Chapter 6

19 0 0
                                    

"Kate!" kasabay ng pagtawag sa pangalan ko ay may naramdaman kong tumusok sa tagiliran ko. Pag lingon ko ay nakita ko si Jake na ngingiti ngiti.

"Bakit ka nakatulala miss masungit? Pasensya sa pag-aantay huh?" Simula nung nagtransfer siya dito ay ako na ang naging bestfriend niya kahit minsan nagkakasama sila ni Isabel. Alam ko na ang lahat tungkol sa kanya. Kahit mismo tungkol sa mga magulang niya. Alam niya na din lahat ng tungkol sa akin. Nagtiwala ako sa kanya agad dahil alam kong mabait siya at hindi niya ako gagawan ng masama. Naging close na din niya sila Emma at Soffy pero iba ang closeness niya sa akin.

"Bakit ba ang tagal mo huh? Sila Emma nainip sa pag-aantay kaya nagpunta muna sila sa library para gumawa muna ng assignment. Di mo ba alam na pinauna ko munang kumain sila Soffy para antayin ka?!" galit na galit na ako nun dahil 1st time niya akong pinag-antay ng 1 oras. Lagi kasi kaming 4 na magkakasabay kumain sa cafeteria.

"Miss masungit,wag ka na magalit. Sige ka papanget ka niyan. Tinulungan ko pa kasi si Isabel sa assignments niya. Sorry na miss masungit." dahil sa inis ko nabatukan ko siya ng 2 beses.

"kanina mo pa ako binabatukan ah. Sige ka kapag nabobo ako,wala ka ng kopyahan sa mga exams at assignments natin" sabay upo sa tabi ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Hoy mr. Black coffee,FYI di ako nangongopya sayo. Nagpapatulong lang ako sayo at nagpapaturo." at hinampas hampas ko siya sa braso niya. Tawa lang siya ng tawa na parang di nasasaktan.

"hay naku kayong dalawa. Nagbabangayan na naman kayo. Soffy,please give me the two knives. Ibibigay ko tong sa dalawa para manahimik na" hindi namin namalayan na dumating na pala sila Soffy at Emma.

"kasi tong si Miss. Masungit nagtampo. Oh miss masungit" may inabot sa akin si Jake. Binilan niya pala ako ng favorite kung sushi at tempura.

"ayan,kaya ako natagalan dahil binilan kita niyan." hindi na ako nagpasalamat at kinain ko na ang pagkain na binigay niya sa akin dahil gutom na gutom na ako.

"Di man lang nagpasalamat tong bruha na to?" sabi naman ni Soffy na nakataas ang kilay.

"Ehm karsi namman. . ." tinakpan ni Emma ang bibig ko.

"Don't talk when your mouth is full gurl. Nawawala ang poise nag pagiging Campus Princess mo. Nagmumukha ka na ngang PG eh" sabay tawa silang 3

Jake POV

COFFEE SHOP

Kararating ko lang galing school kanina. Tapos na ang pagiging estudyante ko at oras ko naman ngayon para maging barista. Habang nagpapalit ako ng uniform ay naaalala ko pa din ang nakakatawang mukha ni Kate kanina habang kumakain kaya naisipan ko siyang itxt.

Me:Miss masungit na matakaw,andito na ako sa work ko. Wag kang kain ng kain,baka tumaba ka. Hahaha. . .

Tagal niya magreply pero nung nakabihis na ako ay tumunog ang phone ko.

BIBIP BIBIP

Kate:Che! Cge na mr. Black Coffee,mgwork k n dyan. Bka mpgalitan k p ng boss mo. Ggwa p ako ng assignment ko,bka kc svhan mo n nman akong nangongopya. Hmpf!

Natawa ako sa sinabi niya.

Me:sige na po ms. Masungit. Study hard

pagkatapos nun ay hindi na siya nagtext. Siguro nga gumagawa yun ng assignment.

[ sana dumami na ang makapagbasa neto ]

Coffee,Cream Love Story (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon