag magmamadali, hindi katulad ng iba na maso lang ng maso, ayun napagod at bumigay tuloy, yung iba naman, akyat lang ng akyat sa hagdanan, hindi marunong mag pahinga, ayun sumuko at bumigay na rin. Sa madaling salita, hindi sila marunong mag hintay, kung nag tiyaga sila wasakin ako at masohin, yung hindi minamadali, pasasaan pa at mawawasak din ako, at kung nag dahan dahan sila sa pag akyat, hindi agad sila mapapagod, mag papatuloy at maabot ang hangganan ko.
Sa dami ng nag tangkang ako'y sirain at akyatin, siya lang ang nasabi kong matiyaga, marunong siya mag hintay, dahil sila, sumuko agad sila.
Ilang buwan na simula nang nag simula ka niyang ihatid at sundo sa trabaho mo, lalabas ka pa lang sa trabaho mo, nakikita mo na siyang nag aabang sayo. Lagi niyang sinisiguradong ligtas ka.
Lagi ka niyag napapa ngiti at tawa sa sa mga joke niya. Siya na ang nagiging dahilan ng mga mga tawa mo.May isang pagkakataon na ilang araw ka niyag hindi na sundo, noong panahong yun naramdaman mo hindi kumpleto ang araw pag hindi mo siya nakikita, pag hindi mo maririning ang mga korni na jokes niya.
At doon, doon ko na kumpirma na may nararamdaman ka na sa kaniya at sa ka una unahang pagkakataon, bumiak ako.
Nag paliwanag siya na may ginawa siyang importante kaya hindi ka niya na sundo nang mga nakaraang araw.
Iniwasan mo siya, dahil alam mong unti unti na akong nasisira, unti unti ng nawawasak ang pinaghirapan mong buohin.
Pilit mo siyang pinag tatabuyan at pinagtataguan.
Hindi mo na alam ang gagawin. Nang minsang tinanong ka niya kung anong problema, anong sinagot mo? Umiling ka lang.
Naiinis na ako sayo nun, bakit hindi mo pa sabihin ang nararamdaman mo sa kanya? Handa akong mawasak para sa iyo, para sa ikakasaya mo, tama na, tama na ang pag papahirap ko sa mga taong nasa paligid mo.
Sa tagal nating nag sama, sa kanya lang kita nakitang masaya, siya ang dahilan kung bakit nakita ko ang tunay mong ngiti, siya ang dahilan kung bakit nakita kong pumula ang mga pisngi mo.
Bakit hindi mo sabi ang nararamdaman mo? Takot, alam kong takot ang nararamdaman mo sa tagal nating nag sama kilala na kita. Pero paano mo mararamdaman ang 'saya' kung hindi ka marunong sumugal, sa tingin ko naman sa dami na ng naranasan mo sa buhay, pag bibigyan kana nila, ibibigay na nila sayo ang kaligayahan.
Kelan ka ba mapapagod? Naramdaman mo lang na may biak ako, ginawa mo agad ako.
Buti na lang, buti na lang talaga ma tiyaga siya, patuloy pa rin siya sa pag wasak sa akin, ikaw naman patuloy sa pag papatibay sa akin.
Pinabayaan kita, sabi ko sa sarili ko na bibigay ka rin, mapapagod, katulad ng taong nasa paligid mo.
Naki pag patibayan ka sa kaniya, pero katulad ng iba, napagod at sumuko rin siya.
Iyak ka ng iyak, alam mo kasing may nararamdaman kana sa kaniya. Ang tigas kasi ng ulo mo, eto nga ako handang mawasak para sa kaligayahan mo, pero anong ginawa mo? Sinayang mo. Ang layo na ng narating niya, halos masira at maka tawid na nga siya sakin.
Ilang linggo na siyang hindi nag nagpaparamdam sayo, ginugulo ka niyang nararamdaman mo sa kaniya.
Humiling ka, humiling ka nasa makita mo uli siya, dahil sa wakas ay nagpagpasiyahan mo na na ako'y wasakin, na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Wala ka ng paki kung 'wala' na siyang nararamdaman sayo ang mahalaga'y masabi mo ako dalwang salita at ang siyam na letrang yun.
Hinanap mo siya, hinanap mo siya para lang masabi ang nararamdam mo. Nag tanong tanong ka. At sa wakas, nakita mo siya. Saktong nandoon siya sa coffee shop pinag dadalhan niya sayo dati.
Nakita mo siyang sulong naka upo. Di kana nag pa ligoy ligoy, umupo ka sa harap niya at nagsalita. "Sorry. Sorry dahil pinahirapan kita, pero ganito talaga ako, mahirap mahalin. Di na ako mag tataka kung sumuko ka." Pumatak ang ang mga luha mo. Tumingin ka sa mata niya. "Mahal kita." pag ka sabi mo nun ay agad kang tumakbo at lumabas ng coffee shop.
At sa pag sabi mo ng salitang yun, dumadami na ang biak sa akin, naramdaman kong unti unti na akong bumabagsak.
Hinabol ka niya, hinabol ka niya palabas ng coffee shop. Hinawakan ka niya amsa braso at sinabing "Di ako sumuko, nag pahinga lang ako. Alam mo, nakakapagod na rin kasi, kahit ilang beses kong gibain yang mga pader sa paligid mo, pilit mong binubuo! Nakakapagod! Oo, pagod ako pero hindi ibig sabihin sumuko na ako!"
"Mahal kita e, kaya kahit anong tibay niyang pader mo gigibain ko yan, di ako mapapagod."
Umiiyak ka, pero ang alam kong pag iyak na yun ay may kasama ng kaligayahan mula sa mga narinig mo.
Ngumuti ka sa kanya at sinabing, "Mahal din kita," yan ang sinabi mo bago mo siya niyakap.
Tuluyan na akong nawasak, tuluyan na ako nagiba. Pero, masaya ako dahil alam kong masaya kana rin.
May bago ng mag pro protekta sayo, at handang sumalo ng nga bala na para sayo. Hindi lang mag pro protekta, may masasandalan ka na rin, may mahahawakan sa tuwing nanghihina ka.
May makikinig na sayo tuwing may hinaing ka.
Masaya ako dahil sa wakas ay naging malaya kana at hindi kana naka kulong sa akin.